Isang naligo, Isang naglaho…

Pwedeng gawing title ng telenovela ano? “Isang naligo, Isang naglaho… Maala-ala mo kayang mag-sabon?” 🙂

Pero sadly, hindi tungkol sa bagong palabas sa TV ang post na ito. Nothing that spectacular.

Tungkol lang siya sa isang ordinaryong sabadong hapon at sa dalawang bisikleta — yung akin (si “silver“), na bihira kong gamitin kaya inaagiw na’t kinailangan nang paliguan

Picture 524

at yung sa aking Dear Dawter, na sa sobrang kakagamit ay nabakli’t kinailangan nang idispatsa.

Sam Bike sira

Natuwa lang ako (at nalungkot ding bahagya) sa juxtaposition ng bikes naming mag-ama. Dati kasi, noong PDD Days (Pre-Dear Dawter Days) ko, ako yung matinding magbisikleta — regular, malayuan at pahirapan yung mga lakad naming magkaka-bike club (oo. mas balingkinitan ako noon. hehe). Ngayon, si DD na ang matinding mag-bike (bumigay nga yung bike niya e).

Wawa naman si DD kasi one-way na yung “lakad” ng kanyang pink bike (technically, trike). Sana ma-recycle pa si “pinky” ng mga magiging bagong amo niya.

Sam bike last trip

Picture 528

Bye “pinky“… sana maging maligaya din ang susunod mong buhay! At anak… hayaan mo. Tinitiyak ko na mas asteeg ang susunod mong magiging bike!

Antay ka lang dyaan.

Advertisements
Isang naligo, Isang naglaho…

One thought on “Isang naligo, Isang naglaho…

  1. sandi ay nagsasabing:

    tok tok..magandang araw po 🙂
    ang dami ko na palang hahabulin post sa inyo.. dito muna ako mag-uumpisa..

    mukhang may binabalak yung basurero kaya nakasabit sa likod.. aayusin siguro at ibibigay sa kanyang anak…magkakaroon na ulit ng bagong amo si pinky.

    Taroogs – sana nga, kapatid na sandi. di kasi kaya ng powers ko ang buhayin siyang muli… hangang pagpapaligo lang ako. hehe (salamat sa dalaw)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s