Bad trip… mukha ba akong snatcher?

Oo. Inaamin ko — Na-hurt ako! Na-insulto!! Nagalit!!! Taragis naman… talaga bang mukha akong SNATCHER?!

taroogs_pose.jpg


Maikling backgrounder muna:

Naglalakad ako along Matalino Street, sa Bgy. Central, Kyusi, kagabi, mga alas-nuebe pasado… pauwi na ako galing opisina at pagod na… naka-set din sa “slow” ang utak ko kasi hindi pa ako nakaka-inom ng aking energy drink (opo… Red Horse! Thursdays lang kasi ako umiinom — pero ibang kwento na yun).

So, eniwey… nasa tapat na ako ng isang litsongmanukan (hmmm… ambango) nang may napansin akong manang na naglalakad sa harap ko… pareho kaming papuntang Kalayaan Ave. kaya nakatalikod siya sa akin… maliit lang siya, naka-uniporme (baka taga City Hall).

May kabagalang maglakad yung ale kaya naisip ko agad “maunahan nga… at ambango-bango talaga ng litsong manok!” :-)

Habang papalapit ako sa kanya e napansin kong texting while walking pala ang lowkah! Kaya naman pala ambagal maglakad e. Tsk… At walang pakelam sa mga kotse at trisikol na pumipina sa kanya ha! Asteeg! (baka may mahalagang binibilin sa ka-text?)

So binalak ko siyang lampasan sa kanyang left side, sa side ng traffic, para hindi ko siya ma-crowd papuntang kalye (baka masagasaan pa. wawa naman, di ba?)

Ang kaso, nang maabutan ko siya, tatlong bagay ang sabay-sabay na naganap:

  • bigla siyang napa-lingon sa kanyang kaliwa (na-sense yata na may taong nagmamadaling dumadaan sa tabi niya).
  • nanlaki bigla yung mga mata niyabahagyang bumuka ang bibig sabay bulalas ng isang malakas at extended na “aaaay!!!”
  • niyakap bigla ang kanyang handbag at pilit na inilayo sa akin ang kanyang cell phone! (parang maramot na bata na ayaw mamigay ng kendi).

Buti na lang at hindi nataranta yung mga bantay kotse boys na nakatambay sa tabi namin kundi tiyak nakuyog na ako ng mga yun!

Boysit na aleng yun. Masyadong biased laban sa mga malalaking lalaking kalbo’t may goatee at tattoo…

Ayan tuloy… sa sobrang sama ng loob ko e pinalitan ko na yung avatar ko. Babay “batang nagyoyosi” — hello “Taroogs with Red Horse.”

Badtrip. Makapag-ahit na nga :-)

  1. nyahaha! tawa ako ng tawa dito sa post mo. ayannnnn! di ka na mukhang snatcher nyan! ok na yan! mukhang reypist ka na lang ngayon! bwahaha! joke lang.

    kidding aside, mas cool ang ayos mo na ganyan. :D

    Taroogs – reypist pala ha… halika ka nga rito! heeheheh… :-) pero mas cool nga yung kalbo – nararamdaman mo talaga yung ihip ng hangin sa anit mo!

  2. Pareng Taroogs! The nerve of that ale! Of course, hindi ka mukang snatcher! Muka kang rapist… Hehehe! Peace! Magkaibigan tayo! Tsaka type naming mga babae ang mukang rapist. Or is is just me? :-P

    Taroogs – susmaryosep, Jovi! Dalawa na kayo ni Maru na nagsabing mukha akong rapist… buti na lang at positive pala sayo yun! wehehehehe :-)

  3. Wahaha! Buti na lang at di ka nga nakuyog ng mga bantay kotse boys! Baka may dalang malaking pera si manang at tinetext si manong niya kung saan sila magde-date kaya medyo nagulat sa ‘yo. :)

    Bigla akong nagutom dun sa sinabi mong mabangong amoy ng litson manok! Peborit talaga manok! Haha!

    Taroogs - korek ka d’yan, coyang Kiko! kahit mas malaki ako sa mga bantay-kotse-boys na yun e mas marami naman sila! saka ‘peace man’ ako e… gusto ko lang isang peace nung litsongmanok na yun! :-)

  4. Nakakatawa ‘to!!!!

    You look familiar, nainterview na ba kita dati?

    Btw, I’m “Lenggai.” Screen name ko lang sa blog. Aileen talaga ang pangalan ko. Pero pag sa real world, A!, sa blog world, Lenggai.

    I like your posts. Puwede ba kitang maging pwend?

