Panahon na nga para Bawasan ko ang Pag-toma…

Tutal nagsasawa na rin ako sa mga pagkarami-raming mga alcohol induced “incidences” sa buhay ko. Tama na yung ilang taong pagiging adik sa alak… tumatanda na ako. Ayokong lumaki ang anak ko with the image of a “lasenggong tatay” burned into her psyche.

Naaks! Hehehe… pero sa totoo lang, ayoko nang maulit muli ang mga sumusunod na pangyayari. Nakakahiya na kasi.

  • Pagbubunot ng halaman (puno, bulaklak, atbp) na nakatanim sa lupa o paso kapag bad-trip ang tama
  • Pag-pitik ng mga bagay-bagay kapag nabubuyo (kutsara’t tinidor, ashtray, straw dispenser, salamin sa cr, bumbilya, karatula, upuan — yes, upuan! — banners, atbp)
  • Pagiging “warfreak” minsan kapag pauwi na (lalo kung may ibang lasing na pasahero sa dyip) at kahit pagdating sa bahay…
  • Mga “tamang kalimot” kinaumagahan (anong oras ba ako umuwi kagabi? sino nagbukas sakin? bakit ito na lang ang natira sa pera ko? asan kaya cap ko?)
  • Ang minsang (minsan nga lang ba?) naglalakad sa kalsada habang nagsusuka… shet. Lowlife to the max! 😦
  • Ang makatulog kung saan-saan (minsan sa tabi ng basurahan ng isang compound – kakahiya!)
  • Ang pagiging matigas ang ulo at mahirap pakiusapan. In short, walang-kwentang kausap…
  • At iba pang mga nakakahiyang asal, ugali at gawain na lumalabas lang kapag lango na ako sa alkohol.

[Note: I am NOT using drunkenness as an excuse for all the bad things I’ve done. Siguro, deep inside, ganun na talaga yung personality ko. Pero, without a doubt, they are exacerbated by my being drunk. Totoo nga siguro yung kasabihang lumalamang ang demonyo kapag sobra na ang lasing ng isang tao.]

Kaya I swear… itaga pa sa virtual na bato… Magbabago na talaga ako 🙂

Advertisements
Panahon na nga para Bawasan ko ang Pag-toma…

10 thoughts on “Panahon na nga para Bawasan ko ang Pag-toma…

  1. ang hirap talaga kapag nakainom ka ng sobra… yehey magbabago na daw sya! sana totoo. I know, kaya mo yan! 🙂

    Taroogs – yup, i know i can, too! 🙂 salamat sa virtual support.

  2. thats good news pareng taroogs. hindi naman kailangan totally alisin di ba? i-moderate lang. dahil sa beer na yan, kaya nayari din ako noong nasa pinas eh. tumaas uric acid ko at 1 week ako hindi nakalakad lol.

    if there’s a will, there’s a way. 😀

    Taroogs
    – nabanggit mo yang uric acid na yan… nang hindi ako nakainom ng 7 days dahil nga sa nagkasakit ako… akalain mong nawala yung matagal ko nang iniinda sa sakit sa kaliwang sakong. beer = rayuma!

  3. nako pare, magsisisi ka pag sinabi mong babawasan mo ang alak, o baka may hang over ka lang kaya mo nasabi yan.

    link mo naman ko…

    Taroogs – hindi, tol… seryoso na ‘to. bawas lang naman, hindi totally aalisin. mahirap na at baka mag-rebolusyon pa ang mga bulate kong alcoholic. hehehe. linked na kita 🙂

  4. sana po ituloy nyo po yan!
    si papa rin po mahilig uminom eh.
    pero nakikita ko na rin na mejo nagababgo na rin sya.
    umiiwas na sa pag-inom kasi pinapagalitan kO!
    wahahaha!

    Taroogs
    – masyado pang bata yung anak kong babae para pagalitan ako. kaya nanay niya muna ang laging humihirit! heheh

  5. nakikiraan lang po at nakikicomment na rin dahil minsan, sa aking nakaraan, naging senglot rin po ako. pero may bayad. nagtrabaho ho akong tagatikim ng serbesa ng tatlong taon. yun po ang isa sa mga pinakmasasayang nakaraan ko, medyo parang nagmumura nga lang po yung atay ko nung mga panahong iyon. hehehe…

    napapahaba na po ang kwento ko eh di nyo naman po ako kilala. anyways, newbie po ako na muling dadalaw sa site nyo. God bless! ((naks, may God bless pa!)

    Taroogs – hanep. yan ang dream job ko dati — professional tomador! hehehe… totoo nga pala ang chismaks ano, brother utoy? halos lahat ng semenarista e may lihim na bisyo 🙂

  6. Nung ako nalasing, nag ma-michael jackson daw ako sa gitna ng highway sa libis.

    Kaya di na ulit ako iinom.

    :-]

    Taroogs – pasalamat na lang tayo at di ka nago-otso-otso pag senglots 🙂

  7. Mix ay nagsasabing:

    Sa sobrang kalasingan ko dati, napatay ko ang 16 years old na bonzai ng nanay ng kaibigan ko. Simula noon hindi na ako masyadong nagpapakita sa bahay nila sa sobrang kahihiyan huhuhu!

    Taroogs – ako naman, sa isang moment na tamang warfreak e biglang nambalibag ng silya. tinamaan yung kotse ng bisita sa office party. gasgas pinto 😦 needless to say, nawala bigla yung lasing ko. hehehe (binayaran ko ang repair ng salary deduction) pero mas mahal yata ang bonsai kesa gasgas na pintura 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s