Happy Birthday, Kosovo!

Parang kailan lang nang ipinanganak ang bagong bansang East Timor. Grabe ang naging “birthing pains” ng bansang ito — ilang dekadang pagkakasakop ng brutal na rehimen ng Indonesia… ilang libong mga mamamayan na namatay… at mukhang hindi pa rin natatapos ang gulo sa kanila (kamakailan lang ay tinangkang patayin ng mga rebeldeng sundalo ang presidente ng East Timor, si Jose Ramos Horta).

Pero ang mahalaga ay bansa na sila.

Kahit mahirap pa din sila… kahit hindi pa din tunay na malaya sa impluwensiya ng mga dayuhan… kahit magulo… bansa na sila. Hindi “autonomous region“… hindi “protectorate“… Bansa.

Kahapon, February 17, 2008, ang bansang Kosovo naman ang ipinanganak matapos mag-deklara ng independence ang parliament nito mula sa Serbia.

kosovo_kids.jpg

Tulad ng East Timor, ilang dekada ding nagtiis ang mga Albanians ng Kosovo sa ilalim ng pamamahala ng mga Serbians, ang dominanteng grupo sa bansang Yugoslavia kung saan napapaloob ang Kosovo (bago nabiyak ang bansang iyon sa maraming maliliit na bansa pagkatapos ng giyera noong 1991).

At kahit halos 90% ng mga mamamayan ng Kosovo ay ethnic Albanians, hindi pa rin kinikilala ng minoryang Serbians dito ang mga karapatan ng una. Sa katunayan, ilang libong mga Kosovar Albanians ang pinatay ng mga Serbian security forces nang tangkain ng mga ito na labanan ang mga mapang-aping patakaran ng pamahalaan ng Serbia (daang-libong Kosovar Albanians naman ang naging refugee).

kosovo_ethnics.jpg

Mahihinto na kaya ang gulo sa Kosovo? Tiyak Hindi. Baka nga mas lumala pa. Ngayon pa nga lang, nagpaparamdam na ang mga makakapangyarihang bansa kung nakaninong panig sila. Malamang, “proxy war” na naman ang bagsak nito.

Nagbitiw din ng matinding salita ang kasalukuyang Punong Ministro ng Serbia, “As long as Serbs exist, Kosovo is Serbia.”

Strong words, indeed, and unmistakably draped with the threat of using violence (again) in order to keep the Serbia-Kosovo union alive.

Ang tanong, will this threat prove stronger than the will of a people to be free?

Advertisements
Happy Birthday, Kosovo!

One thought on “Happy Birthday, Kosovo!

  1. Hindi ko alam kung ako’y unpatriotic na o ewan. Sa “pagkakalaya” ng Kosovo sa mga Serbians, bagamat dadaan pa ito ng isa pang proseso (basbas o recognition) sa United Nation at tiyakang ive-veto ito ng Russia at China, ay malamang magsilbing inspirasyon sa mga kapatid nating Moro sa Mindanao na pagpursigihin pa ang pakikibaka tungo sa self-determination at ganap na kalayaan, hiwalay sa imperyalista-Manila centric na bansang Pilipinas.

    Kung nagawa ito ng mga Timorese at Kosovans, walang dahilan upang ‘di makayanan ito ng ating mga kapatid na Moro pipol. Sa’kin, kung makakabuti at magkakaroon na ng ganap na katahimikan (100 years na pakikibaka ng Moro pipol) sa Mindanao, bigyan na ng INDEPENDENCE ang ilang probinsyang may mayoryang Muslim pipol sa Mindanao.

    -Doy

    Taroogs — nadale mo, pareng doy! basta’t sila ang mayorya (hindi dahil pinagpilitan kundi dahil historical talaga) sa isang lugar, sila ang may mas malaking karapatan. kaya pabor ako sa paglaya ng east timor (na mayoryang maubere at hindi indonesians); ng irian jaya (na mayoryang papuans at hindi indonesians); ng tibet (na mayoryang tibetans at hindi tsino); ng iba’t-ibang mga central asian republics ng dating USSR (na kaunti lang naman talaga ang mga nakatirang ruso). sa mindanao, kapag mayorya ang mga kapatid nating muslim sa isang lugar, pwede!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s