Di ko talaga ma-gets…

… o baka sadyang ayaw ko lang talagang i-gets kung bakit…

  • Buy One, Take One ang tawag sa promo at hindi “Buy One, Take Two”? Di ba isa ang bibilhin pero dalawa ang dadalhin? Pwede ring “Buy One, Take Another.” Kasi kung walang extrang mai-uuwi ang mamimili… dapat “Buy One, Take It” lang siya.
  • Kung ang goal ng text language ay ang paikliin ang mga salitang tina-type sa keypad, bakit nagiging “aqo” yung “ako” at nagiging “poh” yung “po”? Sa una, hindi naman umikli yung word. Tigatlong letra pa rin naman… sa ikalawa, mas humaba pa siya! Huwawlabomehn…
  • Intentionally nagsusuot ng mega-lowcut na pantalon ang ilang babae tapos nagpapakahirap naman sa pag-takip ng kanilang bandang likuran sa tuwing bababa ng dyip? Worth it ba talaga, Ate? No judgements on my part po… nagtatanong lang.
  • Meron pa ring mga 5 at 10-centavo coins gayong wala na naman talaga silang halaga! Dati nga may nakita akong pulubing bulag na tinatapon (sinasalat niya yung mga barya para malaman) yung mga napaglimusan niyang sinko at diyes-sentimos! Sa totoo lang, sayang ang bakal.

Kayo? Gets n’yo ba? 😦

Advertisements
Di ko talaga ma-gets…

6 thoughts on “Di ko talaga ma-gets…

  1. hisnameisdencios ay nagsasabing:

    alam mo sa mga sinabi mo narealize ngayon lang na may punto ka talaga lalo sa huling sinabi mo. pero isa lang ang masasabi ko ang mga pulubing ganyan ay di aasenso!

    Taroogs – sosyal na pulubi? hehe

  2. ahehehe.. natawa naman ako dun sa pagtetext ng aqo hahaha… di ko rin ma gets kuya tarogs eh πŸ™‚ paartehan ng text hihi πŸ˜†

    hmmm di ako nag susuot ng lowcut ! walang kasyang lowcut sa akin hekhek πŸ˜†

    Taroogs – sakin naman, uppercut lang ang bagay! kaya lagi akong gustong sapakin ng deardawter ko. hehe

  3. ayos! oo nga naman!
    lalo na yung sa text! pucha! parang gusto ko pumatay ng tao pag may narereceive akong..”eow poh. musxztah nah poh kau?” hay! kamtayan!

    yung sa barya uu nga anamn… pero may tumatanggap ata eh… meron ata… di ko lang alam kung saan! hakhak!

    lowcut? di ako yan! jeans at shirt lang ang porma ko! hakhak

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s