How to SECURELY erase your hard disk

Call me e-praning if you want, but ever since I discovered the wonderful yet worrisome WWW, I’ve had this fear of being victimized by the so-called “identity thieves.”

And this particular fear has only grown stronger through the years. In fact, it has reached epic proportions during these last few months — what with friends left and right having their email accounts stolen by unscrupulous online scammers!

You know the type — bigla na lang magpapadala ng email yung isang kakilala mo asking for help kasi stranded siya sa London at nawala ang kanyang passport, etc… etc.. na ok lang sana pero alam mong hindi naman nagi-ingles yung taong yun at wala siyang passport noh!

BTW, napansin ko lang naman… tila puro yahoo accounts yata yung nadadale 🙂

Yes, I try hard to ensure that my online identity is secure… is a hard target. But one can’t be a hundred percent sure, di ba?

Sabi nga ni Mang Gurnakh“Tutoy, magaling ka mang mag-secure ng email, egroup, blog, website o kahit anong online account na meron ka… TIYAK may mas magaling na mangha-hack sa mga ito! Kaya paandarin mo na uli yang linsyak na pocketbell mo!”

Lupit talaga ni Mang Gurnakh… Old Skool nga, Adik naman. Hehehe…

But I digress.

Namatay kasi recently yung mini-hard disk ko.

Latest Photos 2 023

Latest Photos 2 024

Ilang beses na rin kasing nalalaglag kaya hayun, bumigay na din finally. Matagal na rin naman ang buhay niya. In fact, nung binili ko siya ay 2nd-hand na (shempre).

Kaso, hindi ako kampante na basta na lang itong hayaang nakatiwangwang kung saan saan (balak ko kasing gawing paperweight ang powtek).

Eh paano kung ma-ispatan ng malupet na hacker? Paano kung pag-tripan ng isang evil techie? Paano kung buhayin ng asteeg na pc-master at kunin lahat ang mga naiwang bakas at anino ng mga datos at dokumentong na-save ko dito?

Sapat bang i-reformat lang ang hard disk? Sapat bang i-overwrite lang ito ng ilang beses?

ABA’Y HINDI!

Ito lang ang tanging paraan para sa’kin: the Ultra-Mega Bura-Bura style!

Kung ang iba’y gumagamit ng security programs para i-sanitize ang mga patapon nilang hard disks, ako — martilyo, concrete nail at semento ang tools!

Latest Photos 2 026

Latest Photos 2 027

Tingnan ko lang kung may makuha pang datos ang sinumang linsyak na hacker dito…

Latest Photos 2 029

Latest Photos 2 032

At effective na anger-management therapy din pala siya 🙂

Advertisements
How to SECURELY erase your hard disk

5 thoughts on “How to SECURELY erase your hard disk

  1. bloghopping lang po..stumbled upon ur blog
    Asteeg! Agree ako..ikaw nga ay isang e-praning..LOL

    Taroogs – salamat sa dalaw, kapatid… at sa pag-agree sa’kin (bihira kasi mangyari yun. heheh)

  2. aLps ay nagsasabing:

    Bawala ba sunugin ang electronic waste? *lazy boy here, hehe*

    Taroogs – actually, inisip ko din kung iihawin ko yung hard disk ko… kaso tiyak may mare-release na toxic chemicals yung ganun. At kapag wasak lang siya, pwede pang i-recycle. hehe

  3. galeng ng suggestion mo kuya! pero kulang pa yata yan, dapat sobrang durog talaga tas itapon mo ng hiwa-hiwalay para wala talaga chance na mabuo ulit ahaha 😛

    Taroogs – actually, yun talaga balak ko… kaso nagduda na yung misis ko nung dalhin ko yung palakol palabas ng bahay kaya sinundan ako… hayun! nag-issue ng cease and desist 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s