Why Silver is way better than Gold.

I’ve owned three bicycles, total, in my lifetime… 3 bikes in 37 years. Di ko alam kung madami na ba yun o konti o sakto lang… but what I do know is this — of the three, it’s the last bike that did not bring me any heartache or pain.

My first bike, I got when I was still in elementary school (during the late 70s, if I’m not mistaken). Nakalimutan ko na kung anong grade ako nun at wala din akong existing photograph nito, for good reason: hindi yata nagtagal sa akin ng isang linggo yung linsyak na bisikletang yun.

Generic na BMX yung una kong bike, mga 850 Pesos worth (mahal na po yun dati)… at kulay gold yung batalya niya… oo, Gold. Which was why I secretly hated that first bike of mine. Gold ba naman ang kulay… at nagi-isparkle pa ang powtek kapag tinatamaan ng araw! Lagi tuloy akong napapagtawanan ng mga kaklase kong BMXers (Mongoose Brand lahat) na puro asteeg ang mga wheels.

Yun nga lang, I never suspected that my gold BMX bike hated me in return… at natikman ko nga ang kanyang malupit na paghihiganti nung unang weekend na ginamit ko siya. Magkatabi kaming nagba-bike ng pinsan ko (oo, iniiwasan ko na yung panunukso ng mga kaklase kaya pinsan ko yung kalaro ko)… him on his blue “mini racer” and me on my golden BMX… di pa kami nakakalayo sa bahay e biglang sumuksok yung “step nut” (yung de-roskas na apakan ng angkas sa likod) ng bike niya sa rayos ng gulong ko sa harapan! Endo bigla ako — may I tulpit over the handlebars ako sabay landing sa kanang braso… CRAAACK! Aguuy… apat na linggo akong naka-cast dahil sa baling buto… nasayang lang ang summer vacation ko.

At si Gold? Ipinamigay na lang ng erpats ko sa mas maswerteng kamag-anak… haays…

BIKE – 1 point. Taroogs – 0

Fast forward to the mid 90s. Yup, 20 years went by before I got to own another bike. This time, it was a Blue Mountain Bike, worth around 10,000 Pesos (all upgrades included) and, unlike my BMX, I absolutely LOVED this one!

I rode it regularly (commuted to work with it — Sikatuna to Pag-Asa)… cleaned it after every hard ride (sabon, degreaser at oil palagi)… joined a riding club (The BWACaus — Bikers Without a Cause)… rode it up Antipolo every Sunday… and was always saving up for the next parts upgrade (next in line was a suspension fork… woohoo!!!)

But alas… the dream did not last. One lonely Saturday afternoon, the day after I decided to leave my beloved blue mountain bike at our office… NILOOBAN ang powtek! Arrrghh!!! Tangay ng mga hinayupaks si Blue… huhuhuhu… 😦 buti na lang at hindi nila sinaktan yung caretaker, yung pamilya niya at yung ilang ka-opisina na nag-overnight (tinali lang sila parang baboy).

[nga pala: sabi sakin nung caretaker, sabi daw nung putragis na akyat-bahay/salisi gang na unang naka-ispat kay blue… “wow! swerte! tengkyu!” sabay tawa daw ang powta…] GRRRR…

BIKE – 2 points. Taroogs – 0 pa din (at yung bwisit na magnanakaw – 100 pangit points. Pweh.)

Pero hindi ako pinanghinaan ng loob. Hindi na ako pumayag na dekada na naman ang bibilangin bago ako magkaroon uli ng bike!

Nag-ipon ako… kumuha ng ekstrang raket… nag-tipid… at unti-unti, nakabuo muli ako ng isang mountain bike. Batalya muna ang binili ko sa Cartimar (mura kasi dun) — isang aluminum na GT triple triangle frame, walang pintura… silver finish lang. Konting ipon pa…

At nang matiyempo sa krismas bonus, bili agad ng suspension fork, gulong, rim, spokes, upuan, manibela, Shimano groupset (cranks, brakes, gears, sprocket), helmet, gloves, etc…

Isang taon lang mula nang mawala si Blue, ipinanganak ang aking ikatlong bisikleta – si Silver!

Nagsama na kami sa ilang matitinding padyakan — UP Diliman to UP Los Banos at QC Circle to Bataan (mga tinaguriang “Century Rides” ng Cycad o Cycling Advocates) at ilang “Tour of the Fireflies” ng Firefly Brigade. Ilang weekend rides na rin ang pinagdaanan namin kasama ang BWACaus.

So far, nakalagay sa odometer niya ay 2570 kilometers…

At ngayong taga Novaliches na rin siya gaya ko… I promise na do-doblehen ko ‘tong kilometraheng ito sa loob ng isang taon!

So help me, Gold!

Este, God pala 🙂

Advertisements
Why Silver is way better than Gold.

10 thoughts on “Why Silver is way better than Gold.

  1. mukhang maayos yang huli mong bike. siklista din ako sa atin pero dito sa nz parang naiilang ako magbike. una kasi masyadong matarik ang mga kalye dito as in talagang up and down. pangalawa, dahil baliktad nga ang orientation ng kalye dito (left side of the road) ay minsan tamang lito pa din ako after driving so long sa right side sa atin. pero balang araw magbubuo ulit ako. ingat lagi sa pagbike parekoy.

    Taroogs – sana nga makapag-bik ka na uli. asteeg pa naman mga tanawin dyan sa middle earth. dito, puro trapik at polusyon saka mga drag-racer/jeep drivers ang makakaharap mo 🙂

  2. koreanmine ay nagsasabing:

    huwaw! sa wakas,isang nilalang na alam ang salitang batalya! hehe

    di mu gets? eto kc may post ako abt batalya 😀 >>>
    http://koreanmine.wordpress.com/2008/03/15/kanto-girl/

    yung isang nabenta naming bike, GT din batalya, pero yung nabili namin sa cartimar eh Giant naman.( dun talaga matalap bumili ng pyesa no? )

    prehas tayo kulay ng fork ngaun, red din aken kaso manitou xa… bk may kilala ka na interesado, nibebenta ko 😀 (plugging 😀 )

    kc di ko magamit kc dami tantado d2 samen 😦 pag gagamitin ko kc lalo at mejo malayo, kinakabahan me kc uso samin tadyak bisikleta.. eh kung sana pag tindyakan habang pajak ko para agawin eh makukuha lng ang bisikleta at di ako mega mababaldog at maiinjury 😦

    harang, kaya mag ja jap. bike na lng ako, di maxado mainit sa mata 😦

    (senxa na, napahaba! na excyt ako sa post mo! 😆 )

    Taroogs – ayuun! gets ko na 🙂 nabenta mo na ba finally? patingin naman piktyur ng bike. mas asteeg yung manitou fork kesa rst… jap bike? yung mga tig-1taw na benta sa ukay? pwede na rin yun! basta walang gasolina. hehe

    Badtrip nga yung mga agaw-bike gangs… may kaibigan ako dati na nadale yung mountainbike niya sa visayas ave 😦

  3. neex ay nagsasabing:

    lab na lab ang bike ah. yung bike ko po napabayaan ko na. ehe

    Taroogs – matagal ko ding napabayaan si Silver. ngayon lang uli siya luminis after 3 years 🙂

  4. Naks bikers pala si Taroogs… oks yan maganda sa health… tipid pa sa gas 🙂

    Taroogs – susubukan pong maging biker uli… almost 4 years din na natigil kasi. at lahat ng nawalang taba ay nanumbalik na lahat… at nagsama pa ng maraming iba. heheh…

  5. Astig naman yung bike mo. 🙂

    Iilan lang yung kilala ko na talagang sobrang hilig sa bike. Nung sinabi mo yung mga parts nung bike mu, parang nawala ako bigla hehehe :D.

    Dagdag kaalaman. Good luck, sana this time magtagal na kau ni silver. 🙂

    Taroogs – isa ang biking sa bisyo ko nung single pa ako… yung isa ay pag-maintain ng aquarium. ngayon, bike na lang natira 😦

  6. mahilig ka pala sa bisikleta, goodluck sa pagbabike mo ulit. konting ingat din po! 🙂

    Taroogs – salamat, missy misyel 🙂 pwede kayang mag-mountainbike pababa ng niagara? parang yung sa commercial. heheh

  7. kengkay ay nagsasabing:

    waaaah, ganyan din ako. meron akong mountain bike, super duuuper mahal sya ha, pero ayaw kong ma gasgasan kaya i dont ride it. kunyari pa daw ako, hindi kasi ako marunong talaga mag bike, kailangan ko pa ng praktis, e sempre kakahiya namang ma semplang ako dito, kaya pilitan talaga ang pagbibike ko dito ano. parating sleeping beauty lang din si bike ko 😀

    Taroogs – naku… balita ko pa naman matampuhin daw ang mga bisikleta sa oyropa 🙂

  8. mimo ay nagsasabing:

    Certified “Bwacau” here!miss ko na magbike the story of my bike, kalungkot mang ispin e naging cash na.and recently e gusto ko na uli mag assemble

    Taroogs – mimaks! penge naman ng mga scanned fotos ng BWACau rides natin dati 🙂 kailangan ko ng bagong inspiration eh…

  9. aKDa ay nagsasabing:

    ayus a! exercise na! environment-friendly pa! ^_^ gudluck! aabangan ko ang pagkakadoble nyan. hehe.

    Taroogs – honga… sayang lang at over sa layo (at delikado) talaga yung commute ko from haus to office (20 kms yata, one way). biking pa naman ang sure fire na tipid sa pasahe sabay exercise na pampapayat na din 🙂

  10. mimo ay nagsasabing:

    haaay… those were the days…Caliraya, Infanta, Arayat, Morong…at kahulihulihan e nung napukpuk ang batalya mo sa US Embassy yung No To War ng AI…naks!!!naalala ko ang “Century Ride” papuntang Bataan! naka pig tail ka pa nun… pagdating sa rolling long road na -platan ka at sinabi ni BJ samin kaya nabalikan ka ng SAG kundi lakad ka hanggang Morong huwaw e di sana 16 na bewang mu nun anu? jok lang, kasunod na taon si BJ naman sumemplang sa Teresa!hanapin ko pag uwi ko…kung wala punta ka sa dating opis natin andun lahat yun alm ko, di ba prends mo mga staff dun ngayon?pati videos meron dun.gudlak tas pengi din ng piktyur pra sa inspirasyon din!or kunin mu tas ako mag scan tas bigyan kita ng scanned.

    Taroogs – hanep, mas matalas ang memory mo sakin a! long-hair nga pala ako nun (saka mas balingkinitan ang pangangatawan compared sa ngayon. hehe)… meron din akong ilang fotos pero nasa kahon lahat (kakalipat lang kasi)… buklatin ko soon saka i-scan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s