Ishbeyrihard to be Green in da Pilipeen :-(

Matagal ko na ring napagmuni-munihan itong bagay na ito — kung paano nga ba maging isang effective (emphasis on the ‘effective’) na environmentalist dito sa ating bansa — and I have come to the unfortunate conclusion na, as things stand, “environmentalism” in the Philippines is definitely still a waste of time 😦

O teka… teka… bago ninyo ako hatawin ng isang bag ng recyclable basura e patapusin muna ninyo ako. What I meant was… para sa akin, ang pagpupumilit KO na maging isang “environmentalist” ay pagsasayang lamang sa effort at oras KO.

Ayan ha… hindi ko dinadamay yung effort at oras ng iba. Yung akin lang ang sinasabi kong nasayang. Klaro yun.

At hindi ko din minamaliit yung mga nagawa na, mga kasalukuyang ginagawa, at mga pinaplano pang gawin ng mga Pinoy environmentalists. Nakaka-bilib pa din sila. At nakaka-inspire pa din naman… to a point.

Oh well… feeling ko lang kasi, napaka-useless ng pagse-segregate ng basura sa bahay kung sa iisang tambakan lang naman ito ibabagsak ng mga dumptruck… at dahil kakalkalin ito ng mga namamasura doon e maghahalo-halo din sa huli yung basurang pinaghirapan mong i-segregate 😦

basura.jpg

Anukayayun?! Parang lokohan na lang kasi ang nangyayari sa waste-management service ng gubyerno.

Ayaw na ayaw ko pa namang naloloko ako.

Lokohan na nga ang siste ng pulitika natin, pati ba naman ang waste management lokohan din?!

Advertisements
Ishbeyrihard to be Green in da Pilipeen :-(

6 thoughts on “Ishbeyrihard to be Green in da Pilipeen :-(

  1. I found your site on google blog search and read a few of your other posts. Keep up the good work. Just added your RSS feed to my feed reader. Look forward to reading more from you.

    – Sue.

  2. Jae ay nagsasabing:

    hi arnold! sayang lang ang efforts kung magrerely tayo sa initiatives ng pamahalaan. totoo naman na mas malaki talaga ang impact kung centralized at national ang waste segregation system. pero may maliit na initiatives din naman na pwede tayo makibahagi. halimbawa, may mga private entities o di kaya mga NGO na nagpapatakbo ng sariling recycling centers. pwede dalhin sa kanila yung mga boteng luma, or mga scraps ng papel. at seryoso naman nila itong nirerecycle.

    may ibang local government units din na seryosong pinapatupad ang paghihiwalay ng basura at may pinaglalaanan ang mga organic waste (compost) at non-organic waste.

    or kahit sa sarili nating bahay, ireuse muna natin ang supot bago itapon na sa basura. or wag na humingi ng supot sa supermarkets at magdala ng reusable bag. at least kahit paano mababawasan ang nakakalat na basura na nakakabara ng ating mga estero.

    mahirap lang ang across-the-board statement na walang patutunguhan ang pagiging environmentalist sa pilipinas. πŸ™‚

    Taroogs – kaso nga, jae, i feel i’ve been doing these small things for so long already — segregating garbage, returning cellfone batteries to reputable recyclers, avoiding plastics and styrofoam whenever possible, replacing all incandescents with fluorescents, even buying a katsa shopping bag — pero overwhelming pa din yung “unrecycling” na nagaganap sa lipunan. tipong “1 step forward, 5,000 steps backward” palagi. i’ve temporarily lost faith, that’s all… in politics and in small-scale, state-unsupported “environmentalism.” of course it makes people “feel” good, when they do it, pero it doesn’t work for me na 😦 my attitude, for now is… “sige, mamatay na tayong lahat!” (happy valentines pala) πŸ™‚

  3. ahehe… oo nga p’re. kakainis. pagkatapos mong paghiwalay-hiwalayin e, pagsasama-samahin ule? anubayan!

    nag-ikot-ikot lang. hapi valentines

    Taroogs – di ba, bok? kung may garantiya lang sana na matinong mare-recycle yung sinegregate mo na basura e di ok… happy valentines din sa iyong hamster army πŸ™‚

  4. oo, katunayan amoy na amoy ko pa rin yung nakakasulasok na amoy sa lugar namin sa tundo…dito sa Canada istrikto..iba ang kumukha ng mga recycle na plastik at papel sa kumukuha ng mga nabubulok na basura..tatanong ko pa lang sa mama kung saan nila tinatapon yung mga nabubulok na basura nila. Sa Singapore kasi sa Malaysia yata o sa Indonesia nila tinatapon yung mga basura nila e ..sosyal overseas lol!!!

    Taroogs — hehe.. dito naman sa atin, very soon, itatambak na yung mga basura ng Hapon, salamat sa JPEPA at sa mga pulitikong pumirma dito 😦

  5. koreanmine ay nagsasabing:

    yung greenminded ( sa kabulastugan πŸ˜€ ), yun lang ang green na pinaka madaling gawing green sa pilipins

    hmmnn.. taroogs, pag may naisip ka nga kahit isa na epektibong naipapatupad na magandang sistema d2 sa atin ay paki remind mu ako, kc ala ako maisip.. pls. lang, pampa taas ng morale ‘ baga…

    Taroogs – hehehe. ang naiisip ko lang na govt policy na efficiently nai-implement e yung taxation sa mahihirap (hindi sa mayayaman ha)… malupit kasi yung EVAT… automatic tax sa mga bilihin! walang takas… habang yung mga bilyonaryo, hindi masingil-singil ng tamang buwis 😦

  6. koreanmine ay nagsasabing:

    hmp! ayaw ko yan! sabi ko pampataas ng morale eh! pampataas ng BP yang ni remind mu saken! kamukat b nmng pati bilihin ko sa mercury eh may vat! eh ang maintenance ng dadi q na na bypass eh hayyss..

    ..sabagay epektib nga yan EVAT, kc naipatalo nyan c Ralph Recto πŸ˜€

    .. ung positive taroogs! (demandy moore ba? πŸ˜€ )

    Taroogs – ang hirap ng request mo, miss mine… wala akong maisip talaga… may mga akala mo ay magandang project (pero kung sisilipin e pinagkakitaan din ng sobra-sobra 😦 )

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s