cleaning.jpg

General Cleaning sa opisina namin today. Naghahanda na kasi kami para sa bakasyon (yeba!) kaya kanya-kanya kaming linis ng rooms at work areas (Panyerong Selvo, nakatakas ka ha! Hehehehe…. pero in fairness, di lang ikaw ang wala. Pati yung dalawang “roomies” natin e absent din.)

So somekindasoloflight ang drama ko ngayon. Buti na lang at maliit lang itong kwarto namin. At dahil medyo bago pa ang mga mesa e hindi sila gaano kahirap pakintabin :-)

Vacuum cleaner, wood polish at mga malinis na basahan lang ang katapat nito!

Banat, Taroogs! Tandaan… kapag maka-enkwentro ng mga dumi at mantsang matitigas ang ulo (stubborn dirt and grime)… “konting kush-kush… ayush!” :-)




2 Responses to “Ang “General Cleaning” ay therapy na din pala”  

  1. 1 koreanmine

    therapy sau kc bihira mo lang gawin hehe
    samin, ang general cleaning eh general problem :lol:

    naimajin tuloy kita na may suot na apron, may hawak na basahan at nasipol sipol habang nag pupupunas at sabay nakanta pa :lol:

    Taroogs
    – walang magkasya saking apron e… saka ginagamit naman yung trapal sa labas :-) pero kumakanta nga ako habang naglilinis — “ibigay mo na… ang aming krismas bonus…” (Aegis)

  2. mas magandang therapy yan, p’re kung coconut husk na bunot ang ginamit mo at tutbras ang ipinangwalis mo, hehe. kaya lang baka dyan ka na magpasko.


Leave a Reply