What these Campaign Slogans say to me…

Campaign slogans, having been thought of by acknowledged “experts” in the various fields relevant to such endeavors — I’m speaking here of marketing, sociology, psychology, management, event organizing and the like — are supposed to “connect” with the viewers… to strike a chord (or a nerve) in them… to inspire, challenge, move all to action.

Great concept, VERY bad implementation, apparently.

Ampowtek! Nakita niyo na ba yung mga “hindi daw nangangampanyang” kampanya ng mga linsyak na trapo ngayon?!

Aba’y nasan ang mga talentadong direktor?!

Asan ang mga magagaling na sikolohista?!

Asan ang mga malulupit mag-benta ng ideya at tao?!

Asan ang mga tunay na propagandista?!

Aruu.. pati yata sila ay nagsi-abroad nang lahat…

Kasi, judging by the current crop of television ads, halos lahat ng naiwan ay puro batibot lahat… and I mean “batibot” in a bad way.

Nabibilang lang sa mga daliri ng isang kamay ang mga medyo matinong TV Ads at Campaign Slogans. Dalawa nga lang ang naiisip ko…

The rest? Well… let’s just say I always feel ___________ (pumili ng isa: incredulous, insulted, ashamed, violated) when I have the misfortune of viewing them.

What do these ads/slogans REALLY say to me? Isa-isahin natin:

  • Ang mayaman na dating mahirap, gagawin ang lahat para hindi na maghirap muli, including stealing, lying and getting elected to office.
  • Kapag ordinaryong panahon, pinupuri ng Bossing ang mga tauhan niya dahil sa mga nagawa nila. Kapag eleksiyon, sino-solo ni Bossing ang papuriAko! Ako lang ang gumawa ng lahat ng ito!
  • Maganda ang serbisyo kapag may budget… may budget kapag mayaman… So ano ang dapat mauna — ang pagyaman ng bayan o ang pag-ganda ng mga serbisyo publiko? O eh bakit baliktad yung sinasabi mo?!
  • Given the choice between easy and hard, a politico will always choose the easy way to sell himself — like cashing in on one’s marquee lineage, for example.
  • Kesyo dati kayong nag-aalaga ng baboy… nakatira sa barong-barong… anak ng labandera o magsasaka… naglalakad ng 2 kilometro para makapsasok sa eskwelahan… wala pa din kayong binatbat sa mga gerilya nung World War 2 na nakipag-tagaan sa mga mananakop na sakang! Kaya pwede ba…
  • Hindi ko na kailangang ipaliwanag sa inyo ang aking plataporma kasi hindi niyo naman mage-gets… bobing kasi kayo. Kaya magkasya na lang kayo sa anumang gimik na maisipan ko.

And finally, my favorite implied message of allKadamay ninyo ako sa inyong mga problema — kung iboboto ninyo ako. Kung hindi, aba’y manigas kayo!

Ngayon, sino’ng iboboto mo? 😦

Advertisements
What these Campaign Slogans say to me…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s