Tatlong Dekada ng Taroogs

Kung paisa-isa ko lang sana tiningnan ang mga litratong ito ay ‘di ko na sana sila masyadong binigyan ng pansin… what’s so extra-special about group photos anyway, right? Tayo pa, e ang hihilig natin saKodak moments“… tiyak, katulad ko, andami din ninyong mga kuhang gaya nito.

But, when one adds the dimension of time to the equation… plus the luxury of hindsight aba, ibang usapan na yan!

Suddenly, the memories that were frozen into these photos immediately thawed and leapt right at me, bitch-slapping me back to the day (or night) these were taken 🙂

1986: 4th Year Class Picture. 16 yrs. old pa lang ako at certified virgin pa (sa ilong. hehehe). Medyo relihiyoso dulot ng 13 taong pag-aral sa iba’t-ibang mga Catholic Schools sa Legaspi (St. Agnes), Naga (St. Joseph), at Paranyake (Manresa). Very idealistic at tuwang-tuwa dahil nakapasa sa UPCAT (haay… kung alam mo lang, Taroogs, sana nag La Salle ka na lang… JOKE!)

yr4diamond-with-arrow.jpg

1996: Office picture with the NGO I ended up working with for 13 years: PEPE. 26 yrs. old na ako pero medyo payat pa rin… kasi payat din ang sahod namin. Pero libre byahe naman kaya bawi-bawi na din. Plus, lifetime friendships and kinships were established during this stage of my life. Oo, na-inlababo din ako sa wakas! Hulaan ninyo kung sino sa mga ito… sirit? Sa cameraman 🙂

da-man.jpg

2006: Group picture during the 8th Anniversary party of Akbayan. Sa UP Bonsai Garden ito ginawa kaya mukhang malalaking tao kaming lahat… 36 yrs. old na ako pero hindi naman halata (mukhang 38 na daw kasi ako sabi ng ilan jan). 🙂 Isang rule of thumb when it comes to Akbayan group photos… generally, mas malalaki ang ngiti nung mga nakadami na ng nainom! Hehehehe…

8th_anniversary-with-arrow.jpg

So anyway, how did this impromptu “photo-reminiscing” benefit yours truly, you ask? Well, the evidence presented by the three photos proved to me, beyond all reasonable doubt, the truism I’ve suspected for so long… Na sa kahit anong group piktyur, hindi ngingiti si Taroogs kung hindi nakainom 🙂

Advertisements
Tatlong Dekada ng Taroogs

12 thoughts on “Tatlong Dekada ng Taroogs

  1. MARU ay nagsasabing:

    amp! may hawak na inumin pa rin. ang laking mama mo pala at hindi ka naman talaga mukhang selpon snatcher a. hehehe!

    uyyy! kita ko si langga selvo sa pic.

    Taroogs – shempers naman, miss maru, dapat laging may hawak na alak kapag may group piktyur. para merong popokusan yung cameraman (na mas lasing pa sa amin)! wehehehehe…. aba honga no! andun pala si panyerong selvo! kala ko artista…

  2. galing na mata ni langga maru nyahaha… ako di ako naka inom jan ha di tulad ng may-ari ng blog :)) panyero pogi mo pala

    Taroogs – yun o! you da man, panyero… kahit sa post ko, ikaw pa din sikat! taragis talaga oo…. hehehehe

  3. Jovi ay nagsasabing:

    Pareng Taroogs, hanep sa ngiti dun sa last pic ah. Parang YM emoticon. Ay! kita ko rin si Selvo! Mas maliit ang ngiti. Di pa ata lasing…

    Taroogs
    – sis jovi, sino ba naman ang hindi mapapalakas ang ngiti ganung merong puting arrow na naka-tutok sa bumbunan koh?! hekhekhek…

  4. wahahaha pareng taroogs! anu ba yan may hawak na redhorse! 😀 nakakatuwa talaga makita ang mga old pics. ang sarap balik-balikan nung payat pa tayo lols! nice pics parekoy!

    Taroogs – salamat, pareng AZRAEL, minsan nga hindi pa din ako makapaniwala na payat ako dati. hehehehe… hindi lang siguro halata kasi madilim, pero hindi red horse yung tangan ko… blandy grass… este, grass of blandy yun! anong bland ng blandy? shemple… fundadog! 🙂

  5. kengkay ay nagsasabing:

    hampogi… tabi tabi pala ako at baka matapakan mo ako, hehehehe. kita ko rin si selvi dir, yuhooo

    Taroogs – aba, puri sabay banat?! hehehe… panyero, yuhuu daw sabi ni miss kengks 🙂

  6. Laking mama mo pala, hehe.. Ang kyut umismayl, bakit ako pagnakainom ang sagwa sa pic? 😀

    Taroogs – ay, di po, miss misyel… maliit lang talaga mga katabi ko. hehehe… dapat kasi papainumin din ninyo yung cameraman 🙂

  7. Bonn ay nagsasabing:

    Long hair ka pala, hahaha! Wala bang CAT noong hiskul ka?

    Wala ka na pala sa kalendaryo. Hindi bale nasa lotto ka pa rin. 😀

    Taroogs – wavy hair lang, bonn. di ko mahanap yung pix ko nung longhair pa ko… may CAT pero sa officers lang medyo mahigpit sa hairdo… sa mga asungot, ok na yung 2×3 🙂

  8. tama ka p’re, sana nag-La Salle ka na lang hehe… o kaya Ateneo? (joke).
    napasilip lang. nakyuryus sa 3 dekada. oks yang piktyurs mo, nakaka-nostalgia. lalo na yung B&W? neks post maglalagay rin ako. 😛

    Taroogs – asteeg. abangan ko post mo kung ganun! in fairness, joke lang talaga yun… dami kong ka-batch na nag-La Salle (malapit kasi sa Paranyake)… may ilang kamag-anak naman ang nag-Ateneo

  9. ganda naman ng alyas mo pe taroogs. hehhe eniwey, tol anong ngo yung PEPE?

    tenks. add kita, kas.

    Taroogs – teynks, bok. PEPE (Popular Education for People’s Empowerment)… nakalimutan kong ilagay yung link. nasa taas na 🙂

  10. PEPE? may kinalaman pa yan sa reproductive health? hehehe jowk lang panyero can’t resist the pun 😛

    Taroogs – aha! kaya pala tahimik kang humahagikhik habang nagta-type sa laptop mo kanina! 🙂

  11. Jae ay nagsasabing:

    yikes, ang payat ko pa nun. and that was only two years ago.

    pasensya ka na noldie, self-centered ako. sarili ko lang tiningnan ko hehehe.

    Taroogs – itchokey, jae… alam ko namang ikaw ang center ng focus nung camera e. hehehe…

  12. Alam mo, pramis, nagkita na tayo noon… baka sa isa sa mga rallies, nainterbyu kita. hehe.

    Putek. Parang napapa-rebyu ako sa mga lumang litrato ko ah, hehehe! 😉

    Taroogs – trulili? hmmm… san kaya? kelan? ano suot mo? hehehe….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s