My Jurassic Workstation at home (got Tagged kasi)

100_3469.jpg

Ayan po siya… my “workhorse extraordinaire.”

I know what you’re thinking — “it doesn’t look like a workstation that anyone can brag about” at tama kayo dun! Hehehe.

Medyo nakakahiya nga siyang ipakita. Pero dahil na-tag ako ni Chuckie, at dahil naniniwala ako saKarma of Taggingay wala akong choice kundi i-share siya sa lahat (hinay-hinay lang sa panlalait ha?)

Let me tell you something about what this (note: wala siyang pet name) is, and what it can do (yes… it CAN do something naman).

AMD Duron 850 Mhz chip siya with 256 Mb RAM kaya medyo may kabaaaagaaalaaaan talaga. Tipong pagdating ko sa bahay… io-on ko siya… tapos magbibihis muna ako… magiinit ng tubig… titimpla ng kape… uupo uli sa tapat ng computer… tapos saka pa lang siya matatapos mag-boot! (Note the bottles of deodorant near the keyboard. I sometimes use it as a dressing table kasi.)

Wala siyang Internet connection (wala kaming landline — naputulan kasi. Hehehehe) pero dati may Wi-Fi naman siya (salamat sa USB dongle at sa mabait na kapitbahay). Unfortunately, wala na rin ito ngayon kasi lumipat na ng ibang bahay yung kaibigan ko 😦

Masagwa yung 14″ color monitor niya. Its built-in stand got misplaced so I had to replace it with a book (Atlas).

Pag naka-paa ka at nahawakan mo yung CPU case — maga-ground ka! That happened to me 5 times already. Nakaka-bigla pero effective na pampagising sa umaga. Hehehehe…

100_3471.jpg

Kung mapapansin ninyo, nakabukas yung side panel nung cpu. The reason is two-fold: 1) to keep the interior cool (and dusty), and 2) meron akong pet gagamba sa loob na takot sa dilim.

Makikita rin sa unang litrato na nagsisilbing magnetic board yung motherboard tray para sa mga resibo at iba pang mahahalagang papeles πŸ™‚

But not everything about my PC is “lowlife,” so to speak… it does have some saving graces:

  • It has a good (stand alone) soundcard which is why I invested in a nice pair of headphones and in a respectable set of speakers (2.1)
  • It has rounded and color-coded serial cables (red for the hard drive, yellow for the dvd player/cd writer, and black for the floppy drive) which makes the interior tidier than most CPUs. It looks nice too with the red LED exhaust fan running
  • I’m using heavy-duty keyboards — very stable, keystrokes sound nice, at masarap gamitin pang-type at pwede pang ihataw sa monitor kapag pumipiyok-piyok ito.
  • It has an above-average power supply unit. In fact, magkasing mahal yung power supply unit at yung buong pc (pinahiram lang kasi sakin yung motherboard at chip nung mabait kong kapitbahay nung nasira yung una kong unit)
  • It also has heavy-duty power cables (para stable at hindi nagfa-fluctuate yung electric shock na mararamdaman mo kapag nasagi mo yung case)

Siya sige… kung sino may type na sundan yung tag na ito… GO!

Advertisements
My Jurassic Workstation at home (got Tagged kasi)

14 thoughts on “My Jurassic Workstation at home (got Tagged kasi)

  1. nung makita ko
    litrato ng pc mo
    gumaan pakiramdam ko
    tungkol sa pc namin.
    hahahaha.
    πŸ™‚

    Taroogs – wehehehehe… am very happy to have eased your burden somewhat, xienahgirl πŸ™‚

  2. nyahahahaha buti nga yang sayo panyero gumagana… ang sa akin ay ilang buwan nang nakaratay sa banig ng karamdaman. kung kelan sya maipapaayos ay di ko pa alam. mabilis nga din sana sya kaso maysakit nga aanhin mo ang bilis kung ayaw naman nyang magboot hehehehe

    Taroogs – panyero, tulad ng sa tao, mahal din ang gamot para sa computer na may sakit. mag-herbal ka na lang kaya? hekhekhek…

  3. LOL! Gusto ko ang style ng magnet at mga resibo na nakakabit sa gilid ng CPU mo. Hehehe… panalo! πŸ˜›

    Taroogs
    – wodevah? multi-tasking ang loko. hehehe… kelangan talaga ng magandang sense of humor kapag ganun ang pc mo πŸ˜€

  4. dru ay nagsasabing:

    Suggestion lang po: Wag niyo pong iiwan ang magnet malapit sa CPU. Nakakasira po yan. πŸ™‚ Pero okay na po yang computer niyo. Di siya gaanong bumibigay ng “taragis” sa “taragis na buhay to.” hehehehe

