Mga balitang gusto kong makita…

Kahit one time lang… Isang beses lang ta’s wag na ulit… ansaya-saya siguro kung mababalita sa media ang mga sumusunod:


I. “MMDA Super-karatula: Wala ka nang hahanapin pa!” — dahil sa austerity measures na ipinatupad ng MMDA, naisip nito na pag-isahin na lamang ang iba’t ibang mga karatulang malimit nilang gawin. Mas konting karatula = mas konting gastos = mas hindi cluttered na kakalsadahan!

Heto ang lalamanin ng nasabing “MMDA Super Karatula“:

screenshot


II. “Para sa ‘yo, ang Lupang Hinirang na ‘to” — breaking with recent boxing tradition, Manny Pacquiao announces that He will be the one singing the Philippine National Anthem during his December match with Oscar Dela Hoya. Nang tanugin ng reporter kung bakit ito ang naging desisyon ng Pambansang Kamao, sagot ni Manny ay…

“Gusto ko lang tapatan yung alyas ni Dela Hoya! Kung siya ang “Golden Boy”… pwes, ako naman ang “Golden Voice!”


III. “Pilipinobela, Patok sa Korea!” — in what would seem to many Pinoy Koreanovella fans as an amusing reversal of roles, Korean televiewers are eating up imported Pinoy television dramas faster than they can dub them in Hanggul. Reklamo nga lang ng isang Korean viewer…

(Translated from Hanggul shempre)

“Eh bakit parang laging nagsisigawan yung mga karakter sa Pilipinobela? Galit ba sila?”


IV. “Ultra Mega Bitamina, inilunsad na!” – dahil na rin sa walang hintong reklamo ng mga mamimiling Pinoy laban sa mala-kabuteng pagsulpot ng kung anu-anong mga food supplements, naglabas ng direktiba ang BFAD, na sinang-ayunan naman ng DOH at DTI, na umaatas sa lahat ng mga kumpanyang gumagawa ng food supplements na pag-isahin na lamang sa iisang pildoras ang lahat ng kanilang mga produkto.

Tuwang-tuwa ang isang manufacturer nang mabalitaan ang nasabing BFAD directive. Ani pa nito, “Hanep! sino nga naman ang hindi matutuwa sa isang pill na pag inimon mo eh puputi ka na, mawawala pa arthritis mo, lilinis pa atay mo, lilinaw pa mata mo, tatalino ka pa at tatangkad ka pa! Tiyak mabenta yun!”

Pero meron din namang hindi natutuwa. Sagot ng isa pang manufacturer sa tanong ng reporter, “Sabihin mo nga sa akin ha… pa’no ko pag-iisahin sa iisang produkto ang current product line namin?!! Malulugi kami tiyak!”

Ganti ng reporter, “Bakit? Ano bang mga produkto ninyo, ha?!”

Sagot ni manufacturer, “Diet pills saka mga pampaganang kumain.”

🙂

Advertisements
Mga balitang gusto kong makita…

3 thoughts on “Mga balitang gusto kong makita…

  1. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    gusto ko yung pangatlo… hahaha… tingin ko sobrang mag-a-adjust sila dahil mas mahaba ang telenobela natin dito. ang dami pang sub plots. mapapagod sila kakahabol hehehe.

    what if kung ang natripan pa nila eh yung mga luma like yung mara clara na limang taon na nagtagal kakahanap ng diary. hehehe

    Taroogs – saka malumanay pa yung galaw ng bibig ng pinoy kapag nag-uusap… ang hirap nun i-dub sa koryano 🙂

  2. anakngpiso ay nagsasabing:

    panalo yung two and four!!! ahaha wlang anu-ano bigla akong napahalakhak sa pagbabasa ko dito.. cheers!!!-glesy the great;p

    http://anakngpiso.wordpress.com/

    Taroogs – kita mo naman, kapatid… kung si pacman na lang sana umawit nung lupang hinirang sa laban niya e di na sana na-stress si Karylle… ninerbyos tuloy yung bata 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s