Ngiti.

Sa isang banda’y tama ka kaibigan
nang iyong sabihin na ako’y may diperensiya
na ako’y may sakit
na ako’y may problema

Marahil ay napansin mong ako’y nahihirapan.
nahihirapang makitungo sa di ko katulad
nahihirapang makisama sa di ko kapalad
Ilag sa ilang mas malabo sa sarili
Ilag sa karamihang puro walang sinabi

Tama ka kaibigan, gayon nga ako
Ngunit isang bagay lang ang dapat liwanagin
nang ang di-pagkakaintindiha’y wag mamagitan sa atin
Ako nga’y may diperensiya, ngunit kontento sa sarili
Ako nga’y may sakit, ngunit ayokong gumaling

MALAYA ako kaibigan, mamamatay akong may ngiti sa mga labi.

Advertisements
Ngiti.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s