Lipat Bahay = Lipat Buhay. Ahahaaay!!!

It’s official… lilipat na kami very soon sa Novaliches, sa bahay ng pamilya ng misis ko, after almost 20 years of renting apartments in Quezon City.

Powtek! 20 years! Sabihin na natin na ang naging average monthly rental namin ay 6,500 Pesos (from a range of 5,000 to 8,000 a month rates)… tapos i-times 12 (months) at times 20 (years) mo yun… 1,560,000 Pesos na tumataginting!

Dang… we were millionaires and we didn’t even know it

Anyway, what’s important is lumipas na ang yugtong iyon: the era of the FOREVER RENTA (aka. our endless subsidy of our landlords’ flamboyant lifestyles. hehehe)… Pasok naman ang panahon ng PANAKA-NAKANG RENOVATIONS šŸ™‚ Circa 70s pa kasi yung bahay kaya medyo gume-gewang na ang ilang bahagi nito. Mukhang naka-steroids yata ang mga anay sa area kaya overtime palagi kung ngumuya ng kahoy.

Still, malaki pa rin ang bentahe ng tumira sa sariling bahay (luma man ito at malayo) kumpara sa umupa ng isang apartment (na luma din naman at mahal pa to boot!). For one, maraming possibilities for improvement ang bakuran: pwedeng lagyan ng maliit na gulayan o i-extend ang dirty kitchen at sampayan. Pwede ring kabitan ng swing ang mga puno dito (kaimito sa likod at mangga naman sa harap) para may pinagti-tripan ang aking mahal (at makulit) na dawter at ang kanyang poging pinsan sa tuwing dumadalaw ito.

At sino ba naman ang hindi matutuwang magkaroon ng isang “super kamias tree” sa sariling bakuran? Taob yata ang isang salop na asin sa dami ng bunga nito! Krssstch!… shet, iniisip ko pa lang naglalaway na ‘ko šŸ™‚

Advertisements
Lipat Bahay = Lipat Buhay. Ahahaaay!!!

15 thoughts on “Lipat Bahay = Lipat Buhay. Ahahaaay!!!

  1. koreanmine ay nagsasabing:

    daming puno! ang sarap yan lalo na pag malilim at mahangin! šŸ˜€

    shucks, kaka ngasim! hanep sa puno ng kamias yan ah! hitik na hitik! uber!
    dati may puno din kmi ng kamias, ang hahaba ng bungaat anglalaki, kaso napahlihian ng kapitbahay namen, di na namunga šŸ˜¦ kaya wak mo papapitasin ang buntis jan! šŸ˜€ sayang šŸ˜€

    Taroogs – baka inantok yung puno ninyo kasi buntis yung kumain ng bunga niya šŸ™‚

  2. Di ako sure sapagka’t ako’y batang Mindanao, subalit hindi ba malayo ang Novaliches sa Analog?

    Yun lng!

    Taroogs – sabi nga ng nasira kong tiyuhin na si Mang Gurnak, “Analog is where the heart is” šŸ™‚ bata ka pa pala sa lagay mong yan? wehehehe

  3. ahh naisip din yan ng tatay ko..kaya ayun, may ‘bahay bakasyunan’ na kami lagpas lagro… ang pinaka badtrip sa nagrerenta eh umaabot sa 32k ang renta namin… for 67 years! hahayyy…

    congrats! konting pukpok, renovate lang yan šŸ˜€

    Taroogs – huwaaat? 32k ang renta ninyo per month? hmmm… opisina ito! šŸ™‚

  4. kung kailangan mo ng tulong maglipat sabihin mo lang bro hehehe. siryusli, mas ok yang sarili at hindi renta. dito sa amin nagrerenta lang din kami dahil sobrang mahal ng bahay dito, dun lang mapupunta lahat ng suweldo ko. kaya madaming pinoy dito pagnakuha na yung citizenship lumilipat ng australia

    Taroogs – baka kaya mahal kasi malalaki ang bakuran ng mga bahay? yung isang taga-NZ na kilala ko, yung pinaka-malapit na kapit-bahay daw nila e 5 miles ang layo sa kanila! hehehe (ang hirap humiram ng asukal kapag ganun)

  5. yun talaga ang hirap sa nangungupahan, pag alis mo sa inupahan mo at magcompute ng mga binayad, manghihinayang ka talaga, life ganun talaga e

    Taroogs – ganyan din sa alak at yosi… kung kukwentahin mo yung pera na ibinuhos mo sa alak at sigarilyo e… mapapainom ka talaga! hehehe

  6. Jovi ay nagsasabing:

    Pareng Taroogs! Okay jan sa bagong place niyo ah! Pedeng magpa party! šŸ˜€

    Taroogs – excited na nga kaming lumipat (1 week to go)… malagyan lang ng swing na gulong yung sanga ng punong mangga e tiyak, children’s party ang bagsak! hehehe

  7. uy pareng taroogs! ayus yan ah! congrats! mukhang malaki ang bakuran nyan ah. masarap mag-inuman jaaaaaaaaaaaaaan!!!

    pero teka di ka na pala umiinom wahahaha! pero ok lang yun, at least sa laki ng bakuran madami ka magagawa at makakatulong ito sa tuluyang pagkalimot mo sa red horse!!!

    napapaligiran ba ng mataas na bakod yan? kung ang sagot ay oo… pwede na magtanim ng marijuana! nyahahaha!

