The Unwilling Boy Scout

Update (May 6, 2008): baka lang po hindi masyadong naging effective yung story-telling ko, but my goal was to show how difficult it had been for me to step forward and do the right thing. In truth, had I not been sitting very near lola, I probably wouldn’t have lifted a finger to help… tutal meron namang ibang nakaupong malapit sa kanya 😦 Not all people suck… but a great majority of us do.

I helped a little old lady cross the street last Saturday.

Yep… a clear-cut “boy scout moment,” I know. But that’s not the end of the story po…

Ganito kasi yun… I was on my way to Novaliches to check up on the house (umulan kasi the day before at nag-aalala kami na tumulo yung bubong) and was already half-way through the trip when the jeep I was riding was flagged down by a “barker” somewhere along Commonwealth Ave.

Dito na nagsimula yung drama.

Nagmamagandang-loob pala yung “barker” at ipinara ng dyip ang isang lola… and when I say “lola”, I don’t mean mala-Gloria Romero, “ang ganda ng lola mo” type na lola. NO. The lola who joined us in the jeep embodied everything sad and frightening about growing old.

She was wearing dirty clothes and lugged 2 equally-dirty cloth bags, which she was holding on to like they contained money or something (of course they probably contained more dirty clothes… possibly the only property left to her in her twilight years.)

She also had great difficulty walking. In fact, umabot yata ng limang minuto from the time na inakay siya nung “barker” mula sa waiting shed hanggang makaupo siya sa jeep. Halatang iniinda niya ang sakit ng kanyang tuhod at kulang na lang na gumapang siya paakyat ng jeep.

It was also obvious that dementia was already starting to get a hold of her mind. Paiba-iba kasi yung sinasabi niyang bababaan niya… una, sa “simbahan daw ng Muslim”… later, sa isang gasolinahan naman daw.

Kaya nung nalaman nung drayber na wala palang kasama si lola (akala niya kasama yung “barker”) e ayaw na niya itong patuluyin… sadly, some of my fellow passengers agreed (naku, mahirap yang walang kasama! hindi pa naman nakakalakad ng maayos!)

OO. Inaamin ko… deep inside, yun din ang naisip ko.

Pero taob kaming lahat kay “barker” (ok talaga ang mga “barker”… kamag-anak kaya ni Mang Gurnak yun?) nang hiritan niya kami ng makabagbag-damdaming:

“Hindi na kayo naawa? Para kaunting abala lang sa inyo…”

O ha? Sinong matigas na tinapay dyan? Sagot!

So, to make a long story short (and a slow story fast)…

  • pinasakay din ng drayber si lola
  • habang bumibyahe ay iniharang ko yung binti ko sa babaan para hindi kami akusahang kabilang sa “Laglag Lola Gang”
  • nang bumaba si lola ay inakay ko siya (kasi nga sa dulo ako nakaupo)… bale 5 minutes uli na antayan…
  • at nang makiusap si lola na itawid ko siya ng kalye ay pinauna ko na yung dyip (kahit bayad na sana ako hanggang Almar)

How did my “Boy Scout moment” end?

May isang tindera sa isang sari-sari na nakakita sa amin habang tumtawid kami ng hi-way… sabi niya, mga 15 minutes daw niya kaming pinanood (aba… nanood lang talaga, ano?)… at nagkataong kilala pala niya si lola! At kilala rin niya yung kapatid ni lola.

So ayun… nang may na-parang byaheng Almar na jeep e iniwan ko na silang nagkukwentuhan sa tabi nung tindahan.

Haays…

Nga pala. Habang dahan-dahan kaming tumatawid sa hi-way… habang naka-kapit sakin si lola at bitbit ko yung dalawa niyang bag… tumingin siya sakin bigla sabay sabing, “maraming salamat anak, pagpalain ka sana ng Diyos…

Maniniwala ba kayo kung sasabihin ko na biglang nawala sa isipan ko yung (malamang na) tumutulong bubong ng bahay namin at na sa kung anong dahilan ay parang naging presko bigla yung panahon (kahit tanghaling tapat nung mga oras na yun)?

