Xmas Party Overdose!

Panahon na naman ng mga magka-kasunod na office Christmas parties!

Sa mga weight-conscious, yari na naman ang diyeta! (buti na lang at hindi ako kasama sa grupong ito. hehee…) Sa mga mahilig uminom, bugbog na naman ang mga atay! Dito sa kategoryang ito ako kabilang. 😦

A simple Binge Drinker during ordinary months, I magically transform into a “Lagare Drinker” in December. Yan po ang “powers” ko… walang-kwenta. hehehe…

So, ilang Christmas at Birthday parties na so far sa week na ito? 4. Pero dalawa lang ang napuntahan ko… sayang. Magkakasabay kasi ang schedules! Sana may “Office Parties Coordinator” among NGOs.

Haaay… sana dalawa ang atay ko…

Pero mamayang gabi ang Christmas Party na Pamatay! Office Party na namin! Wohoo!!! 🙂

Pero pagkatapos nitong gabing ito, promise… moratorium muna ako sa office parties. Unless pilitin ako, ha? Or may kasabay na ngiti ang imbitasyon… then GO uli! Pero saka na muna yan… 2 hours to go na lang… and counting…

Dear Atay, humanda ka! Marami kang ipo-process na alkohol at kolesterol mamaya.

Dear Lalamunan, galingan mo! Naka-pila na ang mga kanta ko sa bidyoke!

taroogs_bidyoke.jpg

Dear Bituka, steady ka lang… relax… tanggapin mo lang ng tanggapin ang lahat ng papasok… tutal naman, pag di mo na masyadong feel ang nararamdaman mo e madali lang gawan ng paraan! hehehe

Advertisements
Xmas Party Overdose!

12 thoughts on “Xmas Party Overdose!

  1. Wahaha! Ayos! Basta ‘wag mo lang kantahin yung “My way”, nakamamatay daw yun eh! 🙂
    Enjoy sa Christmas party niyo pareng taroogs!!

    Taroogs
    – salamat, pareng kiks… sana enjoy din parties ninyo jan. Di “my way” ang binirit ko… as always, yung paborito kong kanta!

  2. Haha. Tama si kiko. walang may way para masaya. Kailangang sigurong i tune-up muna ang atay boss taroogs. 🙂

    Taroogs – honga, ice. kaya nung umaga pa lang e suma-shot na ko 🙂 para gradual ang tama. hehehe

  3. koreanmine ay nagsasabing:

    hakala ko kalbo ang taroogs 😀 di na pala ngayon? 😀
    minsan lang daw libre yan sa isang taon kaya asikasuhin dpt maigi ang mga atay hehehe

    Taroogs – sabi nga nila, mine, tuso man daw ang matsing… tinutubuan pa din (ng buhok). hehe.. anlabo 😦 pero old piktyur na po yan (circa 2005)… di pa umpisa party nung nag-post ko

  4. Jovi ay nagsasabing:

    Yeah! Party On! Excellent! I love the pic! Paghawak pa lang sa mikropono, professional singer na ang dating! 😛

    Taroogs – yan daw yung paraan para magkaron ng “kulot” yung boses — kulutin din yung kurdon ng mike! hehehe 🙂

  5. angel ay nagsasabing:

    huwaw!! ge lang.. enjoy.. at pagkatapos ng pasko, sa new year naman!! lol! 😀

    Taroogs – mahirap lang kung ang pumutok sa New Year e ugat sa batok… aruuuy 🙂

  6. mukhang galit ka sa pic mo kuya ah ahehe sana nag-enjoy ka nga at sana ok pa atay and other internal organs mo wahehe ako din overdosed na pero wat da hell, minsan lang nagpapasko sa isang taon hahah

    Taroogs – sakto sa pagsabit sa birit ko nang ma-kodakan. hehehe

  7. taroogs piktyur mo pala yan? anlusog mo pala? 😛 at hanep sa ‘goatee’ — inggit ako!
    huwag mo problemahin yung ATAY, pards… hindi mo ba alam na ‘tumutubo’ yan? atay lang yata ang internal organ natin na nagre-regenerate. 🙂
    nabanggit ko yung ‘goatee’… p’re masarap na pulutan yung kambing. aphrodisiac pa! 😛

    Taroogs
    – di nga? nagre-regenerate ang atay? patay! mas na-engganyo tuloy akong tumoma for ever 🙂 buhay pa yang “goatee” ko na yan… pinapastol ng anak ko sa bakuran…

  8. kengkay ay nagsasabing:

    wahahaha, feel na feel ang partihan. kami cancel muna lahat ng party until maging tunay na healthy na kaming lahat.

    Taroogs – uy… good philosophy! matindi ang demand na self-control pero maganda kung matuloy 🙂 gudlak po, mareng kengks!

  9. …at least tulungan nating yumaman lalo ang mga pagawaan ng mga gamot na liveraide at lipitor sa kahit sa mga ganitong okasyon lang!:p
    …shot na!!

    Taroogs – sabi nga ng tiyuhing kong si Mang Gurnakh… “pag may tama ang atay… malamang minana mo ang genes ng iyong itay! o.. shot mo nah!

  10. Inuman pa waahhhh gusto ko na rin malasing minus the hangover hehehe

    Taroogs – minsan pangarap ko ding umubos ng isang litson pero hindi tataasan ng presyon… hehe 🙂

  11. hehe ang alam ko pre nagre-regenerate ang atay pag inoperahan at binawasan. pero yun nalunod sa bir ewan ko lang. tanong mo rin sa iba kasi mahirap din ang hindi tumoma maski kunti lang. kung wala nga lang akong vertigo e. 😆

    yang goatee, nagpatubo din ako nyan pero inahit ko tebigots ko. napagkamalan akong muslim. ma’no ba? mas matitino pa nga yata ang mga muslim e… 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s