    Taroogs – balak ko ngang magkaroon ng maliit na gulay garden (mga ligal na gulay lang, pareng az. hehehe)… sili, saluyot, mahogany (na hindi na pala gulay)

  8. koyang, kami man lilipat na rin from Tondo to Bulacan, from sigue sigue at sputnik gang to hehehehe! guerilla zone lol!

    Taroogs – ay korek! hi-way nga ng mga “pogi” yung ilang area ng bulakan. pero di bale, basta wala kang malaking kasalanan sa bayan e safe ka naman siguro šŸ™‚

  9. Bok ay nagsasabing:

    Magandang move yan, bok. Ako man walang ibang inaasam-asam kundi ang magkaroon kami ni misis ng maski maliit na bahay man lang na hindi ko na inuupahan (May 164 sqm na titled lot kami sa Baguio, pero as in — lupa pa rin lang na pwede ko namang legally na ‘iskwatan’).

    Nakita ko pa lang yang pictures mo ng mga greens, mukhang ayush na ayush yang iyong bakuran. šŸ™‚

    Taroogs – answerte nyo, bok. lupa sa baguio? asteeg! daming talampunay dun. hehehe

  10. Mix ay nagsasabing:

    Anak ng tokwa! Super kamias nga! aba’y hitik na hitik sa bunga ah! ganyan ba yan all year round? astig!

    Taroogs – sa ilang beses kong pagdalaw dati sa bahay na ito (nung buhay pa yung aking father-in-law, na siyang may-ari ng bahay), parang nababawasan din naman yung bunga nung kamias, pero never ko pa siyang nakitang totally walang bunga.

  11. kengkay ay nagsasabing:

    pengeng kamyas! nangasim tuloy ako. masarap talaga tumira sa sariling bahay, at sempre bawas gastos na ang renta. yun nga lang, ikaw alaga sa balay mo, di ba? ayan, good luck sa bagong palasyo mo

    Taroogs – napaisip tuloy ako… anong prutas sa Oyropa, miss kengks, ang kasing-asim ng kamias?

  12. Bonn ay nagsasabing:

    Okay ito, milyonaryong frankenpooh! Taragis talaga. Salamat sa paalala, na sa mga tulad ko, mag-isip-isip din ng pan-long-term!

    Sayang, ngayon ko lang nabasa, nandito pa naman sa opisina ang iyong mahal at makulit na dawter nung isang araw! Magpa-haws warming ka naman, sakto ito sa panahon ng global warming, hehe! šŸ˜‰

    May your new house be filled with love, blessings, health, luck, peace, and joy!

    Taroogs
    – kung saka-sakali, bonn, ito lang ang lilipatan naming bahay kung saan magpapa-housewarming kami ng seryoso. Iba kasi kapag rentahan lang yung lilipatan mo… parang same-old-same-old lang. Ito, iba ang feeling šŸ™‚

  13. yung kamias mo, naka-steriods din. ang tanong eh, understanding ba ang mga kapitbahay kung magkakahamunan ng videoke? hehehe… God bless sa housewarming nyo.
    isinama ko na pala kayo ng walang paalam sa blogroll ko.

    Taroogs – basta ba may mga kantang “off limits” šŸ™‚ linked you na din, brother

  14. Bok ay nagsasabing:

    Talampunay? šŸ™„ anu yun?
    Sayote ang alam kong marami dun — naglalaglagan lang sa balag, pinagtya-tyagaan ng mga pusa pag wala nang makain. šŸ˜›

    Taroogs – yun yung tinatawag na “angels’ trumpet” o “trumpet lily” ng mga… eherm… mahilig humitit ng flowers. hehehe

  15. Ang saya, si Sam naman makakaranas ng mga adventures namin dyan! Sana lumaki syang mas normal kesa sa amin, hehe. Buti naisip nyong pagtyagaan, Kuya Arnold.

    Anyway, ‘yung kamias pag nalaglag na bunga, walisin nyo ng walis-tingting ang puno (tree trunk, hindi ugat lang) tapos basain every other day, makikita nyo mabilis umusbong yung mga bagong buds. Syempre pag me buds na wag nyo nang walisin. Madali rin magpatubo ng pechay, okra (bili seeds sa Ace, SM) at alugbati. =)

    Taroogs – salamat sa planting tips, matengs! Iniikot na nga ni Sam yung buong bakuran kahit mag-isa šŸ™‚ pero hindi pa siya masyadong confident para maglaro sa kalye. Trip niya yung mga pusang gala pero mas ok siguro kung magkaroon siya ng sariling in-house tuta (spot the second?) hehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s