Di ka rin ba kakabahan kung gan’to?

Minsan, mahirap talagang hulaan kung anong kakaibang kababalaghan ang sumisirko-sirko sa isipan ng isang bata… kahit sariling anak mo pa siya.

Ba’t ko nasabi ‘to, ‘ka n’yo?

Gan’to kasi yon…

Nung isang Sabado, tahimik at payapang nanonood ng telenobela sina Dear Dawter (DD) at Nanay Ni Dear Dawter (NNDD).

Kwento ni NNDD, yakap-yakap daw ni DD ang kanyang paboritong doll habang sila’y nanonood ng TV. Mega-dramatic daw yung eksena, ika ni NNDD — as in may habulan… may kidnappan… may reskyuhan…

In short, hitik sa emosyon at give-na-give yung mga artista sa pag-gampan ng kanilang papel.

Fast-forward sa ending.

Nag-paaalam daw si DD kay NNDD na matutulog na… inantok yata sa palabas. Mukhang na-bore.

Iniwan ni DD sa sopa ang kanyang doll at pagkatapos magkiss-gudnayt kay NNDD ay dali-daling pumasok na sa kwarto.

Ok na sana. Solo na sana ni NNDD ang TV… nang biglang napansin nito ang iniwang doll ni DD.

Aba’y mukhang masyadong na-internalize ni DD yung napanood na eksena sa linsyak na telenobelang yun!

100_1516

Kawawang Doray. Binusalan na…

100_1517

Binalaiti’t itinali pa!

Ngayon tuloy… kinakabahan na ako pag nakikita kong gan’to ang mood ni DD.

Picture 287

Parang may masamang balak kasi. Hehehe….

🙂

Advertisements
Di ka rin ba kakabahan kung gan’to?

5 thoughts on “Di ka rin ba kakabahan kung gan’to?

  1. Ampness! ay nagsasabing:

    Hala. Lakas talaga ng influence ng tv sa mga bata. Rated PG yan. Ahaha

    Lakas imagination ni DD ah. Hehe

    Taroogs – kaya pala strict ang payrents ko dati pagdating sa panonood ng tv 🙂

  2. ang kulet naman po ni DD. kawawang Dora, akala ko hanggang takip lang sa bibig. lalo ako natawa nun may tali pa talaga sa likod!

    Taroogs – buti na lang at nakumbinsi namin siyang wag nang magsampa ng reklamo. heheh

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s