Kung minamalas ka’t natapat sa drayber na NEGA…

E ano nga naman ang magagawa mo?

Buti sana kung hindi ka nagmamadali at pwede ka pang magpalit ng sinasakyang dyip…

Buti sana kung hindi ka pa nakapagbayad at nasuklian na…

Buti sana kung hindi umuulan at nakalimutan mo payong mo…

Buti sana kung may psychic ability ka’t nahalata mo agad na BARUMBADO’T-KALAHATI pala yung nagmamaneho nung pinara mong dyip.

Ba’t ba kasi palaging kulay blue ang type mong sakyan — predominantly blue na maraming chromed abubots? Ayan tuloy… natiyempuhan mo si Manong drag racer+dyipni drayber from HELL.

Tipong North Fairview to Philcoa ay yakang-yaka niyang tirahin sa loob ng 15 minuto lamang — yun nga lang, 15 din ang masasagasaan niya sa hi-way.

Manong! Kuya! Brad! Tsip! Bossing! Ano bang problema mo, ha?!

Di mo ba pansing dilat na dilat na ang mata ng mga pasahero mo dahil sa nerbiyos?

Di mo ba halatang wala nang umiimik dahil sa kaba?

Wala nang nagku-kwentuhan. Wala nang nagte-text. Wala nang umiidlip.

Buti na lang at mabait kaming lahat.

Eh pa’no kung hindi?

Ikaw din, baka maka-tiyempo ka ng pasaherong ka-ugali mo 😦

Advertisements
Kung minamalas ka’t natapat sa drayber na NEGA…

7 thoughts on “Kung minamalas ka’t natapat sa drayber na NEGA…

  1. hahaha, feel na feel ko yan kasi kapag ganyan tinginan na lang ang mga katabi mo sa dyip tapos higpit hawak na kahit saang kanto. baka naeebak na kaya kaskasero na, hahaha

    Taroogs – yung din duda ko nung una, mareng kengks, pero hindi naman siya pinagpapawisan e. saka nanlilisik talaga ang mga mata… talagang bad trip yung mokong. napendeho yata ng kumpare. hehehe… hinihintay ko na nga lang siyang sumigaw ng “powtek! mamatay na tayong lahaaaat!!!” sabay bangga head-on sa kasalubong na bus 😦

  2. Yung mga papunta sa byenan ko, ganyan ang halos lahat ng dyip na kung tawagin nila ay “Patok” — ambibilis, akala mo mauubusan ng kalsada. Pero karaniwan, sa mga bata-bata pang drayber ang nakikita kong ganyan (early 20s).

    Taroogs – sa bandang Marikina-Rizal area yung kanila ano, bok? at malalakas pa ang music ng mga patok… puro base at tweeter lang maririnig mo. hehehe

  3. MARU ay nagsasabing:

    tsk! hindi ko yata matitiis na hindi pagsabihan ang drayber pag ganyan na kabilis.

    araw-araw na lang may aksidente..ewan ko lang kung napapanood yun ng mga dyip drayber sa tv.

    bossing, bili ka na lang ng sarili mong tsekot. yakang-yaka mo naman eh. 😀

  4. Bakit kaya ang mga pinoy kapag nasa ibang bansa ang huhusay sumunod sa batas trapiko… takot mag over speeding kasi magbabayad ka kung ilan ang naisobra mo limit multiply to a certain amount.

    At syempre takot makadisgrasya kaya nag-iingat dahil pwedeng mawalan ng license at makulong.

    Bakit sa Pilipinas hindi magawa yung ganung disiplina sa sarili? tsk.

  5. angel ay nagsasabing:

    yung mga ganyang jeepney, dapat sa mga late nang mga estudyante. Kabaligtaran kasi yan sa mga jeepney dito parang walang pinapalampas na pasahero kulang na lang pati aso parahan!

  6. Neex ay nagsasabing:

    galing bang north fairview hanggang philcoa? ay naku, dami rin akong nasasakyang jeep na mahilig makipag-unahan sa iba. wala naman akong magawa kasi baka malate pa ako kung lilipat ako ng ibang jeep (tsaka sayang pamasahe). tsaka ang isa pang nakakainis yung mga jeep/drayber na uhaw sa mga pasahero. ay naku, kainis talaga mga ganyan. pagpasensyahan nalang natin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s