Adik ba tayo sa pagbe-break ng World Records?

Nagtataka lang naman ako… may informal movement ba sa Pinas na naglalayong i-break ang lahat ng pwedeng i-break na Guinness World Record?

guinness_world_records.jpg

Nung makalawa lang kasi, nabasa ko yung tungkol sa world’s largest flags (ng Israel at Pilipinas… na sobrang incongruent kung titingnan na magkatabi) na tinahi daw ng isang Pinay.Kanina, may attempt ang Pampanga ng magluto ng world’s largest Bringhe (tradisyunal na pagkain sa rehiyong iyon. Teka… may bringhe rin ba sa ibang bansa?)

Kamakailan, merong attempt sina Dina Bonnevie na world’s biggest group dancing (nasa commercial pa nga ito ng gatas e)

Nagkaroon ng Lovapalooza (world’s largest simultaneous kissing)

Nagkaroon din tayo ng world’s largest leather shoes (na naka-display sa Marikina ngayon)

Meron tayong world’s largest salad (sa La Trinidad, Benguet), world’s longest longganisa, longest barbecue, longest linya ng mga hinugasang pinggan (nasa commercial pa ni Bitoy ito), pinakamaraming nakain na sili, pinakamabilis bumalat ng niyog gamit ang ngipin… etc… etc…

What does this apparent trend tell us? Is it a symptom of something?

May pagkukulang ba tayong pinupunuan… o wala lang?

Advertisements
Adik ba tayo sa pagbe-break ng World Records?

9 thoughts on “Adik ba tayo sa pagbe-break ng World Records?

  1. ris ay nagsasabing:

    tingin ko symptom yan ng pagiging competitive ng mga pinoy. pansin ko lang, kahit na gaano tayo kabait, pero kung macha-challenge ng ibang tao (meaning lahi or nation), our being ‘territorial’ kicks in. we just want to be proud of ourselves, kahit simple lang tayo. 🙂 pwede na ba yung explanation?

    hi pala!

    Taroogs – Pwedeng-pwede, ris 🙂 hi din. hehehe

  2. oo. gusto lang ipakita natin na kahit 3rd world tayo (waaaah!), kaya natin maging the largest, longest, biggest at lahat ng may est hahah. pero ano ba nagagawa ng mga yan sa ating bansa? hmm..

    Taroogs – yun ang tanong, lilmiz… maybe it makes us forget for while those things that we want to forget (for a while) 🙂

  3. Sana lang huwag sumali sa Guiness World Record yung namamasyal sa europa ngayon bilang pinakamatagal na nakaupong pangulo diyan. Yari ang last entry mo bago ito! Haha!

    Taroogs – at pwede ring sumali yung mga kasama niya… meron bang category na “World’s Largest Junket Contingent“? 🙂

  4. ksp lang siguro.. but at least we’re trying =)…

    Taroogs – baka nga… pero some will say na “misdirected” yung efforts expended for such things 😦 salamat po pala sa bisita. asteeg ang blog mo! at asteeg si Gaw! 🙂

  5. angel ay nagsasabing:

    pinoy pa magpatalo? Syempre hindi noh.. Kahit ano pang rekord iyan!

    Taroogs
    – Amen, angel 🙂 ika nga ng nasira kong tiyuhin na si Mang Gurnakh… “bring it on, bebeh!

  6. pansin ko lang mas marami palakihan at pahabaan a? hehe.

    me napanuod naman ako padamihan at pabilisan ng malulunok na buong hotdog!? sila na lang …impatso abutin nila nun!

    hehe… tama din yun sabi ni Koreanmine — paramihan ng corrupt officials! 😆

    Taroogs – hapones yata yung nag-champion sa paramihan ng mati-chicha na hotdog. ang malupet e yung pranses na kumakain ng kotse! hehehe

  7. balatucan ay nagsasabing:

    taroogs,

    Ala na kasing magawa itong walang kwentang gobyerno natin. Tingnan mo, palagi tayo number one in terms of corruption kaya siguor naisipan ng mga nasa Malakanyang na babawiin yon sa pag break ng mga records sa Guiness.

    Diversionary tactic na naman.

    Taroogs
    – hmmm. good theory! 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s