Libre daw ang mangarap… siya sige!

Libre pala e. Sulitin ko nga!

Isang random listing ng mga pangarap ko (pwera muna pulitika) sa oras na ito:

  • Sana lahat ng kotse sa Pilipinas ay sinlaki na lang ng VW Beetle
  • Sana may MRT line na from Philcoa to Fairview
  • Sana may free wi-fi sa buong bansa
  • Sana may programang “solar power sa barangay”
  • Sana may ligtas na bike lanes sa lahat ng kalsada
  • Sana ang average size ng pamilyang Pinoy ay 4 lang (nanay, tatay, ate, kuya)
  • Sana soccer na ang paboritong laro ng mga Pinoy
  • Sana kasali na sa Olympics ang Billiards at Bowling
  • Sana maayos na ang rail system ng Pilipinas
  • Sana may Pinoy na manalo ng Nobel Prize for Literature
  • Sana tigilan na ng bangko sentral ang paggawa ng mga baryang walang halaga
  • Sana maging kasing-katawan kami ni Randy Couture ng UFC πŸ™‚
  • Sana mabawasan na ang mga koreanobelang isinalin sa Tagalog
  • Sana libre na ang texting
  • Sana mas madagdagan pa ang mga local TV channels
  • At last, but definitely not the least, sana matupad ang lahat ng pangarap ko! πŸ™‚
Advertisements
Libre daw ang mangarap… siya sige!

8 thoughts on “Libre daw ang mangarap… siya sige!

  1. mimo ay nagsasabing:

    may natutupad… inaayos na ang lumang railway as in PNR..nakita mona ba recently from makati,paco, sta.mesa, sampaloc up to caloocan na daw?they’ve cleared the area of informal settlers to give way to the new pnr!o pwaydi ka na umuwi sa bicol soon sa bagong car ng PNR..ala nang flying trapeze!at di ka na yuyuko kasi baka matamaan ka ng flying T!..hala isa sa pangarap ko talaga makapunta ng bicol by tren matutpad na ata

  2. Kat Carneo ay nagsasabing:

    Uy, gusto ko rin magkaroon ng bike lanes dito satin, parang sa Japan or China. Tipid sa pamasahe at pampa-gas, wala pang polusyon.

    Tsaka solar power, cool yan!

    Mas matino-tino na ang PNR ngayon kesa nung una kong makasakay dun college ako. Hindi na siya mukhang kalawanging lata at wala na rin masyadong squatters sa may part ng Makati at tinaniman pa ng mga halaman.

  3. angel ay nagsasabing:

    sana may MRT lina na papuntang laguna ahehe.. yun lang yung akin..

    Uyy pasok kami sa average size.. ^^

    Sana kasama din sa Olympics yung piko.. aww

    Koreanobelang isinalin sa tagalog? aww patay ako dun lol..

  4. Sana pag nakalipat na kami ni misis sa Baguio, makabili kami ng kotse — oo yung beetle lang! πŸ™‚

    Nung una, latinobela (nahuhuli pa yung buka ng bibig sa dayalog)… tapos taiwanobela (F4! πŸ˜† )… ngayon koryanobela (may na-miss ba ako? )… ‘nu kayang susunod?

    Taroogs – magkaron lang ng isang aprikanobela, masaya na ko! hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s