Mahna-Mahna (too-toot-too-roo-root)

Minsan, mahirap talagang ipaliwanag kung bakit adik-na-adik ka sa isang bagay. Lalu na kung ang bagay na yon ay dapat hindi mo na pinapansin o pinagkakaabalahan pa ng masyado dahil… matanda ka na!

Pero ewan ko ba.

Ito halimbawang mga DVD ng cartoons at anime… palagi akong bumibili (shempre pirated) para sa anak ko kasi mahilig naman talaga siyang manood ng mga ito. Pero sa totoo lang, mas marami akong binibiling DVD ng cartoons na PARA SA AKIN!

Tingnan ang ebidensiya…

Cartoons na type ng anak ko: Barbie (Fairytopia, Mermadia, at iba pang mga “ia”), Barnie, Blue’s Clues, Winnie the Pooh, Sesame Street.

Cartoons na type naming dalawa pareho: The Muppet Show.

Cartoons na ambivalent ang lahat, pati anak ko: The Cat Returns, Grave of the Fireflies, Millennium Actress, My Neighbor Totoro.

Cartoons na ako lang ang may type (Bawal na sa anak ko, isinusumpa pa ng asawa ko): Samurai X, Akira, Ghost in the Shell 1 and 2, Mononoke Hime, Howl’s Moving Castle, Steam Boy, Vampire Hunter D, Appleseed, Devilman, Final Fantasy The Movie, Animatrix, Hell Boy, Spirited Away.

Kaya bilang pagbigay-pugay sa kaisa-isang cartoons na kapwa naming type ng anak ko, heto ang isang clip na palaging nagpapatawa sa amin…

Advertisements
Mahna-Mahna (too-toot-too-roo-root)

16 thoughts on “Mahna-Mahna (too-toot-too-roo-root)

  1. uy paborito ko tong kantang ito… astig si mana mana…

    Taroogs – ang gusto ko ngang hanapin, pareng def, e yung kantang ini-spoof nito — “Phenomena” title nun, kung di ako nagkakamali 🙂

  2. Very memorable sa akin yang mana-mana na yan kasi yan ang pinapanood kong palabas nung araw na nasunog yung bahay namin noon! Hehe!

    Taroogs
    – nakow… sorry po, pareng kiko, at nabalik yung sad memory na yun 😦

  3. koreanmine ay nagsasabing:

    awww feeling ko u cn nver rili b 2 old 4 car2ns.. . dahil aq man, nagkukulek dun ng cartoons 4 myself (empre pirata din 😀 )ol tym fave ko ang Bugs Bunny, 3p na 3p q pag nag imit8 na xa ska op kors, Popeye.. khit hanggang ngaun, di aq nagsasawa panoorin mga oldies episodes 😀 ..hmn.. pero Batang Batibot ako eh:D sa anak q na lng aq nkapanood Sesame Street 😀

    Taroogs – trip ko din ang mga nabanggit mo, mine, kaso yung inilista ko lang e yung mga meron akong kopya sa DVD. hindi na ako umabot sa Batibot kasi medyo HS na yata ako nun nung una siyang lumabas. hehehe… sesame street, electric company, voltes 5, mazinger z, daimos, balatak, gig the iron robot(?), grendaizer, atbp ang mga mainstays ko noon 🙂

  4. sabihin mo sa akin pareng taroogs pag me kumontra sa pagkahilig mo sa cartoons! ako nga the simpsons at spongebob eh…

    how commercial! ampft!

    (although mas madalas kong napapanood yung spongebob at fairly oddparents nickelodeon eh) 😀

    Taroogs – wala pa namang kumokontra, miss lenggai. nagkakainitan lang kami sa agawan sa remote. hehehe

  5. bursky ay nagsasabing:

    napadaan lang.

    hey! may mp3 ako niyan! haha… kaaliw nga ito.

    Taroogs – salamat sa dalaw, bursky, mp3 nung mana-mana o nung phenomena? 🙂

  6. hehe yang kanta pamilyar sakin pero indi ko alam na “me kartuns” pala yang mana-mana na yan… nasan kaya ko nung ipalabas yan? nampocha ala akong naintindihan sa kanta pero ako na lang ay natawa ahaha. nubayang mga pink na yan? cows ba yan o minatahan at sinungayang torotot lang? ahehe. ngayun lang ako kakita ng papet na ganyan.

    yung batibot inabot ko yun — yun nga ang case study ko nuong nagde-Devcom ako (thesis? ayuku ng maalala yun! ahehe). kasesekwester lang nuon ng MHS ni imeldific 😆 pero atlis natuto akong gumawa ng papetsho para sa mga bata??? 😆

    Taroogs – bok, yung caveman yata si “mana mana” at yung dalawang pink e mga “too-too-tooroo-roots” hehehe… anong taon ba nagsimula yung batibot?

  7. kengkay ay nagsasabing:

    hang galing ni mana mana… ibig sabihin meron kang baby girl kasi barbie e.. hay ganyan din dito sa bahay ano. ako di masyado mahilig sa DVD at sa TV e.. kahit nga sine huling panood ko 2001 pa, waaaahhh.

