Books with Maps… haaay tsalaap!

Iilan na lang yata ang masasabi kong “addictions” na natitira sa akin ngayon.

  • Ang sobrang pagtoma (addiction na going strong pa din! hehehe)
  • Ang paglafang ng todo-todo (addiction na gusto ko na talagang gawan ng paraan. pramis)
  • At ang regular na pagbili ng magagandang libro (addiction na, sa totoo lang, ay gusto kong mas lumala pa!)

Obvious naman kung alin sa tatlong ito ang pinaka-gusto ko, di ba? OO — ang pagtoma! Hehehe… pero dahil nililimitahan ko na ang pag-inom ko to “once a week” na lang, ibig sabihin, malimit ay hindi ako lasing sa gabi. Pasok ngayon yung mga libro.

Dati, nung wala pa ‘kong masyadong pinagkakagastusan (asawa at anak. hehehe. Joke!), malupit ang luho ko sa libro. Basta type ko yung libro, kahit mahal, bili agad! Pinakamahal na librong nabili ko ever: isang leather-bound na collector’s issue ng The Hobbit ni J.R.R. Tolkien.

100_5053.jpg

Magkano? SIKRET! Mahirap na at baka mapagalitan pa. Basta andaming gatas at diapers sana ang katumbas nun 😦 Ngayon, nagkakasya na lang ako sa mga bargain books (Mabuhay ang BOOKSALE, BOOKS FOR LESS at DIPLOMAT BOOKS! Asteeg!!!)

100_5034.jpg 100_5037.jpg

Pero ok lang. Kahit kailangang mag-exercise na ako ng disiplina at mag-delay ng gratification, nadagdagan naman yung pleasure na nade-derive ko sa isang libro. In fact, mas mahalaga na yata sa’kin na nahirapan akong hanapin ang isang libro kaysa sa kung gusto ko yung laman nito o hindi. Hnlabo no? 🙂

At kung nagkataong may MAP na kasama (fold-out man, nasa inside front and back covers, o naka-singit sa gitna), aysus… Heaven talaga! Ewan ko ba…

Silmarillon fold-out map, sarado.

100_5051.jpg

Silmarillon fold-out map, bukas!

100_5052.jpg

Advertisements
Books with Maps… haaay tsalaap!

3 thoughts on “Books with Maps… haaay tsalaap!

  1. koreanmine ay nagsasabing:

    Bat anu meron sa maps at orgasmic sau? 😀

    pero maganda tlga yung may illustrations para na vivisualyz tlga as in yung nide desKryb, so ganun din b yun? o may pagka Indiana Jones ka lang? 😀

    Taroogs – yun nga, miss mine! ansarap i-trace sa mapa yung progress ng kwento… kaya nga bad trip ako kapag may nabanggit na lugar sa kwento pero wala naman sa mapa! 😦

  2. ako din bisyo ko ang paginom. gabi-gabihin ba naman. nga pala salamat po sa pagbisita at pagkomento sa blog ko. sana muli kang dumaan at magbigay ng munting mensahe. inadd nga po pala kita sa blogroll ko.

    Taroogs – salamat din sa pagbisita, kapatid. at sa pag-link. sana lumago agad ang blog mo 🙂

  3. Marami akong books na ganyan. yung sa Lord of the rings, pwede ba yun? hehehe. sa librong The Historian meron din. at marami pa. 🙂

    Taroogs – pwedeng-pwede yun, ice. wala sa examples ko kasi… wala akong sariling kopya ng LOTR! huhuhuhu (ang mahal kasi eh — nung hard bound version). wala naman akong matiyempuhan sa mga discount bookstores (di gaya nung Silmarillon, meron)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s