Alam kong pursigido talaga ang mga anti-tobacco activists sa kanilang kampanya kontra paninigarilyo. At dapat lang kasi pursigido din naman ang mga pro-tobacco lobbyists at cigarette manufacturers sa pagbenta ng yosi sa sangaktauhan.
Iba-iba ang arena ng labanan — sa batas, sa marketing, sa research, sa constituencies, etc. — at hindi talaga natatapos.
In fact, ilang dekada na rin ang banggaan ng dalawang pwersang ito.
Dati, llamadong-llamado ang mga cigarette manufacturers. Pa’no naman, nasa kanila na ang pera, ang hina pa ng edukasyon ng mga tao tungkol sa masasamang epekto ng pagyoyosi. In short, nung kapanahunan ng ating mga lolo’t tatay, lola’t nanay, ASTEEG pa ang mag-yosi.
Naaalala ko nga na inabot ko pa yung pwedeng manigarilyo sa loob ng erkon na sinehan (alam ko kasi gawain ko yun dati)
But heniwey, matindi man daw ang pader na kabangga, nagagawan pa din ng paraan. Lalu’t kung ika’y at the right place, at the right time!
Gaya halimbawa nung graphics artist ng record company na nag-produce ng Abbey Road album ng The Beatles…
Pansin niyo ba kung ano yung niretoke sa original piktyur kaya nawala sa final album cover?
Original foto:

Final Album Cover:

Lupet no?
Filed under: Uncategorized | 1 Comment









bat di ko pansin ang dif?
Taroogs – may kinalaman po sa yosi yung difference (hint… hint…) hehe