    Taroogs – salamat sa tip. Dru. nabasa ko na din dati na masama yung magalagay ng magnet malapit sa cpu… pero ala akong magawa… puno na yung tabi ng ref namin ng mga magnet e. hehehe

  5. kengkay ay nagsasabing:

    winner ka dyan sa jurassic mo, ahahaha. ang kyut, di ba gumagalaw yan mag isa πŸ˜€

    Taroogs – kengkay, mukha bang transformers? hehehehe… ang gumagalaw lang dun e yung mga daga at gagambang ginawa siyang “dorm”

  6. lol ate kenks!

    kuya taroogs, nakakatakot pag naka paa at makuryente ka. naalala ko yung washing machine ko naka paa ako sa banyo at tumuwad ako dahil may nalaglag na damit yung puwet ko nasagi sa edge ng washing machine at bigla itong nanguryente! waaa sa puwet ko pa ang sakit at nakakatakot!! tinigil ko na paglalaba. lol at pinalabas ko ang washing machine sa banyo at kinabit sa kitchen. hehe..

    Taroogs – wehehehe… at least ako, kahit anong tuwad pa gawin ko sa tapat ng computer ko, tiyak na hindi sasayad yung wetpaks ko sa case — antaas ng pwesto nun eh!… pero hindi kaya magkamag-anak yung PC ko at Washing Machine mo? gawa din ba sa Sarawak yang sayo? πŸ™‚

  7. katherine ay nagsasabing:

    wow kakaiba…astiggg…wala po sa pc yan nasa gumagamit….

    Taroogs – ‘sakli, kapatid! pero nakakatulong din naman ng konti yung asteeg din yung PC (kahit pa asteeg na yung User) hehehehe….

  8. panyero pwede palang pang capital punishment ang pc mo…. jan natin papakuryente ang pandak sa malakanyang

    Taroogs – panyero, sinasabi ko sayo… pag nakita ko yun… ihahataw ko sa kanya PC ko! hehehehe…. para siguradong masasaktan. baka makiliti lang yun sa kuryente e

  9. Pareng taroogs puwede bang magtanong ng teknikal? Ano’ng specs ng pet mong gagamba? may pet name ka ba sa kanya? Hehehe! πŸ™‚

    Taroogs – kiks, benok pangalan niya… maliit lang pero mahilig sa kulay dilaw (dun siya pumupwesto sa dilaw na cable palagi)… malamang babae yung gagamba kasi masama palagi tingin sakin pag nagta-type ako. either type niya ako o mukha akong langaw πŸ™‚

  10. Jovi ay nagsasabing:

    Pareng Taroogs, Jurassic man daw at magaling, Jurassic pa rin. πŸ˜› Pareho tayong libro ang gamit pangtingala sa monitor… At alam ko na ngayon na dalawang klaseng underarm roll-on ang gamit mo, tag isa siguro sa magkabilang kili kili… Close na talaga tayo Pre! πŸ˜€

    Taroogs
    – oks talaga yung libro na pantingala ng monitor… feeling mo mas maraming kaalaman ang iyong nasasagap. hehehe… kaso medyo nanlalabo pa po yata ang mga mata mo dahil sa iyong pagkakasakit… 3 klase po yung jojorants ko hindi 2! ibig sabihin… oo… 3 kili-kile ko! wehehehe…..

  11. Jae ay nagsasabing:

    kalowkerz yung deodorant strategically placed sa tabi. pinagpapawisan ka ba pag nagiinternet at kailangan mo “magretouch”? hmmmm. ano ba kasi yang pinagpupuntahan mong sites?

    bwahahaha.

    Taroogs – unfortunately, Jae, wala po kaming internet sa balay… jurassic talaga, di ba? pero ang pagjo-jojorant ko sa umaga ay paghahanda talaga sa porn-surfing sa opisina! hehehehe….

  12. Daga ay nagsasabing:

    Auction natin sa e-Bay, kasama deodorant at mga resibo. Bebenta pa ng $10,000 yan. (30% cut ko ha?)

    Taroogs – daga, kailangan ko munang kumuha ng certification na “vintage” na siya bago mabenta ng mahal… mas ok sana kung “antique” yung kategorya pero wala sigurong maniniwala dun… well, pwera sayo! wehehehehehe….

  13. Joanne ay nagsasabing:

    ang bait naman ng kapitbahay niyo. wala lang. πŸ˜€

    Taroogs – totoo ka jan, Joanne… malamang kasi ninong at ninang sila ng anak ko πŸ™‚

  14. Jovi ay nagsasabing:

    Ay oo nga! 3 ang jojorants mo! Ang itim kasi nung isa eh. Yung kili kili? Hindi. Yung isang jojorant ang ibig ko sabihin… Mwehehehe! πŸ˜›

    Taroogs – magaling ka na nga, Jovi, bumalik na ang dati mong kakulitan e. wehehehehe πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s