On December 8, 1980, this boy (who was already 40 years old that year) was shot and killed by a lone gunman.

Kilala niyo ba siya? Subukan ninyong hulaan. Huwag munang i-google yung date :-)

Titigan ninyo ng mabuti ang mga mata ng bata… pamilyar ba? Hindi… try imagining the boy with glasses on… namumukhaan niyo na? Imagine uli… still nothing?

Kaya n’yo yan :-)

boy_beatles.jpg



11 Responses to “It was 27 years ago (exactly 3 days ago)”  

  1. Di ako pamilyar sa date. sino? si ninoy? mahina ako sa history eh. hehehe

  2. John L? Ka-birthday mo pala! Hehe…. Hapi Beerday uli!

  3. Ambilis nahulaan a! Korek! John Lennon (kaya naka-bold yung “Imagine” sa post. hehehe)… pero Dec. 8 siya at 10 naman ako :-)

  4. kita ko pa lang yung date — December 8, 1980, alam ko na.

    memorable sakin date kasi lumuwas ako manila noon para pumunta V Luna medical center for PMA medical exam kinabukasan. dec 8 night sa bahay ng great grandma ko sa Legarda doon ko nakita yung balita sa TV.

    nakahiligan ko rin ang maraming Beatles’ songs nuong kabataan ko at peborit ko yung IMAGINE nya. :)

    Taroogs
    – aha! 1980 pa lang e magpe-PMA ka na! buking lalo ang edad, tol :-)

  5. hindi ko nahulaan.. pero kuya ko nahulaan.. wow.. ka birthday mo pala sya ha… Nga pala, happy birthday..

    Taroogs – salamat po, miss angel, pero di ko siya ka-birthday… 8 siya 10 ako (Lennon fan lang talaga ako. hehehe)

  6. hehehe… hule! :lol: pero p’re, indi ako nakapasa… anderhayt! kasi indi pa ako tuli nun. :mrgreen: (joke)

    bertdey, dedo-day… hehe. pareho lang ba yun?

    Taroogs – pwede… kasi parang ipinanganak siya sa kabilang buhay nung araw na yon — kaya bertdey pa din! hehehe….

  7. 7 Bonn

    Hehe… Birthday kasi nung friendster friend ko na John. Sakto lang pag-greet ko sa kanya tapos nabasa ko itong post mo! Kitakits! ;)

  8. Ako rin, hinehele pa ako sa duyan ng nanay ko niyan nung nabaril siya. 8 years old na ako hinehele pa! Hahaha!

    Taroogs – ako naman 10 years old noon, pinapalo ng nanay. hehehe

  9. 9 koreanmine

    John Lennon fan :D takot ka ba sa Yoko Ono mo :lol:

    fave ko din beatles, alala ko nung HS ako, lagi palabas beatles sa Channel 5 pag lunch break kaya lagi ako late sa PM class ko, 2 times ako na suspend pero kailangan pumasok at sa corridor makinig ng lessons habang kainitan ng araw! nyahaha

    Taroogs
    – yan ang tunay na fans! willing na mapahamak mapanood lang ang mga idols! :-) hehe… ‘yoko magka-Yoko sa buhay ko!

  10. 10 pamaypay

    john lennon din ang hula ko! :D

    rudie

    Taroogs - hey rudie! naging pamaypay na ang takure mo? :-)

  11. peace! magkaedad pala kame ni kikong matsing. heheh.

    yoko ke ono.

    YokoOh No! :-(


Leave a Reply