Five degrees of happy :-)
Dati, ayaw na ayaw kong mag-post ng mga fotos ng anak ko online. Natakot kasi ako sa experience ng isang ka-opisina na nilait-lait ng kaaway yung fotos ng pamilya niya na nilagay niya sa kanyang website. Personal yung mga banat… low-blow karamihan…
Hindi ako kasing bait nung ka-opisina kong ‘yun… di ko ma-tantya ang pwedeng maging reaction ko kapag seryosong nilait ang anak ko (iba yung pabirong lait, shempre. obvious naman ang ganung klase… at obvious din naman yung hindi pabiro.)
Di bale nang ako… di bale nang nanay ng anak ko (heheh… joke lang, ‘leng)… wag lang ang dear dawter ko ang lalaitin.
That being said… natuwa lang akong sobra nitong nakaraang maulan na weekend nang mag-trip kami ng dawter ko na magkuhaan ng fotos sa cellcam. Walang masyadong nabuo sa higit na sampung kuha niya sakin (maliban sa isa) kasi hindi pa yata ganun ka steady yung grip niya.
I, on the other hand, got several ok shots — yun e kung feel n’yang mag-posing (kankarot kasi si dear dawter).
At nung ni-rebyu na namin yung mga kuha namin, napansin ko na parang serye yung mga fotos na lumabas… tipong happiness in increments. hehe…
T (Tatay or Taroogs): O, don’t move ha? Piktyur kita…
D (Dawter): ayaw! Mommy, look o…
Click!
T: sige na… padala natin sa tita mo…
D: patingin!
Click!
T: ayaan… isa pa. smile ka naman…
D: o sige…
Click!
T: niiice! isa pa… lapit ka ta’s smile ha?
D: like this?
Click!
T: nyak! sobrang lapit naman… o last na. layo ka onti… don’t move… ta’s biggest smile! ok?
D: like this, daddy?
Click!
T: asteeeg!
ND (Nanay ni Dawter): ay, bulok ipen! i-delete mo nga yan… hmp!
Filed under: Uncategorized | 21 Comments



















bakit ang kyut ng anak mo, uy, hindi yan pintas ha
masarap talaga kodakan ng kodakan ang mga kids. yung bunso ko na may blue lipstick ayaw na nun mag pa kodak e, tinatakbuhan na ang camera.
Taroogs - heheh… kaya pala parang hindi natutuwa si little blue kengks nung kinunan mo ng piktyur
well… isa yan sa mga karapatan ng magulang, di ba — ang kodakan ng kodakan ang kanilang mga junanaks? saka na sila gaganti kapag tinedyers na sila
napadaan lang po ako sehr at nai-link kita sa sayt kong walang saysay. bukas e iplug ko din yung unica hija ko. wahihi. nakakahawa kase yung birit ni ms. gingmaganda. mabuhay po kayo!
Taroogs - salamat sa bisita, tol. napadaan din ako bahay mo… asteeg!
hay naku sa lahat ng galit ako, yung nanlalait ng bata. kadalasan naman ng nanlalait pangit rin! gaya nung nangyari sa prend ng prend ko, isa siyang manlalait ng bata… ang nangyari sa kanya? abay kamukhang kamukha niya ang anak niya, at maraming nanlalait dito. kawawa talaga yung bata. dangan kasi napaka-epal ng nanay.
may mga bidyo nga ako ng mga anak ko sa youtube, in-off ko ang comments at nang walang makahirit. mahirap na, baka di na ako makapasok sa heben kapag nakipagpatayan ako because of my dawters.
ilang taon na ba si unica hija mo? tantya ko diyan mga 4 ano? ang kulit! *like this daddy?* ahehe
i-enjoy sila habang bata, dahil pag malalaki na ang mga anakis na yan, abay sa atin na naman itututok ang camera at mawiwili rin silang i-post ang mga pagmumukha natin sa world wide web. (nightmare on elm street yon para saken).. at pag dumating ang panahong iyon, hindi ko sila kikibuin until the day they take me to my nursing home, at saka na ako maga-apologize para di na nila ituloy ang pagne-nursing home saken.
oi nobela daw ang haba ng comment ko. ahehe… kulit kasi ng post mo.
Taroogs – hanep! sakto tancha mo, kapatid. magfu-four na nga siya this month
lupit naman nung kwento nung frend ng frend mo na manlalait ng bata. hehe… karma talaga ano?
waaaaaaaaaaaaaaah.
ang kyut kyut cuuuttttteeee nya!
ang cute ng smile nya as in!
Taroogs – salamat, kapatid na eloiski
wala yun sa smile ng kanyang pa-pah! hehe…
ayus a! kyut pala ng “dawter” mo. lalo na yung the biggest smile. ^_^ ramdam ko yung saya niya.
baka raw mahipan ng hangin…
Taroogs - ramdam mo din ba yung asar nung nanay niya? heheh… ayaw kasi nun kapag nagme-mega smile si dear dawter
cutie cute a,
and the teeth, panalo!
