When is a house not a home?

When it’s a TREE HOUSE, shemps!

Pero kahit hindi “home” ang treehouse, minsan feeling “at-home na at-home” ka pa rin dito… gaya halimbawa ni Dear Dawter (DD), na sinuwerte na naman at nakakuha (na naman na naman!) ng kakaibang regalo nung Pasko. Pasalamat siya’t medyo tinoyo ang kanyang ama’t ina at naisipang magpagawa ng treehouse sa ilalim ng punong mangga.

Isang nakakaburyong hapon nung Disyembre, may ganitong usapang naganap:

Nanay ni Dear Dawter (NNDD)pagawa kaya tayo ng treehouse sa labas?

Daddy Taroogs (DT)Wahahahahaha!!!! Ang mahal kaya nun!

NNDDnaisip ko lang kasi yung pwede pang paggamitan nung mga natirang kahoy at plywood (na ginamit sa pag-ayos ng aming kisame’t bubong)

DT e tiyak hindi lang yun ang kailangang materyales. Bibili pa ng extra wood, pako, trapal…Β  gastos na naman yan. Nukabah?!

NNDDnaisip ko lang kasi na kapag may tambayan na yang magaling mong anak e baka hindi ka na niya kinukulit ng buong araw.

Maikling pause sa diskusyon…

DT aba’y maganda nga yang suggestion mo a. Syasige… pagawa agad tayo bukas!

DD (na noon pala’y tahimik lang na nakikinig sa tabi) – Asteeg! U da Man!

At natuloy nga ang “Oplan Treehouse” (aka “Oplan Kontra-Kulit”).

102_9714 102_9713

Ang Punong Mangga… Bow.

Ang Punong Mangga, pinalibutan ng paa

Nilagyan ng balustre, kahit gabi na

102_9726

At nung sumunod na araw, ito’y trinapalan

Pagkat ang yero at ang pawid, parehong may kamahalan

102_9728

At kahit ‘di pa tapos, at kahit pa maulan

Di natiis ng mag-ina, at ito’y agad sinampahan

102_9749

Ngunit kahit nakakasingit pa

Ang kanyang Tita at Ina

Walang dudang ang nasabing treehouse

ay kanya

102_9764

Kanya…

102_9779

Kanya lang talaga!

102_9782

At ang masaklap dito, bawal akong umakyat kasi baka mawarak daw. 😦

Advertisements
When is a house not a home?

9 thoughts on “When is a house not a home?

  1. Hanggang tanaw ka na lang muna sa ibaba, bok. πŸ˜€
    Isa yan sa matagal ko nang pangarap gawin pag nakalipat na kami sa sariling bakuran; kung uubra, lagay ko sa itaas ng puno. πŸ™‚

  2. nyahahaha! sensya na’t napadalang ang pagdalaw ko. ikaw rin, nawala bigla eh. astig ng treehouse ha. may balustre pa.ΓΌ talagang prinsesang prinsesa ang dating ni Dear Dawter. God bless!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s