Blogorrhea #2 (Si Mang Tony)

Haaay… sumulat uli sa akin ang nasira kong tiyuhin na si Mang Gurnakh… siguro na-miss ako bigla. O baka nabalitaan lang niya na kagagaling ko lang sa sakit kaya nananakot na naman. Heniwey, heto yung kwento niya sakin:

taong-grasa07-uploaded.jpg

Mang Tony “Catatonic” Canuplin

“Dear tutoy… minsan mahirap ipaliwanag kung ano talaga ang nagtutulak sa isang akala nating normal na tao upang maging Taong-Grasa. Tingnan mo ‘tong barkada kong si Mang Tony… matagal na siyang naglilingkod bilang kargador ng sopdrinks sa isang maliit na groseri sa Japan… sa trabahong ito na siya tumanda… nagsimula siya sa edad 14 kung saan case-case na Coke Solo ang isinasalansan niya sa kanyang kariton… at ngayong 46 na siya ay Coke Litro na ang asaynment niya.

Pero isang araw, bigla na lang niyang naisip na yakapin na ng tuluyan ang bokasyon na pagiging isang Taong-Grasa… kaya isa-isa niyang nilagok ang mga Coke Litro na naka-karga sa kanyang kariton… at nang maubos ang huling bote (mahigit 50 bote ang tinira ng powtah) ay dumighay siya ng pagkalakas-lakas sabay higa…

Buhay pa si Mang Tony, tutoy… pero kita naman natin sa ngiti niya na kuntento na siyang manatili sa posisyong ito habang-buhay. ‘Pak da isnow!’ hirit niya bago ipinikit ang mga mata…

Kaya ikaw tutoy… bawas-bawasan mo hilig mo sa kokdrinks! Ikaw din… masagwa tingnan ang Taong-Grasa na OBESE!

Nagmamahal,

Gurnakh

Pagkatapos basahin ang liham niya, napaisip tuloy ako… Lord… kelan n’yo po ba talaga kukunin ang Tiyo Gurnakh ko? 🙂

Advertisements
Blogorrhea #2 (Si Mang Tony)

10 thoughts on “Blogorrhea #2 (Si Mang Tony)

  1. hahah ansama mo.. pero may point sya, masagwa nga naman talaga tingnan ang taong-grasa na obese ahaha so magpapayat ka muna before ka magpakataong-grasa? 😀 hahaha joke 🙂

    Taroogs – ewan ko ba kay Tiyo Gurnakh… laging ang katabaan ko ang pinupuntirya… palibhasa siya, yatpadoodles 🙂 di ka na pasaway, lilmiz?

  2. miss ko na ang taong grasa kolektib hehehe di na nakabangon ang ating kapatiran pagkatapos ng mapait na kampanya hehehe at dahil 1 na lang ang ating kongresista at iniipit pa ang pondo baka tuluyang di maisakatuparan ang proyekto nating “grasa refilling station” sa bawat barangay. tsk tsk tsk.

    Taroogs – panyero, totoo ka dyan… ako din miss ko na yung taong-grasa republic natin… kaso di ko na maalala yung password ko… at yung supremo de grasa natin e nangibang-basurahan na 😦

  3. Bonn ay nagsasabing:

    Okay ang pics na ito ah, pero mukha namang paalala para sa iyo talaga ang tunay na mensahe ng entry na ito kaya ingat din, bawas-bawasan na ang kokdrinks; at mukhang kailangan ko pa ng mga (corny?) mong jokes kung magtatagal pa ako rito sa ibang bansa!

    Gusto ko rin kumuha ng mga litrato ng mga tao, nakakahiya nga lang, pero mabuti bulagta itong si Mang Tony kundi nadighayan ka niya ng kokdrinks na kumain na rin sa kanyang buto-buto at kalamnan, hehe!

    Taroogs – asteeg nga itong si Tiyo Gurnakh ko e… nagpaparamdam lang kapag kailangan. di pa nangungutang! hehehe

  4. ako muntik na ring maging taong grasa dahil sa kulang na singkwenta sentimos na pamasahe tsk tsk tsk tsk!!!

    Taroogs – aruuujoskoh! sinkwenta sentimos sana ang naging dahilan ng iyong pagtawid sa “dark-side”? hehe…

  5. ahehe inde na po. new life na, mabait na ako nyahahaha asa.. speaking of taong grasa, meron dati girl na naligo dun sa fountain ng manila pen, as in hubo’t hubad sya.. di ko nakita pero sabi nila maganda pa naman sana yung girl, sayang daw kasi baliw hehe.. baka maging ganun ka din, yaiks! wag naman sana! haha 😛

    Taroogs – mukhang mahirap ma-imagine, lilmiz, na magiging seksi ako balang araw…hehehe

  6. angel ay nagsasabing:

    hahah.. parehas din yan na masagwa tingnan ang mga batang namamalimos na ehem! Chubby! hahah 😀

    Taroogs – hehe… baka nagmamanas lang kaya mapintog ang pangangatawan 🙂

  7. Hahaha! Buti na lang di ako mahilig sa sopdrinks. Sarap ng higa ni Mang Tony, parang gusto kong tabihan… 😀

    @ Manilenya – parang alam ko yang kwento nyan ahh, hehe.

    Taroogs – naku, Misyel, don’t disturb da Mang Tony… baka dumighay uli at matauhan 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s