Kasi nga malapit na naman daw ang Pasko, kaya malapit na naman ang panahon ng biglang paglaki ng gastusin (yung tinatawag ng mga economic analysts na “Spike in consumer spending“) — gawa ng mga regalong dapat ibigay… sa sarili, sa pamilya, sa mga kaibigan, at sa iba pa.

Pwes, kahit dalawang buwan pa bago mag-Pasko, may ideya na ako ngayon pa lang kung anu-ano ang mga gastusing ito.

Ang tanong, ANO ANG PRIORITY?! (buti sana kung ako yung tipong may extrang pera para pambili ng lupa’t bahay sa States… pero hindi eh. Mahirap lang ang Nanay ko. At wala din siyang prominent nunal sa fez. hehe)

So kelangang pumili alin ang isasakatuparan, at alin ang mananatiling pangarap na muna?:

  • 17 inch LCD Monitor (para sa PC namin sa bahay) — mahalaga ito kasi mas tipid siya sa kuryente kumpara sa CRT monitor. Plus, malapit nang bumigay yung monitor namin kaya masakit na sa mata gamitin (wawa naman si Misis)
  • Matinong Bisikleta na may training wheels — ito ang laging nire-request ni Dear Dawter mula nung pumanaw yung una niyang Pink bike.
  • Parol na gawa sa capiz shells — matagal ko nang pangarap na magkaroon ng ganito. Asteeg na, “Buy Filipino” pa.
  • Ipa-semento ang walkway ng bahay — para hindi na magpuputik sa harap namin sa tuwing umuulan. At para di rin gawing pupu-an ng mga askal ang tapat ng gate
  • Bagong Running Shoes para sakin — kasi di na uubra yung luma kong sneakers. At balak ko na kasing simulan ang regular walking (before progressing to jogging and, later on, running… naaaks)
  • Bagong Yero para palitan yung mga butas at kinkalawang na – shempre, self-explanatory na kung bakit mahalaga ito.
  • Washing Machine – ito naman ang laging bukam-bibig ni Misis. Lubhang mahalaga din kasi pumipiyok na yung luma naming washer n dryer.
  • Regular Cable and Internet connection — para mabawasan ang sakit ng ulo na dala ng Pre-paid accounts.

Haaays. Choices… choices… choices…

choices

Maka-taya nga muna sa Lotto :-)


Siya ang rason kung bakit nakipag-siksikan ako sa Comelec Registration nung nakaraang linggo! :-)

Tuloy ang laban!


Number-Fourty

Lampas isang taon pa naman bago ako pumatak ng KWARENTA pero, ika nga ng mga henyo sa gilid-gilid natin, maigi na yung maagap, di ba?

Tutal, paminsan-minsan ay nag-iisip naman talaga ako ng kung anu yung mga bagay-bagay na dapat baguhin sa sarili… And what could be a more auspicious moment to effect such changes than when you finally hit the big Four-Oh?

TANONG: nagplano din ba ako nung bago pumalo ng 30? Nasunod naman ba yung mga plano?

SAGOT: OO noh! Kaso di pa uso blogs nun kaya walang ebidensiya. Hearsay na lang lahat. hehehe.

Mabalik ako sa planning.

Mukhang dapat seryosohin ko na yung pagbabago sa sarili kasi seryoso na yung edad — 40. Hindi 20, hindi 30… effing 40, repakols!

Powtek! (lagpas na sa kalahati ng buhay yun a.) Kung baga, ‘pag di ko pa ginawa yung dapat gawin by the time I hit 40, wala nang saysay na gawin pa siya.

To paraphrase Dame Judi Dench, sa papel niya bilang Queen Elizabeth sa pelikulang Shakespeare in Love, “Too Late, Taroogs…Too Late…” (sabay iling-iling ang lowlah Judi)

Aruujoskoh! That gives me just over a year left to:

  • Become more Spiritual. Hindi “Religious” ha… “Spiritual.” Malaki ang pagkakaiba nung dalawang yun.
  • Achieve my Ideal Weight. Sabi ng duktor, sa isang katulad ko na 5′8″ ang height, dapat 175 lbs daw ang bigat ako. Sabi ko naman… Aba’y Good Luck!
  • Say goodbye to binge drinking. Di na kasi bagay tingnan. Di na rin nakakatuwa. Kaya dapat pashot-shot na lang ng brandy.
  • Release my inner Vegetarian. Dapat mabawasan na ang pagkain ng Baboy, Baka at Manok at damihan na ang pagkain ng Gulay.
  • Act my Age. Yun na yun.

:-)


Maliban sa obvious need ko to lose weight and get a facial (hehe…), may ilan pang mga katangian na gusto kong baguhin sa aking sarili — kung posible lang ba talaga.

  • Unang-una na dito ay ang propensity ko to procrastinate — andami kong hindi nagawa dahil ito ang hilig kong gawin.
  • Ikalawa ay ang tendency ko to be bull-headed on certain issues — madali naman akong kausap, ‘wag lang sa ilang piling usapin
  • Ikatlo, may instances talaga na hindi ako nakikinig sa sinasabi ng kausapin one ear, out the other, ika nga. Wala e… madali lang talaga akong ma-distract (hindi dahil sa hindi mahalaga sa akin ang sinasabi mo)
  • Sana mabawasan din yung pagka-naive ko minsan pagdating sa pulitika dito sa Pinas — ewan ko ba… mukhang konektado ito sa kasunod kong katangian na…
  • Masyado akong mabilis bumilib sa tao — kahit na alam kong marami siyang sabit, kaka-bilib pa din.
  • May irrational urge pa din ako to grow my hair, moustache and beard long – dedma sa protesta ng aking mag-ina. Hehehe…
  • I also tend to trivialize a lot of problems — my own and those of others – kaya tuloy madalas akong naakusahan na “puro na lang sa biro dinadaan…”
  • And finally, mahilig akong mag-engage sa introspection pero wala namang gagawin after…

Parang ngayon ba.

:-)


  • Binati ng isang ka-opisina ang suot kong relo… “Uy, pare! Ganda ng relo mo ah… ano yan, Baby G?” (shempre, G-shock yung suot ko. Mukha bang maliit?)
  • Kelangan ko ng maikling “rest break” before tying the laces of my other shoe
  • Nagtagpo na din sa wakas ang Edad at Waistline ko
  • Minsan naiisip ko nang gawing patungan ng bote ng beer ang tiyan mo kapag masikip na yung mesa
  • Kapag nakahiga ako’t nanonood ng tv e naba-block ko ang sarili kong view
  • Kapag automatic na sa harapan ng taxi ako pinasasakay o sa likuran ng tricycle agad umuupo yung mga kasama ko
  • Kapag lagi na akong tinatanong ni Dear Dawter ng “Daddy, buntis ka din?

:-)


Arwen… Isabella… Ysabella… Marley… Arlene… Malena… Irinna… Mariel… Lee… Arianne… Marlee… Dayana… Alexie… Alexa… Alixx… Marnie… Sabrina… Miranda… Sabina… Joelle… Gianna… Giada… Hedda… Monina… Romina… Megan… Mina… Mena… Geraldine… Lena… Lianna… Maryam… Rowenna… Junalyn… Junabelle o Juvalynne? :-)

Abangan ang sagot after 7 months!

Asan nga ba itinago yung folding crib? (hint… hint…)

 

UPDATE: Biglang humirit si misis nung isang araw… “E pa’no kung Lalaki?! Yan ang hirap sa’yo eh… hmp!


Howboutchoo? Did You Did It Na, Too?! :-)

Shempre ang tinutukoy ko ay ang aking long-overdue re-registration for the coming 2010 Elections.

DSCN1108

Hindi dahil “First Time Voter” ako ha… 1988 pa ako naging “FTV” heheh… I needed to re-register kasi I got deactivated, gawa ng 2 consecutive failures to vote.

Hindi ko naman kasalanan e — trabaho ang dahilan (totoo!)

But eniweys, ang mahalaga ay naka-rehistro na ulit ako. And this time, malapit na sa bago kong tirahan!

From being a botante in Bgy. Sikatuna, Q.C. ako ay botante na ng Bgy. ____, Caloocan City! (bow)

Buti na lang Sabado ng gabi ako pumila sa local Comelec Office — konti na ang tao, di pa masyado mainit.

Pero ang da-best, natyempuhan ko itong nakakatuwang exchange sa pagitan ng isang botanteng pilit nagpapa-palit ng presintong kinabibilangan at nung comelec officer on-duty:

  • Mamang Makulit: magpapalipat po sana ako ng presinto. dati sa bgy. ____ ako, gusto ko sana sa bgy.____ nakalista.
  • Accommodating Comelec Official: na-delist na po ba kayo sa dati ninyong presinto?
  • Mamang Makulit: hindi po.
  • Natatawang Comelec Official: e bakit kayo magpapalipat ng presinto? naglipat bahay ba kayo?
  • Mamang Makulit: hindi po. sa dati pa rin ako nakatira.
  • Naiinis na Comelec Official: e hindi po papayag ang board niyan. hindi naman sakop ng bgy. _____ yung bahay ninyo e.
  • Mamang Makulit: sariling desisyon ko naman po ito. for convenience lang.
  • Napipikon na Comelec Official: naku, hindi ko ho masasagot yang request ninyo. ibang klase yan. hanap po kayo ng atorni sa taas… kayo na mag-usap!
  • Mamang Makulit: ay atorni po ako.

Sa puntong ito ng diskusyon nung dalawa e muntik na talaga akong sumigaw ng “Objection, Your Honor!

Pero pinigilan ko sarili ko kasi baka biglang humirit nung Sikyo sa tabi ko ng “Denied!

:-)


Palatandaan daw ng isang magaling na manunulat ang kakayahang gumamit ng iba’t-ibang salita sa paraang magaang basahin at bigkasin. Natural na natural ang dating, ika nga. Hindi nakaka-bulol (unlike this post. hehehe)

Sabi nga nung teacher ko sa English nung hayskul… ” The words should flow flawlessly one unto the other.”

OK. Pangarap nating lahat ito… lalu na ng mga kagaya ko na “naniniwalang” marunong silang magsulat. hehehe… (note: “marunong” hindi “magaling” ha? mahirap nang maakusahang mayabang.)

Pero ewan ko ba kung bakit merong ilang salita, sa Ingles at Pilipino, na sadyang napakahirap gamitin.

With such words, practice does not make perfect. On the contrary, it merely frustrates and frustrates and frustrates…

I’m sure meron din kayong mga “pet peeves” pagdating sa vocabulary.

Sa kaso ko, meron talagang isang salita sa Ingles na kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga mapangatawanang gamitin – hindi dahil sa hindi ko alam ang ibig niyang sabihin… mas pa dahil sa hindi natural ang dating nito sa akin.

Actually, duda ko nga, it’s more than just a word… it actually implies something about the writer/speaker using it.

It says something about the personality of the user… about his/her class and status (real or imagined)… and, to take it to the extreme, it also seems to imply something about how the user perceives his/her audience.

And that word is… ”DECADENT

Pronunciation\ˈde-kə-dənt also di-ˈkā-\

Functionadjective

Etymology: back-formation from decadence

    • marked by decay or decline
    • of, relating to, or having the characteristics of the decadents
    • characterized by or appealing to self-indulgence <decadent pleasures> — dec·a·dent·ly adverb
    • one of a group of late 19th century French and English writers tending toward artificial and unconventional subjects and subtilized style
    • one that is decadent

To be honest, feeling ko the word “decadent” is, in itself, quite decadent :-)


Oplan SIMPLIFY

14Okt09

Totoo nga ang kasabihang “habang umiinog ang buhay ay pakumplikado ito ng pakumlikado.” Kaya naman palagi nating binabalik-balikan ang ating nakaraan — our simpler, more carefree youth… Noong mas simple pa ang buhay, ika nga.

Pero hindi naman imposibleng manumbalik ang simpleng buhay, di ba? Or at least a semblance of it. We just have to do away with some “complicating” aspects of our life.

In short, may mga paraan para gawing mas-simple ang ating buhay ngayon. Kung hindi man maging kasing-simple nung buhay natin nung mga bata pa tayo ay mabawasan man lang ng kahit ilang baitang ang kumplikasyong nadarama natin sa kasalukuyan.

Which brings me to the question — anu nga ba ang mga bagay-bagay na nagpapa-kumplika ng buhay? (uy, rhyme yun a! hehe…)

To each his/her own na pagdating dito. One person’s “complicating factor” may not be for another.

Mahirap nang mag-generalize sa mga ganitong bagay.

Pero kung ako ang tatanugin… IMHO… heto ang ilang complicating factors ng buhay ko (na balak kong resolbahin sa lalung madaling panahon).

Para sa aking personal OPLAN SIMPLIFY, balak kong:

  • Bawasan ang collection ko ng libro. Yung mga mahahalaga lang sa akin ang iiiwan ko. The rest, ipamigay!
  • I-dispatsa na ang mga lumang magasin. Kalat lang sa bahay e. Ginagawa pang higaan ng mga pusakal.
  • I-retire na ang mga lumang electronic gadgets kung may kapalit na. The same goes for spare parts. Magastos na sa kuryente, masakit pa sa ulo.
  • Bawasan ang mga sapatos, sandals at tsinelas. Kung hindi na talaga ginagamit, i-donate na lang sa relief.
  • Ganun din sa mga damit. Kung di na talaga magkasya ang t-shirt, pantalon o jacket (huhuhu…), tanggapin na ang masaklap na katotothan. I-donate! O kung luma na talaga ay gawing basahan.
  • Bawasan ang mga bag na ginagamit. Ok na yung dalawa — isang pang-pasok at isang pang-harabas. Better kung yung pang-pasok at pang-harabas ay one and the same.

Ngayon… kung pwede ko lang kumbinsihin ang Dear Dawter ko na magbawas din ng kanyang mga laruan ay sisimple nga talaga ang buhay naming mga magulang niya!

:-)


Itong darating na 24 ng Oktubre, 2009, ilulunsad ang kampanyang International Day of Climate Action. Halata namang may kinalaman ito sa pandaigdigang panawagan laban sa Climate Change/Global Warming, ano po?

And I’m sure, pagkatapos ng kambal na hataw nina Ondoy at Pepeng, wala nang pasaway na magde-deny na meron ngang Climate Change na nagaganap!

350 Logo

Pero bakit “350” ang tawag sa kampanyang ito?

Well, ayon mismo sa website ng organisasyon, 350 PPM (parts per million) daw ang Safe Upper Limit ng Carbon Dioxide sa ating Atmosphere. Ibig sabihin, pag lampas dito ang naitala, delikado tayong lahat.

So, nasaan tayo sa ngayon?

350-chart_0

O di ba? Lagpas-lagpasan. Hindi na siguro katakataka kung bakit.

Pero hindi pa huli ang lahat — ika nga ng isang sikat na pulitiko, “May pag-asa pa!

Kaya join na tayo sa krusadang ito. Kinabukasan ng ating mga anak, apo, apo sa tuhod, apo sa sakong, apo sa talampakan, etc… etc… ang nakataya.