Had lola, at that very instant, suddenly given me a small, white round pebble and told me, as she slowly reverted to her true, beautiful form, that it was my reward for being a truly kind-hearted person… I wouldn’t have been surprised at all.

Advertisements
The Unwilling Boy Scout

9 thoughts on “The Unwilling Boy Scout

  1. iba talaga kapag nakatulong ka sa kapwa mo. may kapalit yan na biyaya mula sa taas. mabilis din ako maawa kapag ganyan at bilib ako sayo sa pagtulong ke lola!

    Taroogs – ang inaalala ko lang e kung counted pa rin ba yung good deed na may hesitation na kasama. hehehe

  2. wow! bilib ako sayo, may God bless you

    Taroogs – mas bilib po ako sa mga (taxi driver, janitor, sikyo) na nagsoli ng mga napulot nilang bag na may lamang limpak-limpak na salapi… parang hindi yata kaya ng powers ko yun 🙂

  3. Bonn ay nagsasabing:

    Boy scout ka nga, laging handa! Taga-Central District ka nga, maginoo! At Akbayan ka nga, marangal! 😉

    Mabuhay ka, Kasama!

    Taroogs – pano ba yan, Bonn… e taga-Novaliches na ako ngayon? 🙂 ang hirap sa maginoo… medyo bastos din daw.

  4. Jae ay nagsasabing:

    alam mo hindi ako naimpress sa istorya mo. hindi talaga. not at all. big deal.

    alam mo kung bakit?

    kasi arnold………….. kung huhulaan ko ang ending ng kwento base sa unang sentence, kaya kong hulaan.

    you werent being kind, you were being YOU. mabait ka talagang tao. and everyday, i feel blessed for having known you.

    p.s. teka, testimonial ba itoh? nasobrahan ko ata. haha.

    Taroogs – hindi, Jae… mas mabait ka pa din ng di hamak! 🙂 at sa comment mo na you “feel blessed…” ang masasabi ko lang ay “same here!” hehehe

  5. wow! maybe that kind of help (bayad ka na nga diba?) na ginawa mo eh talagang nakakapresko nga yun… pagpalain ka nga ng diyos 😀

    Taroogs – sana nga… medyo may deficit kasi ako sa “good deeds” portion ng buhay. Yung guardian angel ko nga e nag-resign na nung 1992 pa 🙂

  6. hahaha! laglag lola gang po ba? kapag may nakasulat na DARNA o Zaturnnah sa white pebble na ibibigay sa inyo, wag nyo pong tatanggapin lalo na kung di siguradong bagay senyo ang pulang two-piece na may design na mga bituin.
    seriously, yan ang tatak ng pinoy. marunong pa ring kumilala ng paggalang sa mga matatanda. pugay-kamay ako sa inyo! God bless!

    Taroogs – (napa-isip bigla) “pulang two-piece na may design na bituin?….. aaay….type!” 🙂

  7. angel ay nagsasabing:

    wow bait naman… totoo nga masarap mkatulong kahit tingin ng iba maliit na bagay lang yon.

    Taroogs – mas feeling guilty tuloy ako na nag-hesitate akong tumulong kay lola (mukhang napilitan lang talaga ako) 😦

  8. Bok ay nagsasabing:

    Mahirap pigilan ang sarili pag talagang likas sa tao ang ugaling pagtulong, maski pa nga napakalaking abala o sakripisyo siguro. Sa kaso ko, nai-imagine ko na lang: kung nanay o byenan ko ang matandang yun, laking pasasalamat ko rin sa taong magmamalasakit nang ganun.

    Taroogs – wala akong maisip na witty na sagot sa comment mo, bok. naalala ko kasi bigla nanay ko

  9. may karakter talaga ang mga barkers sa banda doon, hehe.

    Taroogs – duda ko nga anghel yun na ginamit ng Diyos para testingin yung drayber at mga pasehero nung jeep…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s