“Na-OC sa PC Moment” na naman ako…

Sumipa na naman last Sunday yung “butingting bug” ko. Nakatitig kasi ako sa see-through window ng bago kong 2nd-hand na PC sa bahay — ganun ako pag walang maisip na isulat… kung saan-saan tumititig — at napansin kong parang bahay ng paniki yung loob niya! As in may agiw-agiw na.

Hindi ko pa nga pala nalinis yun mula nung nabili… hanggang kabit lang ng extra intake fan — opo, unti-unti kong tinunaw yung plastic na nasa likod nung fan grill gamit ang inistreyt na paperclip na ininit sa kandila… Picture 460

… at pag-palaki sa rear exhaust blowhole ang nagawa ko — dito, diagonal pliers (side cutters) naman ang ginamit ko para gupitin yung dating metal grill ng PC case…

Picture 465

So, in other words, inuna ko yung pag-ayos sa airflow (cooling) at nakaligtaan yung mas mahalaga — yung wirings, cables at kalinisan ng loob.

Kaya, may-I-patay agad ako the PC at kinuha ang aking trusty brush, LED flashlight, at zipties at binutingting ang bituka ng PC… lahat ito habang dini-dedma ang mga parinig ng aking labing wayp.

  • Konting punasnakow, pag yan di umandar makikita mo!
  • Konting gupitmay deadline pa naman ako!
  • Konting brushsana naman hindi bigla-biglaan yang paglinis mo!
  • Konting ihipnadudumihan yung kwarto, anubeh!
  • Konting pagpagmag-walis ka pagkatapos oy!
  • Konting kape (ahhh saraap)… Hmp… makalabas na nga’t baka di ako makapagpigil!

Ayush!

Latest Photos 329 Latest Photos 330

Alam ko na medyo magulo pa din yung wiring… pero kung inayos ko na rin yun, ano pa gagawin ko next time?

🙂

Advertisements
“Na-OC sa PC Moment” na naman ako…

4 thoughts on ““Na-OC sa PC Moment” na naman ako…

  1. koreanmine ay nagsasabing:

    OC nga! 😀

    ako maka kita pa lang ng buhol buhol na wire, sumasakit na agad ang ulo ko pag inisip ko kung pano ko aayusin, kya pag nitingnan ang likod ng entertainment center namen, masisiyahan chak c tarzan magpalipat lipat sa kuta kutakot na baging 😀 at ang pc, ewan ko na, bk may spiderman 1, 2, 3 and 4 na.. kaya nga, laptop, halabsyu so much 😀

    Taroogs
    – totoo ka dyan, kapatid! matutuwa din ang mga daga’t bubwit sa dami ng “flyover” na pwede nilang tulayan sa mga appliances nating ganito 🙂

  2. tsenn` ay nagsasabing:

    hindi ako mahilig magbutingting ng pc khit coe student ako hahaha!
    ikaw po un may daughter na kamukhang-kamukha mo di ba po??
    waw nadaan na ko dito dati! 😀

    Taroogs — yeps. yung seroks-copy ang ilong 🙂 salamat uli sa dalaw, kapatid na tsenn

  3. hahaha… hirap talagang mag-ayos ng pc… wala pa bang tumubo na kamote dyan sa pc nyo?

    Taroogs
    – hindi lumalaki yung kamote kasi tsini-tsibug agad nung kambing na gala 🙂

  4. tol bakit ka may extra cooling fan? naka overclock ba yung processor mo?

    Taroogs – hindi men, dati kasi ang nakakabit dyan ay gaming videocard kaya medyo mainit yung loob.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s