Analog Bar: Where Vinyl Records and Red Horse happily mingle

Patalastas uli, mga kapatid sa pag-toma…

analog_logo.jpg

Analog Record Bar-Cafe

135 Malakas St., Barangay Central, Quezon City

(Sa likod ng Philippine Heart Center)

Bakit, ‘ka nyo, gusto kong tumambay/kumain/tumoma sa Analog Bar? Hmmmm… isa-isahin natin ang mga kadahilanan:

1. Maliit lang ang lugar. Minsan cozy, minsan maingay, minsan tahimik, minsan malamig, minsan mainit, minsan binabaha — depende sa oras ng pag-pasok mo at lagay ng panahon.

2. Mura lang ang pagkain at beer. At kung bitin ka sa laman ng menu ay di nila binabawalan ang mga nagbebenta ng mani, itlog ng pugo, chicharon at sampaguita na pumasok sa loob… (nasubukan mo na bang mamulutan ng sampaguita? ako rin hindi pa!)

3. Cool ang mga may-ari. Tatlo silang lalaki — isang “Hippie” na may sariling mundo. Isang “Guy Smiley” na mukhang pari… at isang… isang… well, to see is to believe, ika na. Hehehehe… Iba-iba ang tawag sa kanila ng kanilang mga parokyano — “Ang Tatlong Itlog” / “Good, Better, Best” / “The Good, the Bad, and the Ugly” / “Hudas, Barrabas, Hestas” 🙂

4. Pwedeng mag-request ng kahit anong kanta, basta meron sila na vinyl version. At kahit magkasaliwa pa yung magkasunod na request mo (tipong “Layla” ni Eric Clapton tapos “Lost in Love” ng Air Supply) ay pagbibigyan ka ng DJ (titingnan ka lang niya na para bagang may sayad ka). Hehehe

5. At Pinaka-mahalaga sa lahat — Malapit lang siya sa opisina at bahay ko! Meaning = pwedeng maagang uminom at late umuwi!

Daan kayo minsan!

Advertisements
Analog Bar: Where Vinyl Records and Red Horse happily mingle

2 thoughts on “Analog Bar: Where Vinyl Records and Red Horse happily mingle

  1. VD ay nagsasabing:

    ANALOG
    By Emmanuel Hizon

    Small joint
    Small talk
    Cheap beers
    Cheap thrills
    Pink Floyd
    In vinyl
    Melancholic
    Psychedelic

    Debate
    Articulate
    Drink more
    Deliberate
    Drink more
    Communicate
    Intoxicated
    Intellectually inebriated.

    The children will play
    The children will play
    Hear their stories, songs and fears.
    The children will play
    The children will play
    of hide and seek games
    yet, nobody disappears.

    Heavy rain
    Big flood
    We stay
    You stay
    You looked
    I looked
    Our best friend is our peripherals.

    Past loves
    Oh how they stay
    Old school
    Will you just go away?
    Ancient
    Archaic
    Previous.
    Before.

    Do I need to drink in a ‘museum’ that is so full of you?
    Do I need to get drunk with my forgotten self-imaginings of you?
    Must I puke on the carcass–of what is left of us?
    Must I wake up with a hangover of trying to get over you?

    Oh, Analog. Primordials are the most painful of all.

    Taroogs – asteeg! poetry from one of the mainstays of Analog Bar

  2. koltix5 ay nagsasabing:

    Okay ito ah. It’s a fitting replacement to a similar joint in Aurora Blvd which closed shop a year ago. Puro vinyls din ang audio source doon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s