    Hihihi…

    Taroogs - teynks miss Lenggai :-) op kors poyding maging “pwends” tayo! hehehe… ‘interview’? recruiter ka ba? hekhekhekekek…

  5. panyero you picture looks familiar hmmmm…. mr. clean ikaw ba yan?

    Taroogs - panyero! yesh… ishmee, boy kushkusk… ayush! :-)

  6. hehehehe!!!

    Taroogs – (nagkakamot ng ulo habang nakangiti) :-)

    • kengkay
    • Nobyembre 8th, 2007

    ham pogi mo pala, taroogs :D pero may isnatcher na pogi din di ba, hehehehe — joks.

    Taroogs – Kengks, se Germany ba may isnatcher din? :-)

  7. wahahahaha!

    la lang. tama na yang comment na yan. nasabi na nila mukha kang rapist eh. di ko na uulitin nyahahaha!

    Taroogs – gud! pareng AZ… mahirap ulit-ulitin ang ganyang bagay at baka paniwalaan pa ng madlang pipols! hehehe

  8. panyero ang yabang naman ng aleng yun…sana kung red horse yung hawak nya magdududa pa ako sa motibo mo pero cell phone eh… walang kwenta hehehe

    Taroogs - korek, panyero! mas mahal pa nga yata yung bag niya kaysa dun sa celfone niya e :-)

  9. hahaha naku wawa ka nbaman.. hehehe ayos lang yan..

    Taroogs – well, ika nga ng kasabihan… “ganyan talaga buhey!” hehehe… salamat sa dalaw, angel :-)

    • kengkay
    • Nobyembre 9th, 2007

    taroogs, meron din isnatcher dito pero karamihan e yung mga adik adik talaga… o kaya e mga mafia ba na galing sa east….

    • brath
    • Nobyembre 9th, 2007

    nakakatawa naman yung ale, para sakin naman di ka mukang snatcher kaya there’s nothing to worry about hehehehe

    xiao!

    Taroogs – salamat, miss brath… ganda ng celfon mo ah… akin na yan! (isnats) hehehe

  10. tsk tsk tsk, dapat tinaasan mo ng kilay tapos sabay sabi ng ‘how dare yah?’.. haha. ^_^ ewan ko lang dun sa ale..

    tsk tsk tsk, buti na lang at hindi ka nakuyog, siguro kung nakuyog ka, yung avatar mo ngayon eh piktyur mo ng nakuyog. wahaha. ^_^ peace tayo dude!

    Taroogs – true, earthlotus… daig ko pang pinalo ng bote ng red horse kung nagkataon

  11. Blog Roll kita new pwend!!!!

    Hindi po ako recruiter, pulis ako…

    LOL!!!!

    Taroogs - ayan! tagal ko nang pangarap magkaron ng kaibigang pulis! hehehe :-) i-link din kita shemps.

  12. baka ang bag niya ay dolce and gabana galing quiapo?hehehhe….dati kalbo din ako..kaya nmagpapahaba na din ako ng buhok at baka maulit pa ang history mo saken… heheh.napadaan lang po.

    Taroogs – salamat sa bisita, Maldito. sumilip din ko blog mo at natawa to the max sa iyong near-tragedy with “kuya” :-)

  13. hahaha, natakot sa mamang kalbo :D pero in fairness cute naman ha…

    Taroogs – yan ang sinasabi ko! may cuteness din naman ang kalbo… kamukha ko ba si Demi, ha, Misyel? :-)

  14. Sinabi na kasing wag lalabas ng bahay eh!

    LOL, pagpasensyan mo na sila taroogs!

    Taroogs – ano pa nga ba, isagani, kung maging pasensiyoso… haay, mababaliw ka talaga kung wala kang sense of humour :-)

  15. hindi ka naman mukhang snatcher. at lalo ka namang hindi mukhang rapist.
    mukha ka lang problemado.

    juk! peace tayo koya!

    Taroogs - wehehehe… salamat, icsx, sa napaka-saktong obserbasyon :-)

    • dru
    • Nobyembre 23rd, 2007

    Inisip ng babae: “Aaaayy! He stole it! He stole my heart!”

    O diba?

    Taroogs - pwede :-) romantic at heart ka talaga ano, Dru?

  16. ahhh.. kayo pala si taroogs ahehe.. hi po kuya.. penge redhorse :)

    Taroogs
    - opo, ako nga po. At ikaw naman pala ay pasaway! :-) red horse ba kamo? suuure! pero paano? hehehe

  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 36 other followers