The Epistles of Mang Gurnak

Bago ang lahat, nais ko lang klaruhin na Totoong Tao si Mang Gurnak. Hindi siya katha lamang ng aking imahinasyon (kahit pa sinasabi ng marami na mahilig akong mag-imbento ng kwento).

Una kong nakita si Mang Gurnak noong nakatayo pa yung “People’s Park” sa kanto ng North Avenue at EDSA. Oo, bagong tayo pa lang yata ang SM North nun. Barker ng dyip si Mang Gurnak, sa mga biyaheng SM-UP Campus. Sayang nga at hindi pa uso ang digicam nun e. Sana nakunan ko ng litrato ang kanyang mukha. Pero kahit walang photo evidence ay malinaw pa din sa memorya ko ang hitsura niya — nakatatak na sa isipan, ika nga.

Hindi ko makakalimutan ang araw na ‘yon dahil sa isa pang kakaibang tao — habang nakaupo ako sa dyip na naka-assign kay Mang Gurnak ay may sumakay na babaeng flip na sa tapat ko pa mismo umupo! Bakit ‘ka ‘nyo sigurado akong may sayad yung ale? Simple lang — may dala siyang maliit na bote ng White Flower at unti-unti niyang pinapahiran nung ointment yung dila niya.

O ha! Laban kayo?! πŸ™‚ Ansakit nun, powtek! (kaya pala ang hirap i-drowing nung mukha nung babae. hehe…)

Heniways, back to Mang Gurnak. Dalawang bagay ang nakakatuwa sa kanya — una ay ang kanyang mala-megaphone na boses (ansakit sa tenga, pramis), at pangalawa, ang kanyang pagiging makwento sa mga pasahero. Full-service ang inabot ko kasi habang nagtatawag siya ng pasahero ay panaka-naka din ang pagbigay niya ng unsolicited advice sa mga tao sa kanyang paligid.

I’m tell you ha… umandar na yung dyip e naririnig ko pa rin yung boses ni Mang Gurnak sa aking isipan… hanggang sa eskwelahan andun yung boses niya… hanggang sa umuwi sa Krus na Ligas… hanggang sa ngayon!

Ulangya, halos 20 years na ang nakakaraan e naririnig ko pa din ang boses niya?! May deperensiya na yata ako a. hehehe…

Ilang mga words of wisdom na ina-attribute ko sa patuloy na pagbulong sakin ni Mang Gurnak:

  • Huwag ngumanga habang binubuhusan ng balde ng tubig ang inidoro.
  • Buksan muna ang ilaw sa kusina bago manginain ng tira-tirang ulam (lalo kung lasing ka)… baka mga pinaghugasan pala yun na inipon lang sa isang platito.
  • Huwag basta-bastang maniniwala na kamukha nga ng ka-chat mo ang cute/pogi na piktyur na ginagamit niyang avatar. Mas malamang sa hindi na ang kabaliktaran ang totoo.
  • Kapag naliligo sa public beach, huwag dadamputin o hayaang sumagi sa katawan ang mga bagay-bagay sa lumulutang sa tubig… malaki ang tsansang pupu ng tao yun 😦
  • Hindi nagsusuot ng seksing damit ang mga babae para pasiyahin ka… ginagawa nila ito para pasiyahin ang mga sarili nila. Matuto kang magpasalamat… tantado!
  • Huwag sayangin ang oras sa kakabugaw sa mga lamok na nasa loob ng bumibyaheng jeep dahil may di-maipaliwanag na kapangyarihan (parang force field) na nagpapanatili sa kanila sa loob
  • Huwag kalimutan na mga Hobbits ang ginawang batayan ng mga drayber at operator ng dyip para itakda kung ilanan ang sakay nito. Kaya huwag mabigla kung ang mukhang pituhan lang ang sakay ay sampuan pala… (at dahil medyo extra-extra large ang kaha mo ay masama ang tingin sayo ng nung huling pasaherong sumakay. Taragis talaga oo…)

πŸ™‚

Advertisements
The Epistles of Mang Gurnak

4 thoughts on “The Epistles of Mang Gurnak

  1. Salamat din kay Mang Gurnak at meron akong natutunang bagong kaalaman. πŸ™‚

    Taroogs – dapat lang talagang piliin kung alin sa mga ibinubulong ni Mang Gurnak ang susundin… may sabit din kasi siya minsan πŸ™‚

  2. koreanmine ay nagsasabing:

    honga! full of wisdom talaga c mang gurnak!

    Taroogs – baka ikaw, miss mine, ay meron ding “guardian angel” πŸ™‚

  3. “Huwag ngumanga habang binubuhusan ng balde ng tubig ang inidoro. ”

    naks! parang napaka-confucious ng dating. malagay nga sa shoutout ng friendster ko… hahaha

    Taroogs – πŸ™‚ hindi lang po confucious… health conscious pa! wehehe… salamat po sa dalaw, kapatid.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s