Mga bagong-lumang kaalamang nai-uwi ko mula Berlin :-)

Dahil nga “Study Tour” yung pinuntahan namin sa Berlin, natural lang na marami talaga kaming natutunang bago sa pitong araw na paglagi doon… otherwise, sayang yung ginastos ng sponsor namin, di ba? Heheh…

Pero ibang usapin yung mga “official lessons” na yun… mas bagay silang ilagay sa official report, hindi sa blog.

Ibang “lessons” ang tinutukoy ko dito. Maaaring luma na ang mga aral na ‘to — alam ko na dati pa, ika nga — pero mas na-reinforce sila when subjected to a different cultural setting; i.e., ang kultura ng Alemanya.

  • Lesson #1HINDI LAHAT NG “JUMBO” AY MALAKI. Ay sows… hotdog na lang yata ang totoong “jumbo” ngayon. Pero yung sinakyan naming Boeing 747 “Jumbo Jet” papuntang Germany at pabalik sa Pinas e pagkasikip-sikip ng mga upuan! Ang hirap pumihit… ang hirap matulog… ang hirap mag-relaks. Kung ako lang sana yung nag-reklamo ay pwede pang sabihin na kaya ako nasikipan ay dahil mala-michelin man ang aking wankata. Pero hindi eh… kasi pati yung mga kasama kong balingkinitan ay nagreklamo din (pero teka… baka naman likas lang talaga kaming mga reklamador? hehehe)
  • Lesson #2HUWAG MAG-CONVERT NG LOCAL CURRENCY INTO PESOS. ‘weno ngayon kung kada hapunan e lampas 800 Pesos palagi ang pinapatak mo? Kasalanan mo ba na 150 Pesos ang isang bote ng beer? Isipin mo na lang na pera ng iba yung ginagastos mo… sabay sigaw ng, “waiter! ein noch bier, bitte.”
  • Lesson #3MASAKIT ANG MA-DISCRIMINATE NG DAYUHAN… PERO MAS MASAKIT KUNG ANG GUMAWA NITO AY SARILING KABABAYAN. Opo… malungkot mang aminin pero mas dinamdam pa ng ilan sa grupo namin yung pande-dedma sa kanila ng mga (obvious na) kababayan natin kaysa sa pangha-harass ng isang racist na puting lasing sa plaza.
  • Lesson #4KAHIT BAGO ANG LAHAT NG NAKIKITA SA PALIGID, MAGSASAWA KA DIN TALAGA SA KAKAPIKTYUR-PIKTYUR. Lalo’t halos endless ang capacity ng mga digicams ngayon. Naalala ko nung 2003, sa unang byahe ko abroad (Japan), instamatic camera lang yung bitbit ko. Feeling ko nun, kulang na kulang yung 3 rolyo ng 32-shot film na baon ko. Kaya naisip ko, “sana anim na rolyo yung dinala ko.” 6 x 32 = 192 shots sana. Ngayong byahe to Berlin, umabot ng halos 600 shots yung nakuha ko. Kaya pa actually nung memory card ng camera ko ang additional 600 shots pero ako na mismo yung bumigay! Kapuy kaka-klick… malamig pa naman kaya nirarayuma “shutter fingers” ko. hehehe…

Pero these being said, ansaya-saya pa din nung byahe! At malaki ang pasasalamat ko at nabigyan ako ng pagkakataon na makasama sa “Study Tour” na iyon. Sa uulitin! (hint! hint!)

Mabalik tayo sa 600 shots na nabanggit ko… mabigat kung ilalagay ko dito lahat kaya mga paborito ko muna ang uunahin ko. Bakit ko sila paborito? E kasi nasa piktyur ako! (yan ang hirap sa designated photographer — bihira kang kasali sa piktyurs)

unang piktyur sa alemanya (halata bang kagagaling lang sa isang 15-hour na byahe?)

hindi pa nga nakaka-check-in (at nakakaligo) sa hotel, kodakan na naman!

sabi nga ni dolphy, “against the wall is not against the law”

kodak around da clock: halamang may kakaibang amoy sa tabi ng lumang windmill… self-reflection (literally) sa loob ng bundestag… sa gitna ng dalawang idol… “tuloy kayo sa aking palasyo! bwahahahahaha!”

susmaryosep… kamamahal naman ng ulam ditow!

makatulog na nga lang… 🙂

Advertisements
Mga bagong-lumang kaalamang nai-uwi ko mula Berlin :-)

6 thoughts on “Mga bagong-lumang kaalamang nai-uwi ko mula Berlin :-)

  1. qubeley ay nagsasabing:

    ganoon ho talaga yata ang ibang pinoy. dito sa bansa na halos 2 taon na akong nagtratrabaho, 1 pinay palang ang ngumiti sa akin nung narinig akong magsalita ng filipino. hindi naman kailangang pansinin ang kapwa pinoy sa tuwing makakakita ka, kaya lang ang iba talaga eh iirapan o sisimangutan ka ng walang dahilan. ewan ko ho ba.

    Taroogs – honga, kapatid… pero inisip na lang namin na baka meron silang magandang rason para mandedma ng kababayan. baka nag-iingat or something 🙂

  2. waaa, mabuti ka pa nakarating na ng berlin. ako hanggang tv lang, hehe. alam mo tunay ka dyan, mas masakit at masaklap na experience talaga yung i-deadma ka ng kapwa mo pinoy. at kung sino man sila, sana magising sila sa katotohanan. bitte ein bit 🙂

    Taroogs – kakaiba nga, mareng kengks… meron akong naka-chika na elderly german couple (taga Spire daw?) na nun din lang nakapunta ng berlin 🙂 mga turistas din daw sila. hehe

  3. wahuu, ito ang hinihintay kong post mo! mukhang nag-enjoy ka sa trip mo parekoy. haay, iba talaga ang oyropa, sana makabalik din ako dun…

    teka, yung bang last pic mo ay tulog ka talaga o nakaposing ka lang? ahehe

    Taroogs – ako din, kapatid, nangangarap ding makabalik dun someday. tungkol sa natutulog… ako yung designated photographer kaya palagi akong hindi nakukunan ng litrato… kaya oo… napilitan akong mag-pose. hehe (sharp na sharp pakiramdam mo ah!)

  4. anakngpiso ay nagsasabing:

    swerte ka dong… as in all expenses paid ba? ahehe.. mukhang enjoy… naalala ko si ate kengkay… cheers!!! para sa beer na ubod ng mahal..-glesy the great

  5. Hehe dito sa pikyurs ako unang napasilip. Yang mga lumang design ng buildings ang talagang kursunada ko dyan sa Europe.
    Yang pader, remnants ba yan ng Berlin wall… 🙂

    Taroogs – korek, bok, bahagi nga ng da wall yun. kalakhan ng pader ay giniba na pero merong ilang tinira para maging shrine/memorial/tourist spot.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s