Taroogs – yun ang bunga ng kaadikan niya sa jellyace
blog hopper
cute cute little girl. heehehe.. ang kulit nung malayong picture, tapos biglang lalapit para tignan, tapos lalayo ulit, tapos lalapit ulit. ahahah
cute po ng baby nyo
Taroogs - salamat po sa pag-hop sa bahay ko
(at sa mga puri na din pala. hehe)
ang cute naman talaga ni dawter! malamang nagmana siya kay mommy, hehehe! joke po!
Taroogs – hmmm… sakin naman nakuha yung talino
talagang ng nauso ang cam sa cel, mas lalong naging trigger-happy ang mga tao sa pix.. ang saya saya kc di ba.. madami tuloy moments ang naka capture, la na deve develop!
mana chak kay mami kc si dawter ay pretty!
Taroogs – korek, on both counts! hehe… pero sakin namana yung hilig mag-bike
Ayos ah, plakadong-plakado, matalino, mabait, ‘di pasaway!!! yan ah, ‘di negatibo. Sana, masundan pa c Unica????
Taroogs – pareng doy! magandang tanong yan…
cute ng bebe mo ka taroogs!
Taroogs – geeteynks, miss lenggai…
wala na bang pwedeng pandescribe sa isang bata kundi cute, cutie at kyut? hehehe… maganda ang anak mo, taroogs, at kung hindi sobra sa 1/4 century ang tanda ko sa kanya ay handa na sana akong lumabas ng seminaryo para hintayin syang mag-debut para maligawan sya. yun nga lang, mukhang mahilig ding mambasted ang anak mo dahil ang mga type nya eh mga ka-batch nya. sayang naman. sayang talaga…
taroogs – magandang tanong yan, bro_utoy… pero parang limitado nga ang mga pwedeng gamiting adjective sa gan’tong edad na bata — kyut, pretty, biba, smart… mahirap naman kung ‘athletic’, ‘assertive’ o ‘focused’ ang gamitin, di ba? hehe…
haha ang cute nga ng anak mo kuya
tsaka mukhang makulit
Taroogs - ay sinabi mo, lilmiz… yun naman ang minana niya sa ermats niyang magaling
cute ng anak mo ah.
gusto ko na rin magkaanak. hehe
Taroogs – masaya nga sana ang may mga bubwit sa bahay… kaso, hirap buhay eh
kuya, ang cute siguro ng wife mo? ang cute ng baby mo e…hhehe
yaan mo na yung ipin..tutubuan pa naman yan ng permanent e..pero alalay lang kapag tumuntong na sya ng 6 -7 years old…yung malalaking bagang na tutubo sa dulo e permanent n yun at wala ng papalit dun…=)
Taroogs – asus, wag sanang mabasa ito ni misis at baka lumaki pa ulo. hehehe… joke. oo, maswerte at sa nanay nagmana si dear dawter pagdating sa looks (at sa tatay naman sa brains). Dentista ka nga pala! lagi ko hingi sayo libreng dentalcare tips ha?
Ayos ang mga piktyur lalo na yung huli!
Parang yung panganay ko, hindi rin mahiyain sa camera. Pag nakitang hawak ko na pose agad kahit di naman siya kukuhanan ko! Hehe!
Taroogs - mukhang universal na bisyo na yata ng mga bata yung pagiging adik sa kodak. hehe
Ayos! Marunong mag-project! Lalo na yung huli! =)
Pag nagkababy na rin ako lagot cia sa dami ng kukunan kong litrato nya ehhehe…=)
Taroogs – answerteng bata ng iyong future beybi, miss callcentergal
super cutiepie!!!!
Taroogs – thanks, jae… super cutiepie ka din
Mga wala talagang magawa yang mga under-the-belt kung bumanat.
Bok, lapit na father’s day a?
di ba may isang anak ka pang lalaki? parang nabanggit mo nuon sa “mana-mana” post mo…
Taroogs - bok, chineck ko yung post kong yun, wala naman akong nabanggit na may anak akong lalake
You ha! nalilito ka na ha!
Father’s Day? meron pala nun? hehe
Ang cute naman pala ng dawter mo Pareng T.
Taroogs – salamat, Mareng J… mas cute yan pag tahimik na natutulog. wehehehe
Naku, pwedeng-pwedeng pang Little Ms. Philippines ang ismayl! Heartbreaker ito paglaki, mag-ipon na ng pambili ng shotgun ngayon pa lang pareng Taroogs!
Taroogs – aaay! magagalit ang nanay nya kapag in-attempt kong isali si dawter sa byutyus contests. masyadong na-internalize kasi yung “Little Miss Sunshine” hehehe… pero sa’yo po, Joan, nagamit ba ng iyong papa ang kanyang shotgun?