Year-end rants…

Since I am totally dependent on my office’s Internet connection for my browsing, research and blogging needs (read: kuripot ako), this will probably be my last post for this year. Bakasyon na kasi namin starting tomorrow kaya wala nang free internet for at least two weeks.

So, in keeping with my almost constant bubbly-cynical personality, I’ll end this blogging year with a list of my pet-peeves, complaints and other exasperating situations that make me wanna shout — Huwaat? Anak ng powtek naman naman naman!!!!

  • Mga ipokritong jeepney drivers na antigas ng mukhang pagalitan yung pasaherong pumapara kung saan bawal bumaba pero bara-bara naman kung mamik-ap ng sasakay. Ansarap ninyong itali sa bumper ng bus na minamaneho ng drayber na kakadiskubre lang na pinipendeho pala siya ng kanyang kumpare!
  • Mga pesteng suicidal-homicidal bus drivers na walang pakelam sa mundo kung mag-gitgitan, mag-karerahan at magpa-machuhan sa Commonwealth Avenue! Dapat ipadala kayong lahat sa Iraq at dun magmaneho ng mga supply trucks ng Kano!
  • Mga sinungaling na pulitiko, advertisements, chismis reporters, atbp.  na patuloy lang sa pagsisinungaling para lang maloko ang tao at makuha ang kanilang boto, pera and/or loyalty.
  • Mga engot na motorista at drayber na pinapa-lower ng todo ang kanilang kotse, jeep, o tricycle para asteeg tingnan pero nagagalit naman kapag sumasayad ang ilalim sa mga humps! Hello! Pwede ba namang hindi sasayad ang ganyan?! Ano yun, Magic?!!
  • Mga taksyapung nagsa-skype sa internet shop na pagkalakas-lakas kung sumigaw sa mike ng headsets nila. Mahiya ka naman oy! Konting kunsiderasyon man lang. Hindi lahat ng nakakarinig sa mga ikinukwento mo e nai-impres!!

MERRY KRISMAS 🙂

Advertisements
Year-end rants…

10 thoughts on “Year-end rants…

  1. cindyrellaz ay nagsasabing:

    Oo dapat talaga nating kainisan ang mga yan, ano bang bago? siguro dahil mag papasko naman, I’ll just give thanks na muna. At baka pumangit ang pasok ng bagong taon. HIrap na ^^ Merry merry christmas pre!

  2. pagbigyan mo na yang nasa skype at miss lang nila ang kaanak nila.
    baka talagang dapat emphatic ang pagkakasabi sa headset ng gusto nilang pasalubong para mabili talaga.
    kawawang OFW, ginawang parang takeout counter ng McDo!

    merry christmas, pareng taroogs!
    alalay lang sa beer, para makapagwhiskey pagkatapos!
    God bless!

  3. aKDa ay nagsasabing:

    ay kalmado lang. ang presyon, baka tumaas. ^_^

    naalala ko, merong sobrang lowered na sasakyan, tas nagpagas siya sa shell, hahaha, ayun, umeksena bumpers nia. LOL.

    buti na lang, wala akong pambili ng sasakyan, kaya nakajeep lang ako. hahaha..

    —-

    merry krismas! ^_^ salamat sa pakikipagkwentuhan… nawa’y pagpalain tayong lahat ni Batman, este ni Papa Jesus.

    hanggang sa muling pagbubungguan!

    ~Ang May-aKDa…

  4. glesy the great ay nagsasabing:

    sa may bahay ang aming bati merry xmas na malwalhati!!! Mamamasko po!!!!!

    wala munang diet-diet.. let go and let’s eat!!!!
    wala munang galit-galit… forgive and forget!!!!
    wala munang malungkot… sit back, relax and enjoy..

    dahil Birthday ni Papa Jesus!!!

    HAPPY BIRTHDAY BJ (baby jesus)!!!
    cheers;p-glesy the great

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s