    Taroogs – true, bebegurl na 3 1/2 years old. dito naman, walang choice kundi dvds kasi sobra na mahal sine now 😦

  8. ang gandang themesong nito ahh! hehehe… ako mahilig din ng cartoons lalo na si spongebob. dito naku laging nasa childrens network ang tv, buti na lang maagang natutulog mga pamangkin ko at nasosolo ko din ang telebisyon. 😀

    Taroogs – hehehe… buti na lang at napapagod din sila ano? problema lang e kung mas mauna tayong mapagod 🙂

  9. ngeks e saan mo naman nakita yung nalen..parang kilala mo ha ” e ikaw pala si nalen.” lol!

    Taroogs – kli-nick ko po yung link sa last comment mo sa taas… napunta sa friendster blog ni “Nalen”… so ikaw nga siya, di ba? 🙂

  10. bumalik ako kasi sarap panoorin ulit yung video. pati misis ko natatawa. hehe

    oo nga. maski sa Batibot me dalawang alien creatures din na parang ganyan — si “Sitsiritsit” at “Alibangbang” mula sa planetang “Salaginto-Salagubang”. 😆

    actually nag-start yan as “Sesame” nung Dec 1983, isang project under MHS. naging “Batibot” nung Feb 1985. after one year, the EDSA revolution! (yeheey!) tumagilid ang pag-asa kong grumadweyt kasi kala ko magpapalit pa ako ng thesis e overstay na ko sa LB. ahehe. pero natapos naman kasi ang Batibot nagpatuloy lang thru other funding. nakagraduate din ako on my 13th semester. 😆 nagkwento pa ako nabisto tuloy ang edad ko… hehehe

    Taroogs – nasa hayskul na pala ako nung lumabas siya… kaya pala di ko na siya na-internalize ng ganun katindi. pero napapanood ko din naman paminsan-minsan… natuwa nga ako nung nag-reunion yung original cast ng batibot (minus the costumes) this year (fineature ng isang tv show)… ganun pa rin hitsura ni kuya bodjie… at si ate sienna… erm, iba na hitsura 🙂

  11. taroogs!! eto daw ang orig according to wikipedia

    http://en.wikipedia.org/wiki/Mah_N%C3%A0_Mah_N%C3%A0

    http://www.flurl.com/item/Manahmanah_u_237794
    mas gusto ko na tong orig kesa sa muppets dahil sa bebot.. awooooooooooooo

    Taroogs
    – panalo! asteeg ka, pareng def at nahanap mo ito. buong akala ko kasi based sa lumang awiting “Phenomena” itong “Mana Mana”… i sit corrected (masakit paa ko to stand). at masaya nga yung video nung orig ano?

  12. koreanmine ay nagsasabing:

    wahehe, batang batibot nga…

    uu korek. si sitsiritsit at alibangbang nga yun. eh yung “chiwariwariwap” di b meron nun? 😀

    …” pagmulat ng mata, langit nakatawa ..mag batibot”…..

    Taroogs – aha! napaghahalata ang mga edad natin ah… hehehee 🙂

  13. ahaha… huli ka, ‘mine’! inabot mo pala Batibot ha? sige tuloy mo ang kanta… 😛 …ilang taon ka kaya nun?

    pero koreksyon: “Chuwariwariwap” ang ispeling nun ahehe. tatlo silang lahat — parang ‘sekon voice’ ni Irma Daldal. bukod sa kanila at kay Sitsiritsit at Alibangbang, ang iba pang PAPETS ay sina Manang Bola, Tikyu, Ningning at Gingging, Direk, Donya Novoriche viuda de Echeveri, Sultan Parachibum, Totoy Bato, at Ibong Tiririt.

    pero ang pinakabida syempre ay si Pong Pagong at Kiko Matsing (kapangalan ng isang blogger). personal kong nakadaupang palad ang mga iyan ahehe. 😆

    ‘nubayan… dito pa tayo “nag-APIR-an” sa teritoryo ni pareng Taroogs! sensya na p’re… hehehe

    Taroogs – hanep… kilala mo silang lahat? hehehe… siguro Papet ka din dati ano? totoo ba yung chismis na kaya biglang nawala si Pong Pagong e na-revoke yung working visa niya (US Citizen pala si Pong?). walang problema kung dito mag-chikahan ang mga katulad ninyo ni Mine na mahilig mag-batibot.

    SNP (ito ang tagalog na BTW), nabasa mo ba yung comment ni pareng defpotec sa itaas? naungkat niya ang origins ng “Mahna Mahna” (at “The Snowths” pala tawag dun sa dalawang pink chuwariwappers niya)

  14. koreanmine ay nagsasabing:

    taroogs :)) bat nmn mine na mahilig mag batibot :)) kumpletohin mo sentence, mahilig manood ng batibot :p
    pero c homebodyhubby (HBH na lang, haba ng name :-s) di nya gets kanta ko hehe
    alamid version yun :p bat ikaw gets mo.hmmnnnn.. nyahaha

  15. hehehe huwag mo ako i-dare, mine… saulado ko kanta na yan! 😛

    gusto mo makarinig ng tumataginting na boses ni lukyiano pagaroti? 😆

    sige p’reng taroogs… basta papets, maski hanggang north pole puntahan ko yang mga isnoweths na yan… thanks p’reng def 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s