Lasing ka na naman, Hayup kah!
21Set07
Friday ngayon… 6:30 PM… malapit na uwian. Pero dahil lasing na naman ako kagabi ay hindi muna ako iinom mamaya (yata).
Masakit pa din kasi ulo ko… mahirap mag-isip… nalalasahan ko pa beer sa dighay ko. Wala na ko masabi at maisip kaya heto — Question and Answer na lang muna.
Tingnan ng mabuti ang litratong ito at piliin ang sa tingin ninyo’y pinaka-tamang sagot:

a) si Taroogs ay uminom ng 10 bote ng Red Horse kaya malapit nang magsara ang kanyang mga mata.
b) si Taroogs ay uminom ng 4 lang na bote ng Red Horse pero sinabayan naman ng 4 na basong double-shots ng Torres 10 Yrs Old kaya malapit na siyang maihi sa sariling pantalon.
k) hindi naman lasing si Taroogs. Ganyan lang talaga hitsura niya
Filed under: Uncategorized | 17 Comments










Mwahahahahahahahahahaha!
Pare,
Batay sa pagkakakilala ko sa iyo at
sa mga nasa paligid mo…ang tamang sagot
at titik K.
gari
hahahaha. letter k. tama?
pero in perness mukha kang payat dito
C!!!!
okay lang yan, october fest na naman e.
ay K pala. hihihihi..
nakita ko na yang picture somewhere… ahh alala ko na na… nakapost yan dati sa campus nung college ako at ang title ay…. PROFILE OF AN ADDICT…. kaw pala model nun panyero? i am proud of you.
Pareng Taroogs! Nakita rin kita sa wakas! Close na tayo!
uy! eto ang mga gusto kong kainuman! pareng taroogs sirit nako. ano ba tama answer?
feeling ko ito ang tamang sagot:
k) hindi naman lasing si Taroogs. Ganyan lang talaga hitsura niya
heheheh sige itulog mo muna na yan…
xiao!
teka…
parang nakita ko na ang picture na ‘to a.
ahhh… naalala ko na!
‘to ngaaaa! nakita ko ‘to minsan sa police report ng tv patrol!!!! bwahahaha! joke! joke! joke!
amp! ampungay ng mata!
K, definitely! Hahahaha!
Mga kapatid (Aaron, Jae, Selvo, Jovi, AZRAEL, Brath, MARU)…sensya na kayo at sa sobrang laseng ko e maling piktyur ang na-post ko. Hindi po ako yan — yan ay ang tiyuhin kong si Mang Gurnak na palaging sumusulpot kapag lakas amats na ko at nagbibigay ng walang kapararakang mga payo sa akin… buti na lang at umaalis din siya kapag nahuhulasan na ko… kundi ay oombagin ko na talaga siya. Kulet kasi eh
Mga katoto (Gari, Rudie, Jojie)… dahil unanimous kayo sa letrang C/K… napatunayan kong mga ala kayong kwentang kaibigan! Wehehehehe (JOKE!)
Tapos na ba botohan? Sige sa susunod na lang ulit!
@Kiko – tapos na yata botohan. Pero tuloy pa din ang inuman! Hik!
para kang si ka rey langit na malapit nang maabot ang langit….
Taroogs – Def, ika nga nung awit ni Roel Cortez, “sa langit wala nang beer… because we drink it here…”
hik!