Malamang napansin din ninyo ano — na hindi na kasing-tindi gaya ng dati ang putukan sa New Year? Mas kaunti na ang nagpapaputok… mas matagal magsimula ang seryosong putukan sa bisperas… at mas maaga din itong natatapos kinaumagahan.

Don’t get me wrong, hindi ko pinapanalangin na bumalik yung dating tindi ng putukan… yung tipong late 80s na klase ng celebrations — ayoko ng ganun ‘no! Masama sa tulad kong may hika (lalo kung ikaw ang palaging designated na taga-ihip ng kanyon — di pa uso boga nun e) at delikado pati sa mga bata (na kahit anong saway ang gawin mo e pupulutin pa din talaga ang mga tira-tirang labintador na nagkalat sa kalsada…) Di hamak na mas magastos din yung mga ubos-biyayang selebrasyon dati…

Pero di ko lang maiwasang ikumpara yung noon sa ngayon. Parang bitin na kasi.

Wala lang…



13 Responses to “Iba na nga ang New Years sa ngayon”  

  1. huwag kang mag alala..hindi ka nag iisa :)

    Taroogs – miss mo din old days? :-)

  2. 2 Jovi

    Mahirap na kasi ang buhay ngayon. Ako nga imbes na bumili ng sarili kong paputok, nakikinig na lang ako sa paputok ng iba… Hehe! :-D

    Taroogs – sana nga pwede ring makikain ng handa ng iba! wehehehe…

  3. 3 koreanmine

    uu, ngayon, maidaos lang talaga. kc kundi rin lang talaga mya sobrang pera eh nkakapanghinayang na din talaga

    or pde din na “na educate” na ang tao sa dangers ni2 ( i doubt :-? ) hehe

    BTW, ano b tlga? iba iba nababsa ko eh.. labintador, rebentador, lebentador.. ???? :-?

    Taroogs
    – baka nga po kumbinasyon siya ng mga factors na nabanggit mo… education, hirap buhay… ang tama pong tawag sa paputok na yun ay “fla-fla” :-)

  4. Yan din napansin ko nung huling uwi namin, hindi na nga katulad dati na antagal bago tumigil ang putukan. Sabagay ok lang naman kasi ibig sabihin umiiwas na yung iba na maputukan o sa gastos! Hehe!

    @ koreanmine: Para safe kung anong tamang tawag kung labintador,rebentador,lebentador…trianggulo na lang! :)

    Happy New Year Pareng Taroogs!!

    Taroogs – happy new year din, pareng kiks!

  5. 5 kengkay

    talaga? kaya pala wala na rin sa news dito yung mga injured e. mabuti naman. kainis minsan kapag malapit na new year kasi hindi ka na makagala sa kalye dahil sa harapan mo ihahagis ang mga paputok, hmp. hepi new year!

    Taroogs - yan naman, miss kengks, yung maganda sa mas kaunting putukan — lesser firecracker-caused injuries :-) ang kaso nga lang, mas dumadami naman yata yung mga tinatamaan ng ligaw na bala :-(

  6. 6 Jae

    ewan ko noldie, pero ok sa akin ang kapos na kasiyahan keysa mga limbs na forever kapos dahil nasabugan ng kuwitis.

    happy new year. happy new beer. hehe.

    Taroogs – naman. pero di ba pwedeng pareho? :-)

  7. inabot mo rin pala yung kanyon — at taga-hihip ka pa pala?
    dalawa “fuel” nun e — kalburo saka gas, tapos babalahan mo ng lata? …ka-boom! …tsuuung!!! :P
    ako nun tagapasak at tagahabol ng lata! :lol:
    sana maibalik yung kanyon, kaya lang wala na yatang maputol na kawayan.

    happy new year, p’re!

    Taroogs – at isa na namang ebidensiya ng edad ang nailatag… hehehe… gaas lang yung primer namin, bok. walang makitang kalburo sa lugar namin nun… pero lata din yung bala :-) ngayon, wala na kawayan kaya PVC pipes na (boga)

  8. napansin ko din yan, wala na masyadong nagpapaputok at di na sing-saya tulad ng dati. ok na din para kunti lang maputukan aheheh parang bawat taon, patahimik ng patahimik yung bagong taon, baka darating ang panahon na wala na talagang magpapaputok no ahaha

    Taroogs – sana nga dumating ang panahon na puro pailaw na astig na lang ang gamitin, wala nang pasabog :-)

  9. kapatid, ako yung tipong makarinig lang ng lumang kanta, iniisip ko agad kung anong taon yun naging sikat lol! senti ba tawag dun? :) or what? di ko alam e.

    taroogs - hmm… makakalimutin? hehehe. joke lang po :-)

  10. mas maganda new year nila ngayon, hindi masyadong mausok at maingay. blah

    Taroogs – kaya lang parang mas madalas na din sunog ngayon… may data kaya dito?

  11. Happy new year boss taroogs, welkam bak. :)

    Taroogs – at happy three kings din, kapatid na ice

  12. Uy, hahaha, Happy New Year kuya. :D Sa tnda ko ng ito, ang nahawakan ko lang tlaga na paputok eh yun watusi. Takot pako dun. :) Mahirap na kasi maputulan ng kamay. Nga pala, pa-pm naman po ng number mo. Haha, lagi ko ksi nakakalimutan yun sa load nun holidays, grabe kasi mga kainan napalaban. :P

    Taroogs – katakot po talaga yung watusi na yun — nakakalason kaya nakapagtataka kung bakit hindi pa rin banned sa ngayon. andami nang batang paslit ang namatay dahil dyan :-(

  13. i think mas okay na ngayon at least kaunti lang yung mga napunta sa hospital, napansin ko nga at 1am tahimik na halos lahat.

    Taroogs - nababago talaga tayo kapag may pamilya’t anak na… ngayon, gusto ko nang matapos ng mabilis ang putukan kasi hindi rin makatulog yung anak ko… at pag gising sya, ako ang kinukulit :-)


Leave a Reply