Ang pangarap kong Motorsiklo…
Matagal ko nang pina-plano na bumili ng sariling motorsiklo para gamitin sa pangaraw-araw na commute mula bahay hanggang opisina at pabalik. Ang kaso, may ilang mga realidad sa aking buhay na dapat kong i-konsidera bago ako tuluyang bumili:
- Una, at pinaka-mahalaga marahil… ‘di ako marunong mag-motor. Hehehe (pero kaya namang gawan ng paraan ito. Sabi nga ng mga henyo d’yan sa gilid-gilid, kung marunong kang mag-bisikleta, kakayanin mong mag-motor.) Osyasya… sabi nyo ah?
- Pangalawa, medyo may kalakihan ang kaha ko kaya di uubra sa akin ang mga mas murang scooter-type na motor. Pero may sagot din dito — bumili ng big bike. Mas magastos nga lang.
- Pangatlo, mahilig akong umuwi ng naka-inom. OO. Inaamin ko. May problema ako sa pag-inom. Kaya medyo delikado para sa akin ang mag-motor (kahit matuto pa akong mag-motor at gumaling ng todo dito)…
…lalu na’t ang pangaraw-araw kong ruta ay COMMONWEALTH AVENUE!
Wag na ‘oy! Magdi-dyip na lang ako noh!
Pero ang sarap pa rin talagang mangarap.
Haaays…







electronic motorcycle ba yan?
Taroogs — dehins, braaad! old-skool gasolina ini. hehehehe
hindi nga masamang mangarap.. pero delikado pa rin ang motor.. jeep na lang…
Taroogs – i agree, kapatid. agree din ang misis ko. hehehe