
November 30 ngayon. Araw ni Bonifacio. Maraming rally uli sa kalsada kahit medyo may tensiyon pa din gawa ng “Manila Peninsula Overkill” kahapon. Tiyak, gagamitin na naman ng gubyerno ang kaganapang iyon para pigilan ang mga kilos-protesta at mga pagmartsa… perong ibang kwento na yun.
Sayang at hindi ako makasama sa rally. Sumipa kasi ng matindi yung rayuma ko — oo, nirarayuma na ako — at sa sakong at talampakan pa yung puntirya (key body parts during rallies, di po ba?) Actually, may tama din yung aking kanang hintuturo… pero duda ko ay gawa ng kaka left-click ng mouse yun
So I did the next best thing: pinag-isipan ko na lang si Andres Bonifacio…
Ano ba alam ko tungkol sa kanya? Well… basically, what I’ve been taught in school. The Bonifacio of the history books; the romantic but ill-starred hero of the masses. Bonifacio, the founder of the Katipunan; maker and seller of canes and fans; brilliant strategist; poet and writer; executed by his contemporaries… elevated to icon status.
Impressive… dramatic… asteeg.
Pero walang tungkol sa Bonifacio the person; Bonifacio the eldest son. Andres in his youth.
Paano kaya siya makitungo sa kanyang mga nakababatang kapatid – kina Procopio (executed together with Andres on Mt. Buntis, allegedly on orders from Gen. Aguinaldo), Ciriaco (shot to death when Andres was arrested in Indang), Maxima, Troadio at Espiridiona (o ha… alam ko mga pangalan nila. hehehe)? Siya kaya ay istrikto o kunsintidor? Namamalo kaya siya kapag nakukulitan sa mga utol niya?
Wala din gaanong kwento tungkol kay Andres bilang asawa – una kay Monica, at nang ito ay pumanaw, kay Gregoria de Jesus. Romantiko kaya siya? Magiliw? Nagsisilbi kay misis o pinagsisilbihan palagi?
Mas gusto ba niya ng kape o ng tsokolate? Ano paborito niyang ulam?
At galit kaya siya sa mga tsismosong tulad ko? Hehehehe….
Filed under: Uncategorized | 9 Comments









mahirap yan reyuma pare. lalo na ngayon malameg? buti na lang ako ala pa ahehe.
may magandang ‘onli wan’ piktyur ka pala ni Ka Andres. sa Tutuban ko lang ito nakikita e. pakopya ha… sama ko sa Philippine history collection ko.
Taroogs - no problem, bok. Copyleft ang polisiya ko sa buhay
malamang aggravating element sa rayuma yung palaging pagtungga ng bir ano?
malamang nauulol na sa galit ang kaluluwa ni ka boni sa mga nangyayari sa atin ngayon… haaayyyyssss….
Taroogs – anofangavah, mareng lenggai?! at andaming ginagamit ang pangalan niya para i-justify ang mga pinaggagawa nila ha…
hahah malay natin tsismoso din pala sya
.. totoo kaya na sya dapat ang naging unang presidente? (napanood ko lang sa tv heheh tsismis din
)
Taroogs – kunsabagay, kung iba-base natin sa mga karakter sa nobela ni Rizal, marami talagang personality quirks ang mga Pinoy noon (gaya din ngayon)
astig sya.. sana napanood mo yung sa i-witness tungkol sa kanya.. hmm.? Sya dapat yung unang presidente ng ‘pinas..Kaya lang nagkadayaan “history repeats itself”,.. At idol nya si Rizal. Sabi naman ng ilang history books, dapat daw itatakas nila Boni si rizal bago ito sintensyahan kaya lang hindi pumayag si rizal…
sana naman magkaroon ng mga kagaya ni Boni ngayon.. Matapang, malakas ang loob, at handang ipaglaban ang bayan..
Taroogs - yung report po ba ni Howie Severino yung tinutukoy mo, angel? napanood ko din kasi yun
totoo ka jan, sana nga mas maibahagi sa mga kabataan ngayon ang kumpletong kwento ni Gat Andres
Dapat pag ganitong mga araw meron special show ang The Buzz at Startalk. Alamin nila ang mga tsismis na kumakalat noon tungkol sa mga bayani natin. Malamang maraming manonood at sigurado na ang pagtaas ng rating nila.
Napanood ko yung i-witness sa internet tungkol kay Ka Andres, medyo nabitin ako. Sana meron pa ulit documentary na mahaba-haba tungkol sa kanya.
Taroogs - honga. palaging mga tsismis na related kay Rizal lang ang sinasaliksik ng mga historians today. Sana may remake din nung pelikula tungkol kay Bonifacio, at isama na yung ibang “angles” sa kanyang kwentong-buhay
mahilig din kaya siya sa tuyo?
Taroogs - may itlog na pula na rin kaya nung panahon na yon? malamang ano? ilang sentimo kaya isa?
ang balita ko after papatay ng tropa ni Aguinaldo si Ka Andy e nagpalit na daw ng pangalan yung lahat ng mga ka angkan nya…natakot daw yata( base lang sa nabasa ko sa blog ni fafa Howie Severino yun) kasi hinanap daw niya yung mga descendant e, pero merong lumabas nag iisa na lang yata na ka apu apuhan ni Ka Andy..basahin mo na lang sa blag nya
advance happy birthday ulit
Taroogs - napanood ko din po yung episode na yun at nabasa yung blog ni Howie. Idol talaga siya
(parang ikaw. naaaks!)
ngeks!
e ikaw idol ko e
Taroogs – mutual admiration club itoh!
hehehe
heheheh syempre magkabirthday kasi tayo e lol!