Sa Berlin mahal ang beer… dash why I drink it here…

Sa Berlin mahal ang beer

That’s why I drink it here

Kung sa’tin merong bente

Sa Berlin libu-libong klaseng beer!

(Awitin sa tono ng “Sa langit walang Beer” ni Yoyoy Villame)

Actually, expected ko na naman talaga na mahal ang beer sa Germany. Kaya nga first world sila country sila e. The higher the level of the economy, the higher the cost of living, di ba? So kahit masakit sa bulsa ang uminom, inisip ko pa rin na sayang ang pagkakataon kung di ako sa-sample ng mga German beers.

Yun nga lang, ang hirap talagang pigilang mag-kwenta ng presyo in terms of Pesos — “regular” beer in Berlin (those sold in grocery stores and restaurants) ranged from 1.5 to 2.5 Euros (100 to 165 Pesos) while “non-regular” beer (those sold in hotels, bars and official oktoberfest tents) ranged from 4.5 to 8 Euros (300 to 500 Pesos!) — Over, di ba?

Kaya nga sa 7 araw namin sa hotel ay hindi nabawasan yung laman ng mini-bar sa kwarto… ano, hilo? hehehe

In fact, itong mga bottled sparkling water na nakapatong sa lamesitang ito ay pitong araw din naming dinedma.

So tipid-tipid palagi ang naging siste namin dun. Tama na yung tatlong bote ng Becks o Erdinger Beer (yeast or kristal variety) kada gabi…

Pero ibang usapin na kapag may kusang nanlibre! Aba’y “all gloves are off!” ika nga ng… ah… ng isang boksingerong biglang nilibre ng beer? hehehe… Kaya tutal hindi naman ikaw ang magbabayad… order lang ng order ng beer!

Hala… order ng malinaw na beer!

Tapos… order ng maitim na beer!

At para masaya… umorder ng pares na beer!

Order lang ng order hanggang sa maduling...

at pag finally solb ka naBOOM!

Pwistow! Ipon ng lakas… para sa panibagong (inuman) bukas. 🙂

Advertisements
Sa Berlin mahal ang beer… dash why I drink it here…

10 thoughts on “Sa Berlin mahal ang beer… dash why I drink it here…

  1. bro, di ka pala nakatiis uminom ano? pag-uwi ko jan sa disyembre inuman tayo ha.

    uy yung last pic mo tulog ka na naman tulad nung sa huli mong post

    Taroogs – dyan ba sa kiwiland e patok din mga beer? o gatas palagi ang tinutungga? hehe… o ba!

  2. huwaw pitong araw sa berlin??! not bad na rin! 🙂

    indi naman ako beer junkie pero parang nakuryos ako sa lasa hehe..lam mo naman basta mahal “baka” masarap. 🙂

    ang swerti naman at me nanglibre…ayan ang pruweba, plakda sa kama. 🙂

    Taroogs – shempre, miss aling baby, ang theme song ko now ay “sana’y maulit muli…” hehe

  3. anakngpiso ay nagsasabing:

    syet parang namiss ko ang beer.. kaya lang kahit ilang beses akong kemendeng dito sa pilipinas walang ganyang beer ako dito makukuha.. ahehehe…

    redi, set, gow.. Pwistow… ahehehe

  4. Nakakatuwa naman ang site mo…siguro Oktoberfest ngayon sa Germany…may rason para uminom ng beer.

    Taroogs – salamat, kapatid 🙂 oktoberfest nga nun kaso nasa ibang state ginagawa — sa Munich. medyo malayo sa Berlin. saka wala kaming pamasahe. hehehe

  5. Buti pa dyan, maraming choices. Dito sa amin, laging heineken lang ang laman ng ref. Teka, may tsitsarong bulaklak din ba dun?

    Taroogs – bro! musta diyan sa France? Heineken? Pwede!!! 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s