On jeepney commutes and its ever-changing “rules”

It’s official… they raised the minimum fare yet again – now it’s 8 Pesos for the first 4 kilometers (for jeepneys) from the 7.50 Pesos mimimum just yesterday.

Grabe… naaalala ko pa sa Bicol dati, nung nasa elementary pa lang ako (Grades 1 to 2), sa St. Agnes Academy ng Daraga, Albay… .75 centavos lang yata pamasahe nun! (teka… tama ba yun? di ko na maalala… pero Piso lang baon ko nun… at nung pumitik ako ng 10 Pesos sa nanay ko e muntik na niya akong balatan ng buhay… ngayon, ano na lang ba ang 10 Pesos? Not worth torturing a child, for one, pitikin man niya ito.)

Speaking of ancient history, I just realized that it’s been more than a decade since I last commuted via jeep, bus, or mrt on a regular basis. Yup, after my stint at university life I’ve made it a point to live very near my current place of employment — yung tipong walking or biking distance lang yung opisina.

Kaya siguro medyo nangangapa ulit ako ngayon when it comes to jeepney commuting etiquette and other safety tips. Rebyuhin ko nga saglit… para kasing nagbago na siya ever so slightly (kung pagbabasehan ang ugali ng ilang mga commuters na nakakasabay ko today ha):

  • apparently, ok na pala ngayon ang hayagang pande-dedma kung may nakikipaabot ng pamasahe sa ‘yo. dirty nga naman their money, di ba? eeeew…
  • kahit bawal na uli ngayon ang pagyosi sa loob ng jeep, go right ahead… fire one up! wala namang sisita sa ‘yo e. alukin mo na din yung kasama mo.
  • kapag pinaki-abot ng isang pasahero yung pamasahe niya sa ‘yo, karapatan mo na pala na ususain muna ito ng mabuti — tama ba yung amount? may punit/bangas/kagat ba yung pera nung mama/ale? — bago iabot sa drayber.
  • habang maluwag pa ang dyip ay pwede kang pumuwesto kahit saan… para nga naman pwede ka pang maginat-inat. pero sa oras na may pumasok na (pumili ng isa o kumbinsayon ng ilan: matanda/buntis/pasaherong maraming dala/disabled) ay tiyaking umusod agad palapit sa pinto para mahirapan ng todo yung bagong sakay na makaupo… kasalan niya yun no, late siyang sumakay e!
  • finally, mali pala yung akala ko na simpleng basuran lang yung container na nakalagay sa bandang dulo ng jeep, sa likuran ng drayber — no, it’s much more than that. For one, pwede palang dumura dun kung feel mo šŸ˜¦
Advertisements
On jeepney commutes and its ever-changing “rules”

13 thoughts on “On jeepney commutes and its ever-changing “rules”

  1. kiko ay nagsasabing:

    Hahaha! Kaya pala nung sumakay ako nung jeep diyan nung umuwi ako halos ako na lang taga-abot ng bayad sa driver at ako rin taga-abot ng sukli. Di ko nga lang nausisa kung may mga bangas na yung barya nila!! šŸ™‚

    Taroogs – ansaklap ano? paborito ko pa namang umupo sa bandang likod ng drayber (kasi laging may nauna na sa upuan sa bungad) šŸ™‚

  2. kunyari tulog ka para di makipaabot sa iyo ng bayad yung mga tao. haha

    naku ayaw na ayaw kong sumakay sa jeep pag rush hour, bigla kasing napupunta sa ibang dimension ang mga drayber eh, …dun sa dimension na ang tao, kalahati lang ang pwet so times two sa limit ng pasahero ang isasakay niya.

    Taroogs – saka parang nakakalimutan nila na pwedeng masaktan ang mga pasahero kapag pagewang-gewang silang magmaneho… tao ang pasahero, hindi karton! šŸ˜¦

  3. ahehehehe…
    kaya ako gusto ko din nauuna makasakay ng jip ksi kung mahuli ako kung ndi 1/8 ng pwet ko lang ang nakaupo, minsan taga-abot naman ng bayad ng lahat ng pasahero.

    Taroogs – ako pa naman, ang sakop ng 1/8 ng pwet ko e kasya pa rin ang isang tao šŸ™‚

  4. NEEX ay nagsasabing:

    hala, grabe naman yun. buti wala pa akong naeencounter na ganyan kahit araw araw ako nagji-jeep.. and di na maiiwasan yung pagtaas ng pamasahe na yan. bakit kaya walang strike ng mga pasahero? hehe

    Taroogs
    – ako, panalangin ko talaga na mas dumami lalo ang mga MRT/LRT lines para mabawasan yung mga jeep at bus sa kalsada šŸ™‚

  5. eyna ay nagsasabing:

    panu kung dun nakaupo sa malapit sa basurahan…am baho!
    speaking of dura, may isan karanasan ako dati sa jeep.
    kasi habang dumadaan kami sa expressway pa calamba, eh dumura ung driver sa bintana nya. syempre di ba karamihan ng pasahero eh nakatagilid ang leeg sa may bintana ng jeep pag nakasakay. so un, nagulat na lang ako may malamig na tumapik sa pisngi ko. sa kin napunta/nilipad ang dura!!!!!

    Taroogs – wehehe… may bagay na background music sa karanasan mong yan, eyna — dura drops are falling on my head… šŸ™‚

  6. nako naman, nakakaasar talaga yung dedma kunwari yung makikiabot ka ng pambayad mo, e kung ako nga kahit todo unat na yung kamay ko sa pag abot nung nagbabayad sige pa rin

    Taroogs – pareho tayo, kulot… parang unwritten rule na kasi (jeepney etiquette kumbaga) na ang nakaupo malapit sa drayber ang taga-abot ng pasahe.

  7. rio ay nagsasabing:

    alamin mo kuya ang pwesto kung san hindi ka mag aabot ng pamasahe..sa tagal ko ng nagcocommute alam ko kung san pwesto yun..hehehe..

    badtrip tlga yung mga nagyoyosi..kaya pag may nagyosi..todo labas din ako ng panyo at sabay takip sa ilong with mtching irap pa yan sa nagyoyosi..hehe

    Taroogs – ang alam ko lang kasi na sure-fire “walang abutan ng pasahe zone” e yung upuan sa harap… kaso dalawahan lang yun e. mahirap namang mag-abang ng jeep na puro harap lang… bihirang-bihira dumaan ang mga ganun. hehehe

  8. barquera ay nagsasabing:

    hay naku talagang ako dedma sa pag babayad lalo na pag akyat mo at pag upo mo at saka mag aabot ng bayad.. bakit hindi mag bayad agad pag kaupo sa dyip me mga pasaherong uupo sa dulo at hihintaying me dumating at yun ang magiging taga abot ng bayad..
    okey lang mag paabot ng bayad kung me “paki” at pag papasalamat.. ugaling Pinoy talaga yan…

    Taroogs – honga, kainis yung mga naghihintay na may umupo malapit sa drayber bago magbayad… ano ba naman yung umusod sila papalapit para iabot yung pasahe? laking abala ba nun? šŸ˜¦

  9. hanak ng tupa… grabe naman yung duraan pare!! pano kung di na shoot?

    Taroogs – yan nga mismo iniisip ko nung oras na yun, wei… naka-sandals lang kasi ko palagi šŸ™‚

  10. aKDa ay nagsasabing:

    haha! madalas ko ng maranasa yung halos lahat ng yan, pero ung huli?! waw! lufet! isa siyang dakilang bastusing bata!

    Taroogs – ang masaklap dito… hindi na siya bata šŸ˜¦

  11. ako… madalas din ako lumabas na may sasakyan… ngunit dahil expire na lisensya ko at ang mahal na ng gasolina… nagsubok uli ako magjeep… kakapanibago nga uli… at Php8.00 na siningil sakin… huhuhu…

    ang nakakainis sa jeep eh yung mga taong nagyoyosi ng walang pakialam kahit na may bata o buntis pa silang mga kasama… wala silang konsiderasyon! hehehe

    galing pala ako sa blog ni dra rio. :).. sana makadlaw ka din sa bahay ko… dami weird dun šŸ˜€

    Taroogs – dumadaan din ako regularly sa blog ni dok rio… kaso kinakabahan ako — takot ako sa dentista e. wehehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s