Jeep = may bayad. Pasahero = may sayad.

To be fair, isang buwan pa lang naman akong nagko-commute on a daily basis (Nova to Kyusi and back) kaya hindi pa nawawala yung novelty ng experience. I’m sure, kung taon na ang binibilang e wala nang masyadong surprising pa para sa akin. By then, malamang aksidente na lang o holdapan ang makakatinag sa isang “hardened commuter” na gaya ko…

Pero sa ngayon, kung may mga kategorya nga ang mga commuters, malamang ay nasa first level pa lang ako = the NEWBIE COMMUTER (kaunti pa lang ang powers, mababa pa lang ang hit points at iilan pa lang ang tangang magic items. hehehe… parang video game kasi minsan ang pagsakay sa jeep)

Which explains why madalas pa din akong mapanganga when I encounter co-passengers such as these:

  • Passengers who insist on carrying on a conversation over their cellphones while riding the jeep. Aruuujoskoh! una, takaw isnats ka, kapatid, at baka madamay pa kami… pangalawa, ang ingay na sa byahe no! dadagdag ka pa sa kakasigaw mo sa cell… at pangatlo, naririnig ko naman ang pinagkukwentuhan ninyo at walang kwenta talaga. Di ba talaga yan makakaantay?
  • Passengers who insist on sitting sideways (para mas maganda ang view nila ng kalsada) kahit may kasikipan na yung jeep. Hanuvah?! Talagang hihintayin pang mabulyawan ng drayber bago umayos ng upo? O baka naman type mong kalungin yung bagong sakay?
  • Passengers na lantaran kung mang-goyo sa pamasahe. Anukamoh? sa Litex ka sumakay? E sa Almar pa lang e nakaupo ka na diyan no! Oo, mahirap nga ang buhay… at baka dumidiskarte lang siya. Pero kung ganun e wag din sana tayong maging masyadong malupit kapag kulang ang sukli satin ng drayber. Malay natin dumidiskarte rin siya. hehehe
  • At ang paborito ko sa lahat, passengers who have absolutely no flexibility pagdating sa kung saang lugar sila papara. Di bale nang may kaka-baba pa lang na pasahero 5 meters back… Para uli! Di bale nang paakyat yung kalye at naka-buwelo na yung drayber na umarangkada… Para uli! Buti sana kung senior citizen, o may kapansanan, o buntis, o may bitbit na sanggol, o maraming bagaheng dala… Pero hindi eh. Yun lang talaga ang babaang gusto niya. Baka may sentimental value 🙂
Advertisements
Jeep = may bayad. Pasahero = may sayad.

21 thoughts on “Jeep = may bayad. Pasahero = may sayad.

  1. mimo ay nagsasabing:

    kadalasan ang mga nagsisit sideways e mga pa-kyut na gerlalu..abangan mo ang mga eto..kainis ang tawag ng mga bading sa kanila e kandidata sa miss U

    1. passengers na (kalimitan lalake) na mahilig igitgit ang braso sa boobs side ng mga babae kaloka!! mga manyak!

    2. masayang enkwentro ng mga matatandang pasahero na nambubulyaw sa drayber kapag nag ba-bunking ang drayber, kung uso ang baunking sa may nova.. sa antipolo kasi hindi kumpleto ang byahe ng drayber kung hindi makipaglaro kay lord e.

    3.mga hayskul na maiingay!!
    4. mga bading na mangookray ng kapwa bading, mga panget, mga babaeng feeling nila e mas maganda sa kanila…kadalasan sila ay mga debutanteng baklah.. gaya ng nakasabay namin ng prend ko na bading nag-bayad sa drayber at eto ang sinabi… “mama bayad 2 estudyante at isang senior citizen..sabay tingin sa kaibigan kong bakla.sarap itulak!

    5. mga pa-gurl at pa-poging…pumapara matapos umikot ang gulong ng tatlong beses sa huling pumara.gusto e sa tapat mismo ng pupunthan nila ibababa. hay naku madami ka pang maeenkounter nolds…

  2. kainis yang mga nakaside view pa kung umupo kahit nagsisikipan na yung ibang pasahero. palaaway ako sa mga ganun, talagang tinatanong ko miss doble ba bayad mo? in a great big voice yun ha, para mapahiya.

    ayoko rin yung nagkakalat sa jeep ng balat ng lanzones at shell ng mani. poohta sinusumbong ko talaga sa driver para ma-fine. buti nga.

    😛

  3. kengkay ay nagsasabing:

    ahahaha, sarap kasi umupo ng naka tagilid kasi simoy mo yung masarap na amoy ng maynila! at yung mga lalaki na machong macho kung umupo, yung naka lagay ba yung dalawang braso sa mga malalaking hita nila? yun ganon ba, yun tipo bang, hay macho — pakandong naman, nyak nyak! at yung mga parating naka taas yung kili kili at nakakapit dun sa may kapitan sa taas, aray ko po – libreng perfume! kaka miss sumakay ng dyip!

  4. linglingbells ay nagsasabing:

    agree ako sayo dun sa last na sinabi mo.. kawawa yung driver pag nagrereklamo pa yung pasahero na di pa siya binababa eh nasa gitna pa yung sasakyan.. kamusta naman?!

  5. mimo ay nagsasabing:

    at higit sa lahat mga pasaherong holdaper, isnatser, mandurukot ng cellphone (hay naku talamak yan sa UP nga lang… kunyaring natutulog pero gumagapang ang kamay sa katabing nasa bulsa ang CP kaya ingat din sa mga nagtutulogtulugan sa jeep!)pero ang masaya dito sa jeep mo makikita ang makulay na daigdaig ni nora!hindi sa loob ng kotse.

  6. Eto ang isang malupit na eksena: May mag dyowang super sweet na parang pinagdikit sa glue, sa hindi kalayuan andun naman ang mga tsismosang nagbubulungan habang panakaw ang tingin sa mga ‘langggam’ sa dyip hehehe

  7. uu, nakakaasar nga yung mga pasaherong nasa malapit sa drayber tapos nandededma ng pag-abot sa bayad. kala nila taxi yung sinakyan nila? hahaha…:lol:

    pero ako minsan guilty ako sa pag-upo ng sideways hehe..shempre kahit na puros polusyon, nakaaliw pa rin tingnan ang sobrang trapik at mga ga-bundok na basura sa paligid kasi pag walang ganun, hindi Pinas yon hehe…ayan namiss ko tuloy sumakay ng jip. 😦

  8. sehr taroogs nakuh! pag naging commuter ka sa dubai riot dito sa sakayan sa bus.mas malupet pa dyan sa pinas.dalawang klase na hayup makakasagupa mo dito. isa yung nakakasulasok ang amoy at yung isa nama’y mga taong matindi ang libag sa utak na di nakakaintindi sa kahit anong salita at sayn langweyds.

  9. titikpepe ay nagsasabing:

    isa pang nakakainis rin. yung mga girls who sit sideways with the breeze of manila’s polluted air whose hair is messing around the seatmates face! what da! nakakain mo na yung mga dead ends ni ate.

  10. Ako man bok, medyo naaasiwa din sa mga pasaherong konti lang ang iniikot ng gulong ng dyip mula sa huling pagkakatigil ay paPARA na naman. Magkakapit-bahay yata e, hindi pa sabay-sabay kung bumaba. 😆 Medyo tensyonado din ako pag itinataon sa pag-oovertake ng drayber ang pagPARA.

    SNP (syanga pala): Happy Father’s day sa Tatay Arnold ng dawter mo. 😀 (hindi ko alam kung ilan ang anak mo)

  11. hehe…badtrip ako sa mga nakaupo sideways with matching hair na pinapalipad sa muka ko! wooo~ pero di nila ko matitinag..what i do? pinaparamdam ko na naiirita ako. At pag hindi pa rin tuminag,mako na humahawak ng buhok nila…:lol:

  12. meron din ako:
    1. yung mga babaeng mahaba na nga ang buhok, ayaw pang mag-ponytail. buong byaheng ginagawang walis ng mukha ko ang split ends nila.
    2. yung pasaherong kasasakay lang tapos pipiliting dun sya sa may bandang labasan uupo. aba, aba, aba!
    3. mga pasaherong nang-aagaw ng sukli ng iba. madalas tuloy, delayed ang sukli ko…
    happy tatay’s day nga pala, “mang” taroogs!

  13. Joan ay nagsasabing:

    Hehehe, ako, ang isyu ko, lalo na pag-nakasakay ng MRT, halimbawa nagte-text ako, yung nakikibasa ng text, o kaya naman yung may binabasa akong dyaryo (like inquirer libre), nakabalandra na halos ang mukha nila sa dyaryo, dahil nakikibasa din. Parang anuba, konting personal space naman! Hehehe.

    Taroogs – baka naman talagang napaka-interesting ng text message sa’yo, Joan 🙂

  14. Super badtrip ako dun sa mga kung makaupo eh akala mo inarkila nila yung buong dyip. tapos pag may sasakay na (kahit mejo puno na ha at sila na lang yun nakatagilid) tapos uusob lang ng pagkauntiunti hahayaan yun kawawang bagong sakay na isiksik yun pwet niya na minsan eh parang 1 inch lang yun kaya ipatong dun sa silya..

  15. nyehe! tanong ko lang, bakit palaging gusto ng majority ang umusog-usog hanggang sa umabot sa pinaka-aasam-asam na rurok ng tagumpay–ang first seat pababa?

    bdway, i’m new here..can yah help me out on some things to enhance readership? gaya ng super-successful mong blog?

    tsaka comment kah din..thanks!

    http://snobero23.wordpress.com

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s