The road always traveled…

Sabi ng ilang henyo ng ating henerasyon, kapag matagal mo na daw ginagawa ang isang bagay, you can already re-live it mentally, one tiny chronological step at a time.

Asteeg.

I think that’s another way of saying na sa dalas mong gawin ang isang gawain, you already have a mental map of that activity — i.e., alam mo na by heart which step comes first, what follows next, and what follows after that.

Tipo bagang katulad ng mga mahuhusay magluto na sabihin mo lang yung pangalan ng putahe e navi-visualize na nila agad kung paano ito lulutuin. O tulad ng mga malulupit na programmers na sabihan mo lang kung ano yung gusto mong gawin nung software e nagi-ispark na agad yung mga mental synapses nila.

Hindi ako magaling magluto… at lalung hindi ako marunong mag-program. Pero meron akong ginagawa na talagang masasabi kong saulado ko na… na memoryado ko na… na kaya kong i-relive sa aking isipan ang lahat ng steps… ang lahat ng emosyon… ang lahat ng amoy… ang lahat ng ingay.

Anong gawain ito? Ang aking araw-araw na pagdaan sa rutang Almar-Q.C. Hall / Q.C. Hall-Almar shemps! πŸ™‚

This has been my daily commute for more than year already and the sights, sounds, sites and smells of this route already have a Pavlovian effect on yours truly.

Pamilyar ba kayo sa “word association” game? Parang ganun, subconsciously nga lang.

In fact, pag natatapat ako sa ilang partikular na lugar sa rutang ito, may automatic agad na pumapasok sa aking isipan.

Halimbawa:

  • Almar intersection, sa paradahan ng mga dyip — “Antagaaaal bumiyahe ng mga jeep ditow!”
  • Tapat ng North Olympus Subdivision along Zabarte — “Kainis tong guard na may megaphone… laging nambubulyaw. Makabili nga ng sariling megaphone!”
  • Kanto ng Zabarte at Quirino Highway — “Anlakas naman ng patugtog ng Bayad Center jingle! Sana may dala akong bill…”
  • Babaan ng Robinsons, tapat ng MMDA Bus Terminal — “ba’t ba palaging alanganin kung pumara ng mga utaw? Abala tuloy sa trapik.”
  • SM Terminal along Belfast Street — “anlabong hintayan naman nito… bakit may kadena? Hindi tuloy makapasok ang mga pasahero! Nagtayo pa kayo ng waiting shed…”
  • Fatima, tapat ng STI at tabi ng Fairmont, along Regalado — “Andaming kyut! Andaming Muslim! Andaming kyut na Muslim!”
  • Regalado kanto Commonwealth Avenue — “Aba… bigla yatang nawala yung mga Badjao na laging nakatambay dito. Mga kontraktwal lang din kaya sila?”
  • Fairview Mall — “shet, dito napatay yung kapatid ng barkada ko… nahuli na kaya yung mga nag-trip na saksakin siya?”
  • Manggahan — “asan ang mga mangga?”
  • Riverside — “asan ang river?”
  • Perya — “asan ang perya? Anubah!”
  • Litex — “anlaking overpass nito ah…”
  • EVER — “anlakas ng amats nung nag-design ng building na to…”
  • Luzon — “shet… andaming na-iisnatchan dito. Pero andami ring mga umaaligid na Tanod. Teka…”
  • Commonwealth Market — “powtek. sa banda rito nasagasaan yung aleng nagbebenta ng basahan…”
  • St. Peter Parish katabi ng Convergys — “sana bukas yung simbahan ng 24 hours, para pwedeng sumamba ang mga taga-Call Center.”
  • New Era — “anlabo naman ng overpass dito. bitin. sa gitna pa din ng highway bababa ang mga tumatawid.”
  • UP Ayalaland Compound — “bakit walang matinong waiting shed dito? Lahat ba ng empleyado nila ay may kotse? Yabang.”
  • Philcoa — “haay.. forever bottleneck talaga dito. Buti na lang maraming cute…”
  • Quezon Circle — “dapat lahat ng kanto may underpass…Β  at kelan kaya tatayuan ng Mall yung gitna?”
  • Quezon City Hall — “bakit ba palaging nagkaka-sunog sa building na ‘to?”

πŸ™‚

Advertisements
The road always traveled…

2 thoughts on “The road always traveled…

  1. marj ay nagsasabing:

    shet, sobrang nakaka-relate ako dito. lahat na ng pampalipas oras sa jeep, nagawa ko na rin…

    ansarap din ng feeling pag nakauwi na!

    Taroogs – trulili